"Sa susunod ko na ibabaling ang tingin ko sa iba kung tuluyan ko ng susukuan si Sir" tumayo ako at kumuha ng maiinom na tubig.

"Hindi ka pa ba susuko? Talo kana ah" nag thumbs lang ako sakanya at naglakad palayo.

"Huy! Lou! Anong sinabi ko?!"

"Ipamukha mo pa! Sira!" Actually wala talaga kaming masyadong tatrabahuin ngayon kasi close itong resort. Close for reservations ang booking for three days, kaya free na free kami hahaha!

Umupo ako sa malaking bato malapit sa dagat at napatitig dito.

Nagulat ako ng mag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Agad ko naman tong kinuha at sinagot.

"Nay?"

"Anak! Isinugod namin ang itay mo mo sa hospital!"

Napatayo naman ako

"H-ho?! Bakit naman po? Nay anong nangyari kay tatay?"

"K-kasi anak, nadulas siya doon sa pinagtatrabahuan biya" marahas naman akong napahilamos sa mukha ko.

"D-didiretso na po ako diyan. Sabi kasing wag na magtrabaho, sige nay" ako na ang pumatay sa tawag. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa locker room namin.

"Oh beh? Pawis na pawis ka, anyare?" Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit.

"Kate, ipagpaalam mo nalang ako oh, please? Isinugod kasi ang itay ko sa hospital"

"A-ano? Sige sige, ingat ka" mabilis lang akong yumakap sakanya at agad na tumakbo paalis.

"Louisse?!" Hindi ko na pinansin ang tumawag saakin at dire-diretso lang ang pagtakbo.




















Hinihingal ako ng makarating ako sa hospital. Dumiretso ako sa ward kung saan sina nanay.

"Nay, mano po" nagmano ako sakanya at ngumiti lang siya saakin. Napatingin naman ako kay itay na natutulog sa kama.

"Kamusta po si itay?" Umupo ako sa tabi niya at yumakap sakanya.

"Okay naman daw anak, may minor fracture raw sa paa, pati na sa kamay niya kung saan siya kumuha ng lakas para hindi mabagok yung ulo niya" napabuntong hininga naman ako at hinaplos ang mukha ni itay.

"Sinabi po kasing wag na magtrabaho eh"

"Alam mo naman yang itay mo, ayaw niyang umasa lang sayo" napatingin ako kay inay.

"Nay, sapat na po yung nagtitinda kayo ng suman at saging. Nakakaipon naman ho kayo doon eh"

"Ewan ko diyan sa itay mo" mahina naman akong natawa.

"A-anak?" Napabaling naman ako kay itay.

"Gising na po pala kayo. Ayan tay ah, siguro naman magtatanda ka na. Stop na po kasi sa pagtatrabaho, keri ko na po lahat"

"Matanda na talaga ako anak" napailing naman ako.

"Tay naman eh!"

"Haha, oo na po. Makikinig na si itay"

"Ayan mabuti yan, makinig ka sa anak mo tay"

"Opo nay" napangiti nalang ako sakanila.

Itinaas ko naman ang pinky finger ko.

"Ikaw'ng bata ka" ganun rin ang ginawa ni tatay kaya ipinagdikit namin ito.

"Nakakatulong na nga po ako sa iba eh kaya keri ko lang po kayo ni inay, tay"

"Sus etong anak ko talaga" mahina naman akong natawa ng yakapin ako ni inay mula sa likod.

Pumalakpak naman ako.

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now