"Wala 'yon, Christian. I just want to help you and Inay Felicia since napakabuti niyo sa akin at inalagaan niyo pa ako nung napadpad ako sa lugar niyo. I'm returning the favor." I said.

He hugged me.

"Masaya ako na nakilala kita, Bliss. Ikaw lang ang nakapagpasaya sa akin nang ganito. Hanggang dulo ay magkasama pa rin tayo at sisiguraduhin ko 'yon." I can feel Christian's sincerity in his voice.

He's really happy and he deserves it.

Kumalas naman ako mula sa pagkakayakap niya at hinarap siya. "Of course, you're my friend at hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo." He nodded  and smiled on what I said.

Kinabukasan ay handa na kami sa pagpasok ni Christian sa school ko at sa bagong school na papasukan niya. Naprocess naman ng maayos nila ni Papa ang mga papers na kakailangan niya sa pagtransfer sa Zion University.

Mahigit two weeks naman akong hindi nakapasok sa school kaya kailangan kong makabawi sa academics. Maayos na rin naman ako at ayoko na munang maalala ang mga nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw. Alam kong makikita ko si Kale sa school and all I can do is to avoid him.

I smiled nang makita ko ang ayos ni Christian. Suot niya ang uniform ng Zion University and it looks good with him.

He's naturally handsome and his tan skin makes him more attractive. Sigurado akong may mga estudyante doon na hahanga dahil sa angking kagwapuhan ni Christian.

"Wow! Those uniform looks good on you, Christian." I said to him.

Nahihiya naman siyang nagkamot ng batok niya. "Salamat, Bliss. Ikaw rin, ang ganda mo sa suot mong uniporme." He said.

"You're complimenting me, too-"

"Bliss,"

Napahinto naman ako sa biglang tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Ash na naglalakad papalapit sa akin. He's also wearing our uniform.

"Ash? You're here." Gulat kong sabi.

Napayuko naman siya pero tinignan ulit ako. "I'm sorry kung hindi kita pinansin kahapon. Naguluhan lang talaga ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin pero ngayon ay nakapag-isip na ako ng matino. Wala na akong pakialam kung may nangyari man sa inyo ni Kale. Tanggap pa rin kita dahil mahal kita. I don't want to lose you, Bliss..." He cupped my face and I see that he's sincere on what he said to me.

Napangiti ako and I hugged him. "Thank you for understanding me, Ash. I love you, too." I faced him again at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa isang kamay ko.

"Hindi ako papayag na makasal kayo ni Kale. I will do everything para kumbinsihin si Tito Gil na hindi na ituloy pa ang kasal niyo. Let's fight together para sa ating dalawa." Seryoso niyang sabi.

I nodded. "Oo, Ash. Sabay nating haharapin ang lahat ng pagsubok na 'to. Salamat at nandyan ka para sa akin."

He kissed me not minding na nanonood lang sa amin si Christian.

"Because I love you and I will do everything for you." Mariin niyang sabi.

I nodded again.

"Sabay na pala kayong sumakay sa kotse ko. Ihahatid ko na rin si Christian sa Zion University." Sabi ni Ash saka nito sinulyapan si Christian na tahimik pa rin.

"Is it okay with you, Christian?" Tanong ko naman kay Christian.

He nodded. "Okay lang, Bliss."

Muli akong humarap kay Ash at sumakay na kaming tatlo sa kotse niya.

Nakaupo ako sa front seat at si Ash ang nagmamaneho habang nasa backseat naman si Christian.

"Sabay na tayong maglunch mamaya sa school. Baka kasi guluhin ka pa ni Kale kapag nakita ka niyang mag-isa lang." Ash said while he's driving.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now