"We can talk some other time Ms. Ortega, pumunta ka na muna sa Clinic at ipagamot 'yang ilong mo." Sabi ni Dean.

Padabog pa siyang tumayo at umalis ng opisina pinagmasdan pa ni Dean ang paglabas niya bago bumaling sa akin.

"Sana at hindi umabot sa puntong lahat ay pipirma para mapatalsik ka sa pwesto Hivary, binibigyan kita ng chansa para baguhin ang ganiyang pamamalakad mo, at kung hindi man, sa ayaw at sa gusto mo, pwersahan kitang tatanggalin sa pwesto." Maawtoridad na sabi ni Dean.

"I can't promise but I'll try my very best Dean but if I didn't, pasensyahan nalang po." Sabi ko sa kaniya.

Bayolente ang buntong hiningang pinakawalan niya at sinabing maari na akong umalis.

Hindi ko nilingon ang kapatid kong kasalukuyang kausap ng Councilor at dumeretso ako sa canteen at bumili ng malamig na tubig.

At idinampi sa pisngi ko.

Sa paglalakad ko ay nakita ko si Zero na gulong gulo ang damit at pawis na pawis habang nakasabit sa balikat niya ang bag niyang ballpen lang naman ang laman.

Nang makita niya ako ay tumigil siya.

"Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" Supladong tanong niya.

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko habang nakadampi parin ang malamig na tubig sa muka ko.

"Ano namang pake mo?" Iritadong tanong niya.

"Wala naman, nagtatanong lang bawal na ba?"

"Tss, hindi kita pag-aaksayahan ng panahon para makausap!" Sabi pa niya.

"Kaya pala kinakausap mo ako ngayon." Nakangisi pang sabi ko at naibaba ang bottled water.

Panandaliang nawala ang pagkakunot ng noo niya at sinundot ang cheekbone ko kaya napadaing ako at wala sa sariling nasuntok siya sa dibdib pero hindi niya ininda.

Gago din eh!

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya at inosenteng nakatingin sa pisngi ko.

"Ano namang pake mo?" Paggagaya ko sa sinabi niya.

"Nagkapasa oh." Pambabalewa niya.

Sasagot sana ako nang sundutin na naman niya.

"Punyeta ka! Animal!" Sigaw ko pero tumawa lang siya.

"Tsk, tsk, tsk, nasapak ka na naman ba? Nakikialam ka kasi masiyado eh. Sa susunod hayaan mo nalang sila at magpatayan kung gusto nila. Titigil din ang mga iyon kapag nagkasawaan eh." Dagdag niya ngunit malamig ko lamang siyang tinignan.

"Wala ka atang kalokohan ngayon?" Tanong ko.

"Mag iisip pa ako, naubusan ako eh." Sabi niya at nilagpasan ako.

Sumunod nalang ako hanggang sa makarinig na naman ako ng ingay sa may sulok ng 3rd floor kaya nilapitan ko at may umiiyak na bata doon.

'Elementary pa 'to ah.'

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon