Part 1:

1 0 0
                                    

Aeryel's pov

Nag-uunahan kami ngayong magkakaibigan sa kakahoyan at napagkasunduan namin na kung sino man ang mahuhuling makarating sa dulo ay siyang sasagot hupunan namin mamaya

"Hahaha" narinig kong tawa ng mga kasama ko mula sa aking likuran

Sa ngayon ako ang nangunguna at hindi ko ikakaila na palagi namang ako ang nauuna kaya hindi ko pa sila nalibre kahit minsan. Nang makarating ako sa dulo ay agad kong tinaas ang aking kanang kamay sensyales na nakarating na ako sa dulo. Sumunod na nakarating si Kyla at Jenny at ang sumunod naman ay si Jed tatlo nalang silang hindi pa nakakarating Mukhang alam ko na kung sino ang taya ngayong gabi magkasunod na dumating si Larry at Chad kaya tama ako mukhang si Gail nanaman ang manlilibre ng dinner namin ngayon

"Napaka bilis mo talaga Aeryel kailan kaya kita matatalo?" natatawang tanong ni Chad na medyo hinihingal

"Ah kailangan mo munang talunin si Jed, Kyla at Jenny bago mo isipin na matatalo mo ko" mayabang na sagot ko dito

Natawa naman silang lahat sa inasta ko sakto namang dumating si Gail na hingal na hingal

"Ang bibilis niyo talaga" hinihingal na sabi nito

"Bumibilis talaga kami maslalo na pag gastusan ang usapan hahaha" biro ni Larry

"Kaya tara na at nagugutom na ako mukhang masarap magchicken ngayon" naka hawak sa tyan na sabi ko

Napatingin naman silang lahat sa akin"Buffalo Wings!!"sabay-sabay namin sigaw

Nagtawanan kami at nagkwentuhan palabas ng kakahuyan napaka saya ng ganito kasama ang mga kaibigan. Palagi namin itong ginagawa pagka galing sa eskwela at sa bawat karera namin ay palaging si Gail kaya siya palagi ang nagbabayad sa kakainin namin pero minsan kahit siya ang nahuli ay ako na ang nagbabayad nakakaawa naman siya kasi siya nalang palagi ang taya. Dumiretso kami sa kainan nila Driffin at humanap ng mapupwestuhan

"Doon" turo ni Gail sa bandang likuran na may walong upuan kaya agad kaming pumunta dito at nagsipag-upuan

Tinawag ko na si Queen na waiter dito sa kainan at umorder ng pitong Buffalo Wings

"Alam niyo ba na dadating na daw ang anak ng Alpha?" kwento ni Kyla

"Anak ng Alpha? Bakit? Papalitan niya naba ang Alpha?" tanong ni Chad

"Hindi ko alam"nag angat pa ito ng balikat bago muling nagsalita" Dito na daw niya itutuloy ang huling taon niya sa college yun lang naman ang nalaman ko"

"Baka nga mag-aaral lang siya tyaka antagal niya kayang nalayo sa bayan natin siguro panahon narin para bumalik siya diba?"biglang sabi ni Gail

"Wow lalim ng hugot mo Gail ha" biro ni Larry

Nagtawanan naman kami sa kanilang dalawa. Nang ihatid ang order namin ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang kumakain

"Ikaw Aeryel?" napatingin naman ako kay jed ng bigla nitong banggitin ang pangalan ko

"Anong ako?"wala sa sariling tanong ko

"Kapag kumakain ka talaga wala kang naririnig" medyo natatawang sabi nito" Ikaw tinatanong namin kung saan mo balak magbakasyon"

Ah yun pala ang pinag-uusapan nila

"Ah wala jan lang sa kakahuyan" tipid na sagot ko dahil wala naman akong ibang lugar na gustong puntahan

"Hindi manlang ba kayo magpupunta sa beach ng pamilya mo ngayong magbabakasyon?" dugtong na tanong nito

"Sila"

"Anong sila?"

"Sila pupunta pero ako ayokong sumama iitim lang ako dun"

Nagtawanan naman sila dahil sa sagot ko" Kahit na hindi ka magswimming sumama ka lang para makapag bonding kayo ng pamilya mo"si chad

"Oo nga naman Aeryel"-Gail

"Tama si Chad para makapagba-"

"Wag niyo nakong pilitin mas gusto ko sa kakahuyan kaysa sa beach" pagpuputol ko sa sasabihin ni Jed

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't-isa kasabay kong naglakad pauwi si Jed dahil magkalapit lang ang bahay nila sa amin

"Salamat sa treat" naka ngiting sabi nito" Alam kong ikaw nagbayad nung kinain natin"

"Wala yun naawa na kasi ako kay Gail palagi nalang siya ang nagbabayad hehe" birong sagot ko

"Nga pala pinapasabi nga pala ni Mom na pumunta sa dinner bukas kung hindi ka busy"

"Sige pasabi kay Tita na pupunta ako" naka ngiting tugon ko

"Sige sige makakarating"

Pagkatapos ng usapan namin ay diretso na kaming naglakad pauwi at nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na ako kay jed

"Bye jed kita nalang tayo sa school" paalam ko dito at binuksan na ang gate

"Sige bye" paalam din nito tumalikod na at nagtuloy na sa paglalakad

Nang makapasok ako sa gate ay agad ko din itong sinara at pinakiramdaman ko muna ang bahay kung nasa baba sila pero mukhang wala naman kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok. Pagpasok ko ay nagulat ako ng makita ko si Mom na nakatayo sa tapat ng hagdan

"Good evening young lady" bati nito sa akin

"Good evening ma hehe" bati ko pabalik

"Saan ka galing? Bat ngayon ka lang? Diba sinabihan na kita na dapat bago mag alas singko nasa bahay kana? Pero ba't ngayon ka lang alas syete na" galit na sabi nito

"Mom kumain lang po kami kila Tito Driffin napasarap ang kwento kaya medyo nalate na ako naka-uwi" pagdadahilan ko dito

"Kahit na kumain kayo dun kung alam mo ang oras ng uwi mo dapat bago pa la-"

"Honey kararating lang ni Aeryel pagbihisin mo muna" pagpuputol nito kay Mom at tumingin ito sa akin at kumindat "Halika na maupo ka na muna at para marelax ka" pinaupo ni Dad si Mom sa couch at sinenyasan ako ni Dad na umakyat na

Ganto ang routine namin dito sa bahay pagdating ko sa bahay bubungangaan ako ni mama tapos dadating si Dad para pakalmahin si Mom at para mawala ang atensyon niya sa akin para hindi niya na ako mabungangaan

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa cr para makapagligo bago matulog paglabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa cabinet at naghanap ng pantulog. Pagkatapos ko nagbihis ay umupo muna ako sa couch para patuyuin ang buhok ko kaya nanuod muna ako ng tv ng mapansin kong tuyo na ang buhok ko ay pinatay ko na ang tv at nahiga maya-maya lang ay kinain na ako ng antok

MateWhere stories live. Discover now