"What's this?" Kunot noong tanong nya sa akin saka nya binalingan yung sandwich na nilagay ko sa table nya.

"Sandwich po Sir sa inyo na lang dahil busog na po ako."

"I don't eat cheap foods Bella. Sayo na lang." Sabi nya sa akin saka sya bumaling ulit doon sa laptop nya. Kinuha ko na lang 'yong sandwich at binuksan 'yon saka ko 'yon ibinigay sa kanya.

"Kumain po kayo Sir, alam nyo po bang masama ang nagpapagutom kapag nagtatrabaho?" Sabi ko saka ako pilit na ngumiti sa kanya kahit na kinakabahan ako dahil baka masigawan na naman nya ako.

"Stop being too nice Bella. You don't know how you make me crazy." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ko parin binibitawan ang sandwich na hawak ko sa harap nya.

"G-Gusto ko lang po kayo pakainin ng sandwich dahil alam kong hindi pa po kayo kumakain." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Tsk!" Sabi lang nya sa akin saka nya kinuha ang sandwich na hawak ko at kinagatan 'yon kahit na napipilitan sya at kunit na kunot parin ang noo nya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na mapangiti.

"Coffee." Nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Ano po 'yon Sir?" Paninigurado ko sa kanya dahil tama ba na kape ang hinihingi nya? Kape sa oras ng katanghalian?

"Coffee."

"Kape Sir?" Tanong ko parin sa kanya kaya napatingin na sya sa akin.

"I said coffee right? Ano ba Bella? Pinapainit mo nanaman ang ulo ko!" Nagpipigil ang inis na sabi nya sa akin.

"E-Eh kasi po tanghali na at di kayo nagkakape ng ganitong ora-"

"Ang sabi ko kape. Timplahan mo ako. Ngayon na." Seryosong sabi nya sa akin saka ako napatingin doon sa sandwich na hawak nya at kulang na lang ay tumalsik sa akin ang palaman non dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa tinapay.

"O-Opo Sir." Sabi ko na lang sa kanya saka ako nagderetso sa island bar at ipinagtimpla sya ng kape. Sinigurado ko pa na masarap ang pagkakatimpla noon dahil baka makadagdag pa 'yon sa init ng ulo nya.

"K-Kape nyo po Sir." Sabi ko sa kanya saka ko ipinatong sa tabi nya ang kape nya. Hindi ko tuloy  naiwasan na mapatingin sa screen ng laptop nya. Walang kahit na ano doon. Nasa home screen lang 'yon at wala kahit na anong naka-open doon. Panay lang ang galaw ng arrow doon sa screen. Kanina pa sya nakatingin dito pero ito lang ang ginagawa nya sa laptop nya?

"Sir Damon okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya pero parang wala syang naririnig. Nakatingin lang sya doon sa screen at ginagalaw ang arrow.

"Sir Damon?" Tawag ko sa kanya saka ko narinig ang malalim nyang buntong hininga.

"Okay lang po ba kayo Sir?" Tanong ko ulit sa kanya pero katulad kanina ay hindi parin sya nagsalita. Isinubsob nya lang ang mukha nya sa kamay nya habang nakatuon ang mga siko nya sa mesa.

"May problema po ba kayo Sir Damon? Pwede nyo naman po akong kausapin kung may iniisip kayon-"

"Stop being too nice, too kind and too innocent Bella if you want to help me."

"Ano po bang ibig nyong sabihin? Hindi ko kayo maintindihan?" Naguguluhan na sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at kunot na kunot ang noo nya. May kung ano sa mga mata nya habang tinitingnan ako na hindi ko maipaliwanag. Pangungulila at sakit? Para saan?

"The first day I saw you walking here in my office. You remind me of everything Bella. Everything. And you being too nice, too kind and too innocent makes me more loose my sanity. Makes me more loose out of control my emotions. The pain that was already buried was now alive because of you. You bring back my past." Lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya. Hindi ko makuha ang gusto nyang sabihin. Anong mali sa pagiging mabait ko sa kanya?

"Sir Damon hindi ko po kayo maintindihan. Pagod lang po kayo. S-Siguro kaylangan nyo nang umuwi para makapag pahinga. Gusto nyo po bang ipatawag ko na si Sir Adolfo para ipahati-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla ko na lang maramdaman ang labi nya na lumapat sa labi ko. Hindi ko alam kung kelan at paano nya nahawakan ang mukha ko para mapastatwa paharap sa kanya. Hindi sya gumagalaw at parang pinapakiramdaman nya lang ang labi ko.

"Let go of me! I will just talk to her!" Halos maitulak ko si Sir Damon nang bigla kong marinig ang malakas na sigaw na 'yon.

"C-Cohen?" Halos pabulong nang sabi ko saka ako napabalik ulit ang tingin kay Sir Damon na ngayon ay nakatungo at parang wala sa sarili. Agad akong napalayo sa kanya dahil sa nangyari.

"Sya ba ang dahilan kaya ayaw mo nang bumalik sa akin?" Galit na tanong sa akin ni Cohen saka sya naglakad papalapit sa akin.

"Sir trespassing po kayo. Hindi kayo pwede sa building na 't-"

"Let go of me!" Galit na sigaw nya sa mga guards na nakahawak sa kanya.

"Let him." Rinig ko nang sabi ni Sir Damon saka ito tumayo sa swivel chair nya. Lumabas naman na ang mga guards at naiwan kaming tatlo doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatakbo na lang ba ako palayo o hahayaan ko na lang na hintayin kong kainin ako ng lupa?

"Sya ba Bella? Ipinagpalit mo ako sa isang matandang binata?" Sarkastikong sabi ni Cohen kaya lalapit na sana ako sa kanya nang maramdaman kong pinigilan ako ni Sir Damon.

"Cohen umalis ka na." Mahinahon na sabi ko sa kanya pero mas lalo lang syang lumapit sa akin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumapayag na makausap ako."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala na tayong dapat pag-usapan pa? Hindi ba dapat ay bumalik ka na sa probinsya?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya sa akin. Ano bang kailangan nya pa?

"Who the heck are you?" Seryosong tanong ni Sir Damon kay Cohen.

"Wala ka na don. Bakit ikaw? Sino ka ba? Hiwag mong sabihin na boyfriend ka rin ni Bella katulad nong isang nakausap ko noong nakaraang araw?" Nang-iinis na sabi ni Cohen dito.

"Cohen ano ba? Tumigil ka na ako na ang nakikiusap sayo."

"I follow you 'till here Bella tapos ito lang pala ang dadatnan ko?" Sabi nya sa akin na para bang puno ng hinanakit at parang lumalabas na pinagtaksilan ko sya.

"Anong sinasabi mo?"

"You have no rights to enter this building. At ngayong sumisigaw sigaw ka dito ay kalapastanganan na. Umalis ka na dito bago pa ako hindi makapagpigil sayo." Galit nang sabi ni Sir Damon dito kaya lumapit na ako kay Cohen para pilit syang ilabas ng opisina.

"Pakiusap Cohen, tumigil ka na. Huwag mo na akong guluhin pa."

"Mag-usap muna tayo Bella. Huwag naman ganito. Gagawin ko na ang lahat para sayo. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Seryosong sabi ni Cohen sa kanya pero umiling lang ako. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at deretso akong tinitigan.

"Please let me tell you everything Bella." Sabi nya sa akain pero umiling lang ako. Naramdaman ko naman na lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya napangiwi na ako doon.

"Cohen nasasaktan a-ako."

"Please Bella. Let me explain everything to you."

"Kapag ayaw na sayo huwag mong pilitin. Bitawan mo sya." Seryosong sabi ni Sir Damon at hindi ko alam kung paano na sya nakalapit sa amin pero naramdaman ko na ang braso nya sa bewang ko na nakapulupot doon at hinihila ako papalapit sa kanya habang hindi parin binibitawan ni Cohen ang mga kamay ko.

"Wala kang karapatan na utusan ako dahil boss ka lang ny-"

"She's mine and when I said mine no one can have it except me. I never, ever let anyone take away it from me without my permission. So Bella being mine, I am saying to you that you should let her go before my fist lands to your fucking irritating face."




















xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt