Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kale lalong-lalo na si Ash na napabitaw bigla mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"T-totoo ba 'yon, Bliss? May n-nangyari na sa inyo ni Kale?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Ash, I'm sorry..." Sabi ko at hindi ko na napigilan pang umiyak.

Maging pati sila Kuya Andrei, Mama at Papa ay nagulat rin sa pag-amin ko. Si Christian naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

Bigla ay sinugod ni Ash si Kale at sinuntok niya ito sa mukha dahilan para bumagsak si Kale sa sahig. Inawat ko si Ash kaagad nang magtangka itong sumugod ulit.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo para may mangyari sa inyo? Pinilit mo ba si Bliss?" Galit na sigaw ni Ash kay Kale.

Pinunasan naman ni Kale ang labi niyang nagdudugo na gawa ng pagkakasuntok sa kanya ni Ash. Itinayo siya ni Tita Josephine mula sa pagkakabagsak niya sa sahig.

"I never force Bliss to have sex with me. Pareho naming ginusto ang nangyari sa amin. Bakit, Ash? Nagseselos ka dahil mas nauna akong maangkin siya kaysa sa'yo?" Kale smirked at Ash na nakita kong nanginginig na sa galit.

Ang bigat sa kalooban ko na nakikita kong nasasaktan si Ash. It's my fault that I let Kale entered into my life. Ngayon ay nagkakagulo na kami at may kasalanan rin ako sa lahat.

Humarap naman sa akin si Ash at nagulat nalang ako nang napapaluha na siya.

I hurt him, again.

"Is that true, Bliss? H-hindi ka ba pinilit ni Kale na may nangyari sa inyo?" Tanong niya.

Tumango ako.

I want to be honest with him dahil noong unang may nangyari sa amin ni Kale ay nalilito ako sa nararamdaman ko nun at hindi ko siya napigilan sa ginawa niya dahil ang akala ko ay mahal ko siya but I'm wrong because in the first place ay hindi ko narealized na si Ash pala ang mahal ko.

"Hindi niya ako pinilit, Ash but I was so confused sa nararamdaman ko nung una dahil ang akala ko ay mahal ko si Kale but I'm wrong dahil hindi ko kaagad narealized na ikaw pala ang mahal ko. I'm really sorry..." Naluluhang sabi ko.

Napapikit si Ash sa sinabi ko saka ito nagpunas ng luha at tumango. "I understand pero.. nasasaktan ako, Bliss. Para akong naiputan sa ulo dahil sa nangyari sa inyo pero wala naman akong karapatang diktahan ka ulit kasi ayoko nang magkasira ulit tayo nang dahil lang sa pagiging seloso at possesive ko."

Sa sinabi niya ay hindi na tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam ko na nasasaktan ko ang taong mahal ko.

"Kale, mag-usap nga tayo,"

Biglang pag-imik ni Papa kaya sa kanya nabaling ang atensyon namin.

Lumapit naman sa kanya si Kale nang nakangiti. "What is it, Tito?"

Kung makatawag siya ng Tita at Tito sa mga magulang ko ay parang close na sila. I gritted my teeth dahil sa galit at inis ko.

"You already had sex with my daughter. You are only both minors. I didn't like what you did to her. Paano kung mabuntis mo si Bliss? Anong gagawin mo?" Seryosong tanong ni Papa kay Kale.

Kale smiled. "Tito, I really love your daughter. Kung magbunga man ang ginawa namin ay pananagutan ko siya. I'm not a jerk na kapag may nangyari sa amin ni Bliss ay tatakbuhan ko siya. I'll take my responsibility on her as a man." He said.

"Ayos ka rin, ah? Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka ng pamilya ko? You took advantaged my sister at kahit na kailan ay hindi kita tatanggapin bilang brother-in-law ko!" Galit namang sabi ni Kuya Andrei at tumawa ito ng sarkastiko.

"Shut up, Andrei." Papa said.

"But, Pa-"

"I said shut up!" Sigaw ni Papa kaya natahimik na si Kuya Andrei.

Humarap muli si Papa kay Kale.

"Marry my daughter."

Sa sinabi ni Papa ay nagulat kaming lahat doon.

"Gil, nahihibang ka na ba? Ipapakasal mo ang anak natin sa baliw na lalakeng 'yan?" Pag-apila ni Mama saka niya nilapitan si Papa.

"Melissa, may nangyari na sa kanila. Paano nalang kapag nabuntis itong anak natin? Gusto mo bang mawalan ng tatay ang batang dadalhin niya sa sinapupunan niya?" Sagot naman ni Papa kay Mama.

Doon na ako nagsalita at naluluhang tinignan si Papa. "Pa, ayoko pong magpakasal sa lalakeng sinira ang buhay ko. Hindi ko po kaya 'yon. Si Ash ang mahal ko..." Sabi ko at matutumba na sana ako sa panghihinang nararamdaman nang nasalo ako ng katabi kong si Christian.

"Bliss, I'm doing this for you. Dapat lang na panagutan ni Kale kung ano man ang ginawa niya sa'yo. Matututunan mo rin siyang mahalin balang araw." Matigas na sabi ni Papa sa akin.

"Pa, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo alam kung gaano ako nagagalit sa siraulong 'yan! Huwag mo namang ipagtulakan si Bliss sa demonyong 'yan!" Galit na saad ni Kuya Andrei kay Papa na umiling lang sa sinabi niya.

"That's my final decision at wala nang makakapagpabago ng isip ko. Ipapakasal ko sina Bliss at Kale sa ibang bansa since hindi sila pwedeng makasal dito sa Pilipinas dahil wala pa sila sa legal age. Josephine, mag-usap tayo tungkol dito." Sabi ni Papa at iminuwestra nitong sundan siya ni Tita Josephine papunta sa office nito sa loob ng bahay.

Sumunod naman sa kanila si Mama at si Kuya Andrei na tinitigan muna ng masama si Kale bago siya umalis.

Nang kami na lang nila Kale, Ash at Christian ang naiwan ay kaagad kong nilapitan si Kale at pinagpapalo siya sa dibdib niya dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya.

"Tigilan mo na ako, Kale. Pakiusap lang!" Umiiyak kong sabi.

Kaagad naman akong nilapitan ni Christian at pilit pinapatahan habang si Ash naman ay bigla nalang natahimik.

Sumeryoso ang tingin sa akin ni Kale.

"Bliss, let's accept that we're meant for each other. Ito naman talaga ang gusto mo 'di ba? Ang mapalapit sa akin. It's not my fault kung ginulo mo ang tahimik kong mundo at ginagawa ko ang lahat ng 'to sa'yo. Always remember that you're mine at hinding-hindi ka mapupunta sa kahit na sinong lalake lalong-lalo na kay Ash." Mariin niyang sabi saka ito tumingin kay Ash na tahimik pa rin.

"You're crazy," Umiiling kong sabi at tinignan siya ng masama.

He laughed. "I know. Wait, who is this guy?" Tanong niya at binalingan si Christian.

"Ako ang nagligtas kay Bliss nung panahong dinukot mo siya sa San Alfonso. Kung nagawa mo man na paikutin ang pamilya niya ay hinding-hindi ka magtatagumpay doon. Tandaan mo na hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan." Seryosong sabi ni Christian na ikinatawa lang ni Kale.

"Oh, stop your holy bible shitness, loser. Are you my rival, too? It looks like na isa ka lang namang hampaslupang dukha mula sa San Alfonso. Then, kahit magsama pa kayo ni Ash ay hinding-hindi niyo makukuha sa akin si Bliss. She's mine, okay?" Nakangising sabi ni Kale at binangga pa niya ang braso ni Christian bago siya tuluyang umalis.

Niyakap nalang ako ni Christian habang si Ash naman ay malungkot lang na nakatingin sa amin.

What should I do now?

---
#

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now