4

67 9 8
                                    

Asher Cerise Finley


Today is Sunday and Family Day. Walang pasok ngayon sina Mama at Papa. Maaga akong nagising dahil magsisimba kami ngayon. Nakaugalian na namin ito tuwing linggo at uuwi na rin pagkatapos. Hindi na kami kumakain sa labas dahil magluluto naman si mama ng paborito naming pagkain pagkatapos manunuod kami ng movies na sabay. Napakasaya talaga pag linggo. Napa-upo ako sa kama dahil sa katok na nanggaling sa aking pintuan. Tiningnan ko ito at napangiti, ang kapatid ko pala.

Kuya, maligo kana raw para makapagalmusal na tayo at makapunta tayo ng maaga patungo sa simbahan. Ang salita niya habang nag tetext. Umupo naman ito sa aking kama. Sasusunod na pasukan first year college na itong bunso namin. Napaka gwapo din ito mana sa akin.

Oh, bakit nakatutok ka nanaman sa akin kuya. Alam ko namang gwapo ako. Ang mahangin niyang salita. Napatawa naman ako sa kanyang sinabi.

Nako, itong bunso naming napaka feeling gwapo. Ako lang ang gwapo no at maganda pa. Ang tugon ko sa kanya habang nag beautiful eyes. Napangiwi naman ito.

Hahay, kuya uminom kanaba ng gamot? Nako itong kuya ko talaga baka kailangan ng dalhin sa mental. Ang mapangsar niyang tugon. Hinampas ko naman ito ng unan. Tawa lamang ito ng tawa. Nakakainis talaga itong lalaki na ito. Pero wag kayo, love ko itong bunso namin. Kasi naman tanggap niya ako at pinagmamalaki pa niya ako sa kanyang mga kaibigan. Aba dapat lang sa ganda kung ito, marami kayang nahuhumaling sa akin noong nag-aaral pa ako. Hindi ko lamang sinagot kasi school muna tayo. Mabait kasi ako. Char. Napabalik naman ako sa aking wisyo ng maytumamang unan sa aking mukha. Tiningna ko aking kapatid ng masama.

Kanina pa ako daldal ng daldal dito naka tunganga kananaman eh. Ang maktol niya habang tinabi ang kanyang cellphone.

Ano ba iyon? Ang tanong ko sa kanya habang sinisumulan kung magtupi. Kasi kuya, mag co-college na ako sa susunod na school year. Hindi ko pa alam saan ako mag-aaral. Ang tanong niya sa akin habang kumakamot sa batok. Nako talagang bata na ito. Diba sabi ko sayo last time doon ka na lang sa dati kung paaralan mag-aral. May Engineering naman doon at magaling rin ang mga guro. Kaya doon ka na lang. ang payo ko sa kanya. Totoo naman lahat ng sinasabi ko sa kanya. That school has a good quality of education. napatango naman ito.

Actually kuya, isa yang school mo sa pinipilian ko. Nakapasa naman ako sa entrance exam. Doon nalang ako mag-aaral kuya. Mag prepare na rin ako sa mga requirements sa enrollment. Thank you kuya the best ka talaga. Sabay yakap sa akin. Yinakap ko rin naman ito. Tumayo na ako para makaligo na.

Oh siya, maliligo na ako bunso. Maghintay na lamang kayo. Bibilisan ko na ito. Ang sabi ko sa kanya habang kumukuha ng towel. Tumango naman ito at lumabas.

Pagkatapos kung naligo, nagbihis narin ako. Simple lamang ang suot ko, sa simbahan naman kami pupunta hindi sa mall. Napatingin ako sa aking study table. May maliit na kahon doon. Kinuha ko naman ito at tiningnan kung saan ko ito nakuha. Naalal ko na. ito yung binigay ni nanay na tinulungan ko.

“Huwag po kayong iiyak nanay. Tiyak kung iba po yung nakakita sa iyo, gagawin niya po rin ito. Salita ko na may mababang tinig. Na awa talaga ako kay nanay. Namiss ko tuloy yung lola ko. Nasa heaven kasi si lola. Namatay dahil katandaan. Hindi ko maiwasang mapaluha habang nagbaliktanaw sa mga magandang alaala namin ni lola. Nagbalik lang ang aking ulirat na may binigay si nanay sa akin.

Nay ano po ito? Hindi napo kailangan ito nay, hindi ko naman kayo sinisingil. Habang binibigay ko sa kanya pabalik ang bagay na binigay niya sa akin.

RS1: Mr. Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon