1

93 10 0
                                    

Asher Cerise Finley

I’m just roaming around here at central plaza naghahanap ng trabaho. I just graduated a month ago with flying colors diba bet niyo yern pero wala paring trabaho. Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa bleachers. I’m just fixing myself because sobrang init kanina habang naghahanap ng mga opening jobs.

Napatingin ako sa malaking LED screen sa ibabaw ng mall. Ang yaman talaga ng bansang ito. Ganyan talaga kapag alagang King Alizander Zane Hendrix. You heard it right? Pinamumunuan kami ng Hari at Reyna. Pretty exiting right? Dream ko talagang maging reyna someday. Ikaw ba naman laging nagbabasa ng mga historical books. Napanaginipan ko nga na kinasal raw ako sa isang prensipe. Kilig na kilig pa akoa noon kasi magkikiss na kami, pero kasamaang palad naudlot lang kasi binaril ako sa mismomg wedding day namin kaya napabalikwas ako ng bangon that time.

Napailing na lamang ako sa aking pagbaliktanaw. Hanggang may narinig akong tinig sa aking gilid.

OMG, tinginan mo sis, turo niya sa LED screen habang kinalabit yung kaibigan niya. Napatingin naman ako doon.

Napalaki ang aking mata kasi may nagproprotesta malapit sa Avaloen de palasyo. Grupo ito ng mga Human Rights kasi may pinatay kamakailan lang. napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa LED screen ng mall. Hahay buhay naman.

Tumayo na lamang ako at naghanap ng malapit na kainan. Tingin doon, tingin rito hanggang sa makakita ako ng maliit na kainan. Pumasok agad ako kasi kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Gutom na talaga ako. Bumili na lamang ako ng dalawang kanin, at piniritong isda. Pinauna na ako ni ateng tindira para maghanap ng lamesa. Pumesto na lamang ako sa gilid. Habang hinihintay ko ang aking order. Tinext ko muna si mama at binaleta na hindi pa ako nakahanap ng trabaho.

Ito na po ang iyong order ma’am. Nagulat naman ako dahil tinawag niya ako ng ma’am. Salamat ate, hindi po ako babae, lalaki po ako. Pero gay po talaga ako ate hehehehe. Nagulat naman siya sa aking sinabi.

Pasensyahan ninyo na po ako ma’am este sir, ang ganda niyo po kasi. Nahihiya niyang sabi.

Salamat po ate, namana ko lang po iyan sa mga magulang ko. Tugon ko sa kanya. Umalis naman ito at nagpaalam. Dali dali akong kumain para maghanap na trabaho.

Pagkatapos kung kamain, nagpatuloy na ako sa paghahanap ng trabaho sa central plaza. Pinupuntahan ko talaga lahat ng mga establishments at companies nagbabakasakali na mayroong job opening sa kanila. Bigo naman akong nakahanap ng trabaho. Napa buntong hininga na lamang ako at naghanap ng pwedeng pag pahingahan. Nakakita naman ako ng puno at doon nagpahinga.

Hindi naman sa nagmamayabang maganda talaga ang lahi namin. Especially me diyosa talaga ako, pag may reunion ang family parati nila akong pinupuri dahil sa taglay kung alinodog.  Kaya bagay talaga akong maging Queen ng Avaleon. Just kidding, sino namang tanga na magtatalaga sa akin bilang reyna. Pero kahit naman ganito lang ako, masaya naman ako. Kasi nadiyan palagi ang pamilya ko para supurtahan ako kaya love ko sila.

Tiningnan ko ang aking relo. It’s already 3:30 pm na. Napasyahan ko ng umiwi para naman hindi ako gabihin sa daan.

Habang nag lalakad ako patungo sa sakayan ng jeep. May kumalabit sa akin. Dali dali niya akong hinila patungo sa nag kukumpulan at iniwan. Tiningnan ko kung bakit may komsyong naganap dito.

Excuse me po ate, ano po ba ang nangyari dito? Tanong ko sa kaniya habang palinga-linga sa gilid ko.

Ah, hali ka dito iha. Pinapunta niya ako sa harapan. Isulat mo dito ang iyang pangalan at kumuha ka doon ng flashcards o banner at pumanta ka doon sa nag rarally. Labis akong nagulat sa kanayang sinabi.

Ho, bakit naman po? Ano po ba ang gagawin doon? Tanong ko sa kanyang habang nagsusulat ng aking pangalan sa listahan.

Huwag kang mag-alala iha, babayaran ka namin basta tumayo ka lang riyan sa gilid gaya ng iba. Ganyan lang kadali may 1,000 pesos kana. San ka pa? napatango naman ako. Sabagay may point naman siya, saan ba naman ako makakahanap ng pera. Kaya go na tayo mamsh.

Nindot ako ngayon sa gilid may hawak na banner. Hindi naman mahirap keribells lang naman. Habang naghihintay ako na matapos na ito, may mga sasakyan na paparating. Nagkumpulan naman lahat at natulak nila ako sa bandang harapan.

Ang daming mga police na pumapalibot sa limousine,for sure sakay ri’yan ang mga royal family.

Nagwewelga na sila, ang ingay na. nalilito na ako kung saan ako makikinig. Hanggan sa tumapat na ang limousine sa aking harapan. Binaba nito ang bintana at tiningnan ang mga taong nag rarally.

Nagulat ako sa aking nakita. Oh my ghad, si Prince Aiden yun. Sabi ko sa aking sarili. Shit, ang gwapo niya, parang nahulog na ako sa kanya. Habang tinitingna ko siya, para bang nag slow-motion lahat. Hindi ko alam kung ano ang aking itsura ngayon bahala na bastat bat Makita ko lamang siya.

Hindi ko inasahan na titingin siya sa akin. Napakunot ang kanyang nuo habang tumitingin sa akin at dalidaling sinira ang bintana. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Napaayos ako sa aking sarili at tiningnan ang limousine na papaalis. Hanggang sa hindi ko na iyon nakita pa.

Ang gwapo talaga ni fafa Aiden, iniisip ko parin ang kanyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa gilid.

Whoaaa, ang hirap pala maging raliesta. Bulalas ko habang naka upo sa damohan malapit sa mga puno. May taong papalapit sa akin. Si ate pala, yung nag sabi sa akin na may makukuha akong 1000 pesos. Habang paparating siya, inayos ko naman ang aking sarili at tumayo.

Oh iha, hito ang pera mo, salamat dahil pumayag kang sumali sa rally namin. Sabi niya habang binibigay sa akin ang puting sobre.

Walang ano man po ate, bastat ba sa kapakanan ng lahat ito ang ating ginagawa at salamat po nitong perang binigay niyo ate. Tugon ko sa kanya habang nag shashakehands kami. At isa pa po ate, lalaki po ako, I mean gay po ako, hindi po ako babae. Nahihiya kung turan sa kanya.

Naku pasensya na iho, kay kagandang lalaki mo naman. O siya, umuwi kana sa inyo gumagabi narin. Mag ingat ka sa daan. Paalam niya sa akin, habang sinasabayan niya ako papunta sa sakayan ng jeep. Hanggang sa narating na namin ito.

Salamat po sa paghatid ate, mag ingat po rin kayo. Una napo ako. Sabi ko sa kanya habang pinapara ang jeep. Sumakay na akoa at bumabye na kay ate.

Habang nasa byahe ako. Hindi ko maiwasan na maiisip ang napaka gwapong mukha ng prinsepe. Yung Amber eyes niya, yung makapal niyang kilay at ang kanyang labi. Napaka gwapo niya talaga. Napahinto na lamang ako sa aking pagiisip ng nag silata si kuya driver.

Oh sa hindi pa nakabayad jan, magbayad na kayo. Dalidali naman akong kumuha ng barya dahil malapit na rin akong bumaba. Hanggang tanaw ko na ang kanto namin.

Para po kuya, diyan lang po sa kanto. Sigaw ko sa driver. Pakiabot po ng aking bayad, salamat po. Bumaba na ako at naglakad papasok. Hindi naman malayo dito ang aming bahay so keri lang lakarin.

Ma, Pa, nandito na po ako. Sigaw ko habang tinatanggal ko ang aking sapatos. Nakapasok na ako at dumiritso sa sala. Nay mano po, tay mano po.

Kaawan ka ng diyos anak Bakit gabie kanang naka uwi Cerise? Tanong ni tatay habang nakatingin sa T.V.

Eh tay, sumama po ako sa rally kanina then traffic po. Tugon ko sa kanya habang papanhik sa kwarto.

Ganon ba, sige magbihis kana, para sabay na tayo kakain. Sabi ni itay, Upo tay, babalik po ako ka-agad.

Dalidali akong nagbihis ng pambahay at lumabas. Naabutan ko si nanay na nag aayos sa kusina kaya tinulangan kona siya at naghain na rin para sa aming hapunan. Matiwasay naman aming hapunan. Hindi na sila nagtanong kung may nakita naba akong trabaho kasi nasabi ko na ito kay inay habang nag rarally. Tinext ko siya para aware sila.

Pagkatapos kung mag hugas. Pumanhik na ako sa kwarto at nag umpisa ng matulog. Hindi parin nawala sa aking isipan ang gwapong pagmumukha ng prinsepe. Bumigat na ang aking mata hanggang sa nakatulog na ako kakaisip sa prinsepe. 

RS1: Mr. Queen Where stories live. Discover now