3

55 7 1
                                    


Asher Cerise Finley

Maaga akong nagising ngayon dahil may pupuntahan akong orphanage. Ever since I always do this when I have time. Kapag birthday ko naman doon ako pupunta para magbigay ng mga pagkain. Malapit talaga ako sa mga bata even the street children. May goal nga ako pag nakaipon na ako ng pera sa trabaho ko. I want to help the orphanage, the street children ang the less fortunate. May programa naman ang royal family nito. They create programs to help those families na walang wala talaga.

I do my routines na. After how many years natapos na rin ako sa pagligo. Hey wag kayo, matagal talaga akong maligo no para fresh ako palagi. Nag bihis na ako. Simply lamang ang aking suot. Naka pantalon at blue shirt na fitted. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ako parating mapagkamalan na babae dahil sa aking katawan. Super sexy kasi ako, parang katawan ng babae. Gusto ko ngang tumaba, pero wa effect talaga ang pagkain ko ng marami.

Dali-dali akong bumaba at naabotan ko pa ang aking pamilya sa sala nag kakape. Kinuha ko na ang mga pagkain sa ref at inilagay na ito sa cellophane.

Ma, Pa una na ako, doon na lamang ako kakain sabay ang mga bata. Ang paalam ko sa kanila. Humalik na man ako sa kanila at dalidaling lumabas. Lumakad mona ako ng mga ilang metro bago makarating sa sakayan. Pinara ko naman ang taxi at pumasok. Kuya sa Holy Child House yung orphanage po. Ang sabi ko sa driver habang inaayos ang aking sarali. Tumango naman si kuya at sinimulan ng magmaniho

Pagkatapos ng ilang oras. Narating narin namin ang orphanage. Kumuha ako ng pambayad sa pitaka at nagpasalamat kay kuya at dalidali lumabas kasi kita ko na ang mga batang nakadungaw sa gate ng orphanage. Kumaway ako sa kanila at kumaway din sila pabalik. Linapitan ako ni sister Anne para tulangan ako sa aking mga dalang pagkain at mga laruang pinagluman ko.

Kumusta iho? Ang tanong ni sister Anne sa akin. Habang papasok kami sa loob.

Okie naman po sister Anne. Laking pasalamat ko sa panginoon dahil nakagraduate napo ako sa college. Ang sagot ko sa kanya na sinabayan ng ngiti.

Congratulations iho. Kaya pala na padalaw ka ngayon. Ang rami mo pang dalang pagkain at laruan. Siguradong matutuwa nanaman ang mga bata nito. Ang tugon niya habang binubuksan ang pintuan. Pinapasok ko muna ang ilang mga batang sumalubong sa akin kanina at sumunod naman ako kay sister Anne. Tinungo namin ang malaking bulwagan na sakto kaming lahat kapag kakain.

Tinulungan ko naman si sister Anne sa paghanda ng pagkain sa lamesa. Ako na ang bahala dito Cerise iho, puntahan mo na ang mga bata sa likod. Naglalaro lamang sila roon. Ang sabi ni sister Anne habang linalapag ang mga plato at kutsara. Tumango na lamang ako at dalidaling pumunta sa likod upang makipaglaro sa bata.

Nakita ko silang naglalaro ng basketball, tagatagaan, luksong baka, tumbang preso at bahay bahayan. Nang mapansin nila ako. Dalidali silang tumakbo at sumigaw.

Kuya Ash!! Ang sabay nilang sigaw. Kuya Ash ang tawag nila sa akin dahil sa kulay ng aking mga mata, Ash Grey kasi ang kulay nito. Nang nandito na sila sa aking harapan yinakap nila ako na para bang wala ng bukas.

Na miss kapo namin Kuya Ash. Ang sabi ni Al-al habang yumayakap sa akin. Nagsalita naman yung iba na namiss daw nila ako. Pagkatapos nilang bumati sa akin. Bumalik naman sila sa kanya kanyang laro. Hinanap ko naman si Ez. Parati kasi itong tahimik at hindi sumasali sa mga batang naglalaro. Hindi naman siya binubully ng mga bata sadyang mailap lamang ito sa mga tao. Madalas itong mag-isa kaya parati ko siyang sinasamahan pag pupunta ako dito para naman hindi siya malungkot.

Nakita ko siya sa may duyan nag-iisa hawak ang binigay ko sa kanyang teddy bear. Nakatingin lamang ito sa kawalan.

Hinanap ko si Ez nakita moba siya? Ang tanong ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin at lumaki ang mga mata.
 
Kuya Cerise! Ang sigaw niya at dalidaling yumakap sa akin. Sorry po kuya hindi ko pa alam na dumating kayo. Ang hinging paumanhin niya sa akin.

RS1: Mr. Queen Where stories live. Discover now