Is it pride? 

Maybe. 

"I'm proud of you."

Nagtataka kong nilingon si Jadon at naabutan ko ang ngiti n'ya sa'kin.

"Huh?" Takang tanong ko, nalilimutan na ang pangamba tungkol sa mga magulang.

"I'm proud of you," ulit n'ya at parang may kung anong sumayaw sa loob ng puso ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Kasi ibinagsak ko?"

"No," he chuckled. "Because you got a nice score. Isa na lang, Aiah. For sure, you'll ace it next time."

I feel like my eyes shined as I stared at Jadon. 

His positive mindset... I like it. It's something I don't have. Although I feel like it has some downsides, I can't help but be grateful that Jadon is someone I am not. Dahil ang mga bagay na wala ako, s'ya ang pumupuno. Ang mga bagay na hindi ko kaya, s'ya ang gumagawa. 

Our difference makes me feel balanced. Hindi ako nahuhulog nang tuluyan sa bangin ng pag-iisip dahil may nakasuporta sa akin sa gilid. He's the support I never thought I needed. The support I never thought I'd want.

"Bumagsak ka?" 

Kitang-kita ko ang sama ng timpla ng hitsura ni Papa nang malaman n'ya ang grade ko sa lumipas na exam. Naka-upo si Mama sa hapag tulad ko habang si Papa, nakatayo sa hindi kalayuan, nakahawak sa baywang at nakatingin sa akin. 

Kauuwi ko lang at nasa lamesa ang test paper kong unang naipakita kay Mama pero nang madismaya, ibinigay n'ya rin 'yon kay Papa para ipakita.

"Lahat naman po halos, bumagsak. Mahirap po talaga," I mumbled. "Isa na lang po. Pagbubutihan ko po sa susunod."

"Azariah, hindi dahilan 'yon," si Mama at parang dismayadong napa-iling at natahimik ako.

I slightly bit my lip and gulped as my heart started racing. You're familiar with this, Aiah. What's new? You know what they'll say. Bakit ka pa kinakabahan?

"Bakit mo tinitingnan 'yong iba? Idadahilan mo pa na bumagsak ang karamihan kaya normal lang na babagsak ka rin?" Pagalit na sabi ni Papa at napayuko ako, nararamdaman ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Bakit? Katulad ka ba nila? Kapag hindi sila nag-aral, ayos lang na hindi ka rin mag-aral, gano'n ba? Azariah?"

Kinagat ko ang labi ko at napayuko ako. 

"'Wag mong sanayin ang sarili mo na tumitingin sa iba." 

Hindi pasigaw ang boses ni Papa pero parehas lang ng latay sa puso ko ang sinasabi n'ya. Dahil alam kong may punto s'ya... pero hindi n'ya naman alam kung ano ang pinagdaraanan ko. Nilaro ko ang mga daliri ko at pinagmasdan ko ang mga 'yon, nararamdaman ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko.

"Kung masyado mong gagawing kampante ang sarili mo dahil nakikita mong mababagal ang mga kasabay mo, lalo kang babagal. Paano 'yan? Sa card mo? Accounting--core subject mo!" Si Papa. 

Lalong dumiin ang kagat ko sa labi ko at napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. Una pa lang 'yon. Kaya ko pang bawiin. Babawiin ko. 

"Baka puro ka kasi gala kasama ng mga kaibigan mo," iling ni Papa at napapikit ako. "Dapat nag-aaral ka. Estudyante ka."

"Babawiin ko na lang po sa susunod," I mumbled. 

"Babawiin. Sa susunod? Kung hindi mo mabawi? Babawiin ulit?" 

Tama na.

Pero kahit ano'ng ulit ng mga salitang 'yon sa isip ko, nagpatuloy ang mga sinasabi ni Papa. At kahit nang matapos s'ya, bumabalik ang mga salita n'ya sa isipan ko na parang isang bangungot.

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now