Tss. Dapat nya kaya akong panagutan duh. Matapos maraming nangyari sa amin. Isama mo na yung feelings ko sa kanya.




I heaved a sigh first bago pinindot ang answer button. Para malaman ko na rin kung bakit.



"Hello Erin?"




[Hello Stacey. Andyan ba si Margarette?] I wonder kung bakit nya biglang natanong. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa kung ano mang sasabihin nya.





"Wala. Kanino ko pa nga sya hinahanap eh. Baka alam nyo kung nasaan man anv kaibigan nyo na yun." I said. Mas maganda na rin yung nagbabakasakali diba?



[Andito kase kami ngayon ni Xyzrielle sa isang restaurant..] There was a long pause on the line.




"What is it?  Bakit hindi nyo kasama si Demi?"



[Yun na nga eh. Nakita kase naman sya dito at eto pa... Mukhang may kadate syang babae.]




Parang nag-init bigla ang aking ulo dahil sa aking narinig. My heart is burning in rage. Nanginginig dahil ako sa galit.




How dare her?! At talagang mas inuna nya pang makipagdate kaysa sa akin huh?!




Is she cheating behind my back? Fuck.




Mapapatay ko yang walanghiyang babae nya!



Napapikit ako ng mariin. You need to relax yourself first Stacey.



[Sure ka ba sa nakita mo Erin?]


[Oo naman.]




[Nasan sila eh h— Oh shoot ang ganda naman!]




Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa kabilang linya. Si Xyzrielle ang kausap nya. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa aking cellphone.





Damn. Ayoko na ngang magkomento pa. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko.




"Anong itsura nung kadate nya? Sexy ba?" Aish. Kakasabi ko lang eh. But I still want to know. Naniniwala kase ako sa kasabihan na dapat mong kilalanin ang iyong enemy. Duh.





[Hmm... Maganda sya tas sexy.]




Talagang malilintikan si Demi sa akin! Mata nya lang ang walang latay kapag nakita ko sya! My heart's throbbing in pain. Ugh.




"Can you tell me kung nasaan kayo ha?" Nagtitimpi kong turan.



[Wait lang Stacey. Loadan mo muna ako. Paubos na kasi yung load ko.]




"What?! Pwedeng pwede mo naman—" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin when I heard the call ended.




I groaned in annoyance. Aish. Ano ba naman yan. Nakakabitin tsk.





Hindi na ako nag-aksaya pang umalis na sa aking unit. I bolted my way to the nearest 7/11 at pinaload-an ang cellphone number ni Erin.





I quickly texted her kung nasaan silang dalawa and thank God dahil sinagot naman nya.



Pumara na lang muna ako ng cab papunta sa location na tinext sa akin ni Erin.




Habang nasa byahe, many scenarios are circulating in my mind. I can't wait na makita kung sino man yung kadate ni Demi na sinasabi nila.



University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now