Baka dumating ang panahon na pagsisisihan ko't nagustuhan ko siya nang ganito...

"Okay ka lang?" pukaw niya sa 'kin. Habang ako'y walang gana lang na tumango. 'Di na 'ko nakaangal pa nang hilain niya ko papalapit sa kaniya, at tuluyan na nga kaming naglalakad papalapit sa harap nina Auntie at Papa.

Dahan-dahan at nag-iingat ko siyang binalingan. Maski paraan ng pagngiti niya'y mas lalo pa akong nalunod.

"Ipapaalam ko po sana si Marynald, Sir," a voice from Cy.

Doon lang ako napaayos ng tayo at sa wakas ay bumalik na rin sa sariling katinuan. Ilang beses na tuloy akong napalunok at palipat-lipat lang sa kanilang tatlo ang mga mata ko.

Hinawakan ko na lang si Cy sa balikat, at nang magkatinginan kaming dalawa, napag-alaman kong 'di lang naman ako nag-iisa, na sa 'ming dalawa ay siya ang mas kinakabahan.

"Saan naman kayo?" tanong ni Papa at binaba ang hawak na diyaryo. Kapag ganiyan siya ay paniguradong isang pagkakamali lang ay sasabog na talaga ang lahat. "At bakit gabi pa? 'Di ba p'wedeng ipagbukas na lang?"

"Ano..." Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko pagkatapos ay pinaglaruan ang mga 'to. "May class na kasi bukas, at mukhang ngayon lang ang free time ko."

Gusto ko pa sanang idagdag na matagal na 'kong nag-aaral kada gabi kaya oras na para makapag-enjoy-enjoy naman ako. Pero nanatili na lang akong tahimik para wala nang mas ilalala pa ang sitwasyon na 'to.

"Ihahatid ko po siya bago mag alas-nueve," magalang na sabi ni Cy at alanganing napamasahe sa sariling ilong. Gusto kong umangal sa winika niyang 'yun, pero wala na 'ata akong lakas para makagawa pa ng kung ano.

At isa pa, magmumukha kaming may gagawing masama kong aangal ako. Pero sa totoo lang, saksi si Owen kung gaano ko kagustong magtagal doon sa party kasama si Cy, pero ngayon na nasabi na ni Cy 'yun, wala na akong magagawa pa.

"'Bat mo kasi sinabi 'yun?" pagmamaktol ko kaagad matapos naming makalabas ng gate. Bago mag alas-nueve? E', malapit na 'yun! Ilang minuto na lang!

"Sa susunod, dapat makinig ka sa 'kin dahil alam ko kung ano ang mas makakabuti para sa 'tin." I didn't know where that bravery of mine came from.

"Nakikinig ka ba?" Iritado na 'ko. Sa kung gaano kahaba ang sermon ko, tawa lang ang isinukli niya. "Basta. Next time na gagala tayo, tanungin mo muna ako bago ka gumawa ng aksyon. Hindi 'yung ikaw lang ang nagdedesisyon diyan."

"Noted."

"Seryoso ako, Gopio."

Tumawa na naman 'to, "Kaya nga noted. Naiintindihan ko."

"Kung 'di mo 'ko pinaalam kanina, sana hanggang alas 10 pa ako makaka-party.

"Ang mas mahalaga rito ay alam nilang kasama mo 'ko," aniya na naman at tumigil sandali para hipan ang buhok ko. His breath touched soul when he kissed my forehead. Sandali akong napapikit.

"Ano'ng gift mo kay Hershly?" mapait kong tanong.

Ngayon na nasambit ko ang pangalan ng tukong 'yun, gusto ko na tuloy uminom ng maraming sanitizer. Bahala na kung mamatay ako. "Ayst, presinsya mo lang, magiging tuko na pala 'yun." I made a rough smirk.

"Nakabigay na ako ng regalo sa kaniya," aniya, at tumigil naman ako sa paglalakad para mas makausap siya nang harap-harapan. Ano'ng ibig niyang sabihin? At higit sa lahat, ano ang binigay niya?

Agad-agad ay natabunan ng mapait na pakiramdam ang buo kong sistema, parang ayaw ko na 'atang magpatuloy pa sa paglalakad. Nawalan na 'ko ng gana.

"Anong ni-regalo mo sa kaniya, kung ganoon?"

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now