Hello? Ano'ng silbi ng isang party kung sa mansyon din naman ako kakain? Masyado talaga siyang nag-o-overreacting. Basta talaga kapag pinag-uusapan namin ang mga ganitong bagay, parati siyang nag-aalala at sa sobrang pag-aalala, hindi niya na 'ko matingnan-tingnan pa.

He kept on reminding me to satisfy my stomach. Like... does he want me to become a pig?

"Ikaw, kumain ka na rin ba?" I gauged him.

"'Di pa."

"Tingnan mo nga, o'! Maski ika'y 'di pa rin nakakakain! Kung maka-reak, akala mo end of the world na bukas." Nagkibit ako ng balikat. "Anyway, bakit ba masyado kang OA ngayon?"

"Nag-aalala lang ako sa kalusugan mo." His brows tugged up, as if trying to beat me up using his simple techniques. At syempre, magpatalo ba 'ko? Kaya, nagtitigan na lang kami ng mahigit limang segundo, at sa huli'y siya rin ang unang nagbaba ng tingin, sumusuko na. "Okay. Panalo ka na."

After raising the blue flag, he pulled me in. By that, our arms touched in a slow impact.

"Pero sa susunod dapat kumain ka nang tama," sermon niya na naman sa 'kin. "'Di mo dapat pinapabayaan ang kalusugan mo."

"Pinapagalitan mo ba 'ko?" My eyes widened at his words. Take note na 'di naman talaga ako nagugutom ngayon na halos pipiliin ko na lang na magpagulong-gulong sa kalsada at kumain ng bato. "Ano nga'ng sabi mo, Gopio? Ano nga'ng sinermon mo sa 'kin?"

Nahihirapan siyang huminga nang malalim. "'Wag na tayong magtalo," nakikiusap niyang ani. Samantala, sa loob-loob ko naman ay panay na ang hagalpak ko ng tawa.

"P'wede namang umalis na lang tayo, e', nakapagpaalam na 'ko!" wika ko na naman at hinarang ang sarili sa entrance ng main door. Dalawang hakbang na lang talaga at siguradong makikita n'ya na sina Auntie at Papa.

"Baka magkagulo," I half-whispered. Kaya ko lang naman 'yun nasabi ay dahil sa galit si Papa sa kaniya. At kung ano man ang dahilan kung bakit 'to galit, aba'y wala rin akong kaaalam-alam, kaya nga ang tagpo na nag-uusap silang tatlo ay sapat na para pakabahin ako nang todo-todo.

"Mas maganda kung makapagpaalam tayo nang maayos," aniya. Isang mapanlokong ngiti naman ang umukit sa mga labi ko. Tayo. Bakit iba ang hatid no'n sa 'kin?

"At ano namang nginingiti-ngiti mo riyan?" pansin n'ya sa 'kin at natatawang binalik ang kamay sa ibabaw ng braso ko, at doon nga bumaling ang mga mata kong nagniningning dahil sa 'di mapaliwanag na pakiramdam.

"Ano'ng ginagawa mo sa 'kin, Cyriel...?" Kaagad na naman akong nagbaba ng tingin at saka inalis ang braso niya papalayo sa 'kin.

Matagal na 'kong aware sa nararamdaman ko para sa kaniya, pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako. I actually had been suppressing my feelings, for I didn't want to experience such unbearable pain. Everytime our arms touched, melodies echoed in my mind. By that crazy fact, I knew I was beautifully in danger.

Nagtataka na lang siyang tumango bago sinandal ang sarili sa hamba ng malaking pintuan. Agad din siyang sumubok na lapitan ako.

"Diyan ka lang muna," pagpipigil ko sa kaniya at ti-nry na pakalmahin ang sariling puso. Pumikit pa 'ko nang napakariin, nagbabakasakaling nagkakamali lang ako ng naramdaman. At nang minulat ko na ang mga mata, muli ko na namang napagmasdan ang kakaibang pag-alala sa mukha niya.

Tama ba 'ko ng hinala. ..? Tama ba si Frency sa sinabi niya kanina? Pakiramdam ko ang sagot ay oo. Pero natatakot akong masaktan.

Baka sa huli'y sa 'ming dalawa ay ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito, baka ako lang ang nahulog, masakit 'yun. Maski iniisip ko pa nga lang ay gumuho na ang mundo ko. I tried to build a tall fence between us, but his eyes were making me feel damn odd.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now