Chapter 40: I Love You My Bestfriend (Finale)

Start bij het begin
                                    

Bago paman ako makasagot, mas hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal sa’kin na tila ba ay gustong-gusto na akong patayin. Hanggang sa bigla nalang kaming natumba pareho, at biglang nanghina si Dixon. Only to find out, bigla siyang pinukpok sa ulo ni Gwen. Napalakas siguro ang pagkakapukpok dahil nanghina ito. I wonder kung bakit siya nandito. Pano niya nalaman na nandito kami?

“Czarina tumakas kana. Ako na ang bahala kay Dixon” she says pero nakatingin pa rin ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya at kung paano niya kami natunton.

“Bakit mo ‘to ginagawa?”

Hindi ko maiwasang mapa-isip. Sa mga sandaling akala kong katapusan ko na, ang taong kinaiinisan ko at taong hindi ko makapalagayan ng loob pa ang magliligtas sa’kin.

“Wag mong isipin na ginagawa ko ‘to para sa‘yo, because I’m not. I’m doing this for my dad. He commands me to have an eye on you para siguraduhing ligtas ka. Ayoko sanang gawin ‘yun dahil maski na ako, gustong-gusto rin kitang patayin. But for dad, gagawin ko ‘yun. Kaya umalis kana!”

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Mr. Hye slash biological father ko, sa pag-utos kay Gwen na bantayan ko. Besides, siya rin naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Kung hindi niya binaril si Ford, hindi sana ito mawawakan ng alaala. Hindi na rin sana aabot sa ganito.

“Mag-iingat ka, Gwen. Babalikan kita, hihingi ako ng tulong okay?”

“Wag nang maraming satsat. Gawin mo! Bilisan mo na”

Hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng buhay namin, pinapakita pa rin niya sa’kin kung gaano siya kasungit at kung gaano niya kaayaw sa’kin. Pero kahit ganon, hindi ko siya papatulan. Isa siya sa mga lumigtas sa’kin ngayon kaya pagbibigyan ko muna siya.

Agad na akong tumakbo palayo habang hindi pa gaanong nababawi ni Mr. Hye ang lakas niya. Pero hindi pa ako lubusang nakakalayo ng isa nanamang putok ng baril ang umalingawngaw.

Natigilan ako sa pagtakbo at napalingon pabalik. Bakit may putok? Dont tell me, binaril ni Dixon si Gwen? Hindi ‘yun puwede. Kahit na masungit ‘yun sa’kin, kahit na mahirap tanggapin na kapatid ko siya, kailangan ko siyang iligtas. Kadugo ko siya. She saves me, I think I have to save her as well. Mula sa kinatatayuan ko, nakita kong nakahandusay si Gwen at naka tingin sa direksiyon ko. Tila ba sinasabihan niya akong tumakbo na.

By that, sinundan ni Dixon ang direksiyon ng tingin ni Gwen hanggang sa magkasalubong ang aming mga paningin. Mabigat man sa loob na iwan si Gwen sa ganong sitwasyon, mas pinili kong tumakas nalang. Nakita ko rin kasi si Dixon na unti-unti nang tumatakbo papunta sa direksiyon ko.

Hingal. Pagod. Sakit ng loob. Samo’t saring emosyon at karamdaman na ang bumabalot sa’kin na tila ba ay inuutusan na akong huminto pero sabi ng isip ko, kailangan kong lumaban. Kung nagawa kong maka-survive noon sa puder ng sarili kong ama, kakayanin ko rin ngayon.

Dahil sa panghihina, halos maabutan na ako ni Dixon sa pagtakbo. Hanggang sa isang bangin ang bumungad sa harapan ko, kaya napahinto ako sa pagtakbo at dahan-dahang napatingin sa lalaking sumusunod sa’kin. Ito na ata ang katapusan ng buhay ko. Wala na ata akong kawala sa kasamaan ni Dixon.

“Kung minamalas ka nga naman. Hindi kaya, it’s a sign na isuko mo nalang ang sarili mo sa’kin?”

“Mas pipiliin kong tumalon sa bangin na ‘to at mamatay kaysa ang mamuhay kasama mo! Noon, akala ko ikaw na ang tamang lalaki para saakin. Hinayaan kong magalit sa’kin ang bestfriend ko, para lang piliin ka. Pero ikaw na mismo ang nagpatunay na hindi ka karapatdapat na mahalin. You don’t deserve to be loved back. You deserved to be dissolved from this earth”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu