Chapter 13: Serious Moment With My Bestfriend

83 3 0
                                    

-CZARINA-

“I’m sorry dahil hindi kita nasamahan kagabi, inapoy kasi ng lagnat si Alexa kaya kinailangan namin siyang idala si ospital”

Nakakailang ulit na ba siya? Simula pa kagabi halos makasampo na siya sa kaka-sorry dahil hindi niya raw ako naihatid sa group study namin.

Nakaupo lang kami sa may couch habang nanonood ng cartoons, since Sabado naman at walang pasok.

“Naku ayos lang talaga Ford. ‘Wag mo nang isipin ‘yun. Ang mahalaga, okay na ang kapatid mo” I answered without directly looking at him.

Tumayo siya bigla at tumungo sa may pinto. Nang mapansin niyang wala sa kaniyang sumusunod —which is hindi ko alam kung pinapasunod ba niya ako— ay bigla siyang lumingon pabalik sa’kin.

“Why are you not following me?”

I looked at him with my furrowed eyebrows. Wala naman kasi kaming deal kung may pupuntahan ba kami ngayong araw na ‘to.

“Where do you think, we’re going?”

Hindi pa rin ako tumatayo dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

“You’ll find out later. Just come!”

I glared at him as he turned back and started walking. Well, wala naman akong gagawin ngayon at medyo boring din naman kaya tumayo ako. Okay lang naman na ipang labas ko ‘tong suot kong pambahay since wala naman akong malalabag na ano mang Saligang Batas ng komunidad na ito, at lalong batas ng boyfriend ko. Which is, wala naman na akong boyfriend ulit. Hindi pa!

At dahil hindi ako pinagbuksan ng pinto nitong gentleman kong bestfriend, kusa na akong sumakay sa tabi niya. Balak ko sanang sumakay sa likod kaya lang ayaw niyang magmukhang driver ko kaya don ako sa tabi niya naupo.

He keeps on driving habang ako, walang kaide-ideya kung saan ba kami pupunta. Sumunod na lang ako sa kaniya total, malaki naman ang tiwala ko rito sa bestfriend ko na hindi niya ako ipamimigay sa mga macho dancers sa mga clubs at mga taong sitsit sa daan.

“Bakit hindi mo sa’kin sinabi na magbi-beach pala tayo? Ano, balak mo ba akong paglanguyin nang ganito ang suot?”

Tanong ko nang mapansin ko na papasok kami ng gate sa isang beach resort dito sa Bulusan. Ngumisi siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko. I glared at him in return.

“Stop stereotyping about going to beach. Not because you go to beach, doesn’t mean magsu-swimmming ka. Just like malling. Hindi lahat nang nagmo-mall, bumibili. ‘Yung iba window shopping lang ang ginagawa. Sukat dito, sukat doon, but in fact, hindi naman talaga bibili. And also just like love, hindi porket mahalaga ka sa kaniya, ibig sabihin non na mahal ka na niya. Mahal ka lang siguro bilang kaibigan but there is no romantic inclination involved at all”

Diretso lang siya sa pagda-drive papasok ng resort. Sabagay, may point naman talaga siya. Bakit hindi ko naisip na baka nga gusto lang niyang mag-refresh kaya dito niya ako dinala.

But wait, totoo ba ‘tong narinig ko? If I have to review his word, parang ang lalim nang hugot niya eh. May pinagdadaanan ba ‘tong bestfriend ko?

“Are you okay?”

Nagtataka kong tanong. Baka naman kasi hindi talaga siya okay kaya kaysa sa ma-offend ko siya, mas mabuting alamin ko muna ang status niya.

Ngumiti lang siya. Hindi ko tuloy mabasa kung pilit lang ba ‘yun or, kung okay nga talaga siya.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now