Chapter 30: The Deal

59 3 0
                                    

-CZARINA-

At dahil nga sa kahit anong gawin kong paggulong-gulong sa kama ko at pagpikit ng mata ko, hindi ko magawang matulog. Maybe it’s because my mind is preoccupied by this latest incident to my family. Siguro, hindi lang ako mapakali at excited akong makaharap at makausap si Gwen. She is the only person I think that could help us to find mom. And whatever it takes, I will use this opportunity just to bring mom back.

I advise dad na magpahinga nalang muna kahit saglit sa bahay habang tinatrabaho ko si Gwen. Nong una hindi siya pumayag dahil kailangan daw na may gawin siya, pero dahil sa wala pa siyang sapat na tulog, na kumbinsi ko siya gamit ang mga what if’s ko na posibleng mangyari kapag nagpumilit pa siya.

Since wala kaming family driver kaya napilitan akong mag-commute. Malapit lang din naman ang bahay namin sa school kaya madali pa rin akong nakarating ng campus.

Dumiretso na ako kaagad ng canteen dahil alam ko na mahilig din siyang pumunta ron tuwing umaga. Pagdating ko, wala pang gaanong tao kaya pumuwesto ako malapit sa favorite spot niya. Kung ako, ang favorite spot ko ay ‘yung matatanaw ang rice field, siya naman don siya sa kabilang dulo kung saan napapaligiran ng walls. Maybe it’s because she wants to have privacy para na rin walang makarinig sa mga pinaplano niyang kasamaan. Like father like daughter nga naman.

At dahil nga sa maaga pa, ilang minuto rin akong naghintay don sa loob ng canteen. Akala ko wala na siyang balak na pumunta hanggang sa dumating na nga sila ng kanang kamay niya, si Magda.

Um-order muna sila ng pagkain bago sila naupo sa may pinakadulo. Kinailangan ko pang tumalikod at kunwaring may kinukuha sa bag ko para hindi nila ako mapansin nang dumaan sila sa’kin.

“So mag-isa ka nalang ngayon sa bahay niyo? ‘Di ba ang lungkot non?”

Sabi ni Magda habang pinupuwesto nila ang kanilang sarili. I also get my phone para i-record ang kanilang conversation, malay mo makatulong sa paghahanap kay mommy.

“Not bad, at least now malaya ko nang gawin ang mga gusto kong gawin ‘di ba? Unlike before, kailangan ko pang ihingi ng permiso kay dad bago niya ako payagan”

Sagot naman ni Gwen pagkatapos niyang maupo. Well, hahayaan ko na muna silang mag-usap, baka mabanggit niya kung saan nagbabaksyon ang daddy niya, eh hindi ko na kailangan pang komprontahin siya.

“Sabagay. By the way, san ba kasi nagbakasyon ang daddy mo?”

“He’s not on a vacation. He will be staying there, for good. Gusto nga niya akong isama ron eh, but duh? Hindi ko kayang iwan dito si Dixon no”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. That only means Mr. Hye will never coming back here, which technically means that he will be getting mom away from us for good.

“So saan ng?”

“Well, hindi ko puwedeng sabihin. Even if you’re my trusted friend here, I can not intrust you our personal life. Mahirap na baka magkagipitan magsalita ka pa”

So dahil sa sinabing niyang ‘yon, posible nga talaga na may kaanumalya silang ginagawa.

“Ang oa non ah, as if naman na may something ang pamilya mo”

Tumawa si Magda pagkatapos niyang sabihin iyon. Pero bigla siyang napatigil nang marinig niya ang sinabi ni Gwen.

“Kapag hindi ka tumigil baka nga magkaroon ng something ang pamilya ko. Kapag may makarinig sa usapan natin, baka ikaw ang una kong ipa-good job!”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now