Chapter 40: I Love You My Bestfriend (Finale)

Start from the beginning
                                    

Patakbo kong nilisan ang sirang bahay at tinahak ang madilim na kagubatan. Hindi ko alam kung saan ako makakarating sa pagtakbo pero hanggat kaya kong tumakbo, tatakbo ako.

“Czarina! Kahit saan ka magtago, hahanapin kita. Tumakbo ka na hanggat kaya mong tumakbo, dahil kapag nahuli kita. Boom! HAHAHAHA!”

Para siyang isang baliw na nagsisigaw habang sumusunod sa’kin. Hindi ko alam kung nakikita niya ako pero dahil palalapit nang papalapit sa’kin ang boses niya kaya hindi ako tumigil sa pagtatakbo.

“Czarina! Pagbilang ko tatlo nakatago na kayo... Isa!”

Habang walang tigil sa pag-abante ang aking mga paa, walang tigil din sa pag bulusok pababa ang aking mga luha. Bakit ako nalang palagi ang nadedehado? Bakit hindi magawang sumapi ng kasiyahan sa’kin? Bakit sa tuwing nalalapit nang magsama kami ni Ford, don naman palaging may nangyayaring ganito?

“Dalawa...”

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Habang papalapit  sa tatlo ang kaniyang pagbilang, nararamdaman kong papalapit na rin siya sa’kin.

“Tatlo.. Ready or not here I come!”

Saktong pagkasabi niya non, nakarating kami sa may madamong bahagi ng kagubatan. May isang malaking puno nalang ang maari kong pagtaguan kaya binilisan ko ang pagtakbo papunta sa puno na ‘yun.

Malaki ang trunk at ang ugat ng puno kaya pakiramdam ko safe na ako rito. Naging tahimik na rin ang paligid matapos ang kaniyang pagbibilang. Hanggang sa...

“Bulaga!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulaga siya sa likuran ko. He looks so scary dahil sa mukha niyang nanlilisik at tila ba ay nagki-crave sa pagpatay sa’kin. Nakayakap siya sa’kin patalikod habang nakatutok sa ulo ko ang baril. Naalala ko tuloy nang tutukan ako ng kutsilyo ni Mr. Hye sa leeg. Ganito rin ang naramdaman ko ng mga panahon na iyon.

“Akala ko ba, you’re not the Czarina that I think? Why is it that when I look at you, I still see the same Czarina that I knew? Mahina pa rin, at madali pa ring mahuli?”

“Kung ang kamatayan ko ang lubos na magpapaligaya sa‘yo? Patayin mo na ako. Pero isa lang ang pinapangako ko sa‘yo, na hanggang sa kamatayan ko hinding-hindi kita mamahalin”

Labis na nagpagigil sa kaniya ang sinabi kong iyon. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at unti-unti akong nahirapang huminga.

“At ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Mamahalin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo. Ipapangako mo sa‘kin na hinding-hindi mo ako iiwan tulad nang ginawa sa’kin ng kapatid mo!"

He shouted. So that’s the reason kung bakit habol siya nang habol sa’kin. Maybe he promised to himself na wala ng babaeng mang-iiwan sa kaniya dahil sa pang-iiwang ginawa sa kaniya ni Gwen. Pero bakit kailangang idamay pa ako? Kung tutuusin, siya ‘yung nangloko sa’kin.

“At ano? Ibubuntong mo sa’kin lahat ng sama ng loob at galit mo kay Gwen? Dixon, naging maayos ang usapan natin noon na aayusin niyo ni Gwen ang sainyo. Na bibigyan mo siya ng isa pangpagkakataon. Nakalimutan mo na ba ‘yon? Hindi ako ang tamang tao para sa‘yo. Hindi tayo magiging masaya kapag nagsama tayo dahil hindi kita mahal!”

Once again, hinigpitan niya ang pagkakasakal sa’kin kaya napaubo ako.

“Wala kang karapatan na ideklara kung sino ang tamag tao para sa’kin. Dahil ako lang ang puwedeng pumili non. At ikaw ang pinipili ko. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging tamang tao ka para sa’kin!”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now