Chapter 16

272 13 1
                                    

A/n: Actually, plano ko talagang sa linggo pa mag-update para sabay-sabay (7 chapters sana) but, as a maunawaing otorrr Charr! HAHAHA ngayon ko na lang i-p'post.

3 Chapters for today! Luvyouuuu!

--------

Franchisca Veins

"Urgh!" I groaned.

Pikit mata akong napahawak sa ulo ko. Ang sakit! Para itong binubuka at pinipigapiga!
Dahan dahan kong iminulat ang mga maya ko sabay inilibot ang tingin sa paligid. Nasa kwarto ako,

Mabilis akong napabalikwas sa kama ko at parang Flash na tumakbo sa banyo at sumuka. Errh!
Matapos kong magsuka ay mabilis akong nagsipilyo at lumabas na parang nanlalanta. Hinayaan ko ang sarili ko na pabagsak na humiga sa kama. I sighed.

What happened last night?! Ba't ako nagsuka?! Masakit din ulo ko! :<

Napabalik sa reyalidad na lamang ako nang maramdamang may humawak sa noo ko, d'on ko lang napansin na si Diezell pala ito. Nagtaka ako dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Anong nangyare sa kanya?

"Are you okay?" Hindi ko napigilang mapatawa. Sabay kasi kaming dalawa na nagtanong.
Hehe. Magkapatid nga kami.

Upo ako nang umupo ito sa tabi ko. "Ba't ganyan ang mukha mo?" Tanong ko rito. Umirap naman ito.

"Ba't ka naglasing?!" Napakunot noo ako.

Ako?? Naglasing?

Bakit naman?

Maang akong napatingin sa kanya. "Ba't ako maglalasing?" Takang tanong ko.

Napairap naman ito. "Bakit nga ba?" Balik tanong niya.

Huh?

"Teka--nahihilo ako sa 'yo Diezell! Naglasing ba ako kagabi?!" Hindi mapakapaniwalang tanong ko. "Obviously ate." Mataray na sagot nito.

"Rea---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isa-isang pumasok sa aking isipan ang nangyari kahapon.

Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon, You still okay heart?

Kaya mo pa ba?

Tumigil---- Shut up, Brain!

'Shut up, Brain! Nye! Nye! Nye!'

"Hey,"

Wala sa sarili akong tumingin kay Diezell. "Ate, pwede ka namang magkwento sa 'kin e," Suhest'yon niya.
I sighed. "S-She hates me.."

"Duh! Halata naman e!"
Hindi ko pinansin ang pagtataray niya.

Ang mahalaga ay maka-emote ako! At saka mailabas ko ang sakit na nararandaman ko.

"Galit siya sa 'kin,"

"Kahit n'on pa, ngayon mo lang napansin 'te?"

"Diezell naman e!" Sabay palo sa kanyang kaliwang braso. "Ouch! I'm just stating the facts! H'wag kang mamalo!" Sikmat nito sa akin.

Napabuntong hininga ako, sabay titig sa puting pader. I don't know. Hindi ko na alam kong anong iisipin ko. Titigil na ba ako?

"Ate!"

"What?" Tanong ko.

"Seriously! Tulala ka na naman!" Sikmat nito.

Napanguso ako. "Diezell..." Mahinang sambit ko sa pangalan niya, dahan-dahan naman itong lumapit pa sa akin sabay akbay. "Fine. Hindi kita pipiliting sabihin sa 'kin kung ano man ang rason mo kung ba't ka naglasing. ang gawin mo muna ngayon ay kumain. Dahil alam kong gutom ka na. mm-kay?"

Hopelessly InloveWhere stories live. Discover now