Chapter 5

256 13 0
                                    

[Grammatical Error Ahead]



Megan POV:



"Megannn!"




Taka akong napatingin sa President namin, Nandidito ako ngayon sa room namin, Wala kaming Second subj,
Humihingal itong lumapit sa upuan ko. "Bakit?" Maang na tanong ko.

"K-Kasi.. May nagpapabigay sa'yo, ito oh!" Humahangos na saad niya sabay bigay ng isang pirasong papel. Taka kong kinuha ito saka tinitigan bago tumingin ulit kay President.

"What's this?" Tanong ko, pero nakangisi lang itong kumibiy balikat bago bumalik sa upuan niya.

"Oyy! Baka lab letter 'yan! Meg!" Napatingin ako sa sumigaw nito, Ang joker ng classroom namin.

Kaya r'on nagsimula ang panunukso ng mga kaklase ko, Isiniwalang bahala ko ito, saka tumingin kila Heaven na nakangiti. "Bakit?" Tanong ko.

"Buksan mo na! Hehe." Parang kinikilig na saad ni Nami sa akin. Maang ko itong tinignan.

"Buksan mo nalang, Meg." Pilit ni Heaven, Kaya kunot noo ko itong binuksan, nakatupi kasi ito.

O n e

When I first laid my eyes on you,
I know you're the one.

-Yourfutureloveofyourlife.

What?!

Love of your Life?! At sino namang damungas ang gumawa nito?!

"Nonsense." Saad ko sabay lapag ng papel sa mesa ko. Dali dali naman itong kinuha ni Nami at sabay nilang binasa ni Heaven,

Napangiwi ako ng marinig ang tili nilang dalawa, para silang bulate na binudburan ng asin.

"Yieee! Ang sweet niya. Meg!" Ngingiti ngiting sambit ni Heaven, Napaigtad ako ng may sumundot sa tagiliran ko.
"Nami!" Saway ko rito, pero ang gaga ngumisi lang.

"Na 'ko po! Megan Clarosa! Ang lakas ng alindog mo. May pa- Secret admirer ka na." Nanunuksong usal nito.

Tumango tango naman si Heaven, animo'y sumasang-ayon.

"Imagine.. May nanliligaw sa'yong dalawang bigatin--Kilala sa buong Campus. Ang MVP Basketball player ng SU, at ang Anak ng may-ari ng University na'to. Tapos ngayon--Heck! May secret Admirer ka pa!" Manghang saad ni Heaven at ang mga mata nito'y sumisigaw ng paghanga,

"Tsk! Manahimik na nga lang kayo, Wala akong pakialam sa mga ganyan ganyan," Malumanay na sabi ko sabay sandal sa upuan ko.

Nakaka-umay. Wala namang nakakakilig d'yan,

Iiling-iling nalang ako sa na-isip ko.

Nakita ko naman ang pagtinginan nilang dalawa, "Bitter ka pa'rin ba hanggang ngayon?!" Seryusong tanong ni Nami, Umiwas lang ako ng tingin.

Ayokong pag-usapan 'yon.

"Hanggang ngayon ba..Umaasa ka pa'rin na b-babalik siya?" Mahina ang boses ni Heaven na animo'y sinasadya para walang makarinig. Tumitig ako sakanila.

Ang mga tingin nila sa akin ay parang nang-iimbistiga. Ngumiti ako ng puno ng pag-asa. "Oo, Aasa ako, hangga't humihinga ako.. Patuloy akong aasa, Kahit walang kasiguradohang babalik siya," Mapait na saad ko, bago yumuko at tumitig sa mesa, Maya maya pa ay narinig ko ang sabay na buntong hininga nilang dalawa.

Umaasa pa'rin akong babalik ka,
At sa pagbalik mo magiging tayo na,

Mabilis akong tumayo saka umalis sa classsroom, hindi ako tinawag nila Heaven dahil alam nilang kailangan ko ng privacy ngayon.

Hopelessly InloveWhere stories live. Discover now