Chapter 10

282 12 1
                                    

[Grammatical Error Ahead]



Franchisca Veins POV;







"Ang ganda nang ngiti mo ah,"
Napatingin ako sa likuran ko, at nakita si Bea.

"Syempre! Oo nga pala may goodnews ako sa'yo girl---Wait! Who's that lil' cute girl?" Takang tanong ko. Nandidito kami ngayon sa Starbucks mag-uusap sana kami tungkol sa projects at mamasyal.

Pero imbes na mag-isang Bea lang ang makikita ko ay may kasama pala itong bata,
Napnsin kong bumusangot ito ng mukha bago tumingin sa batang nakatingin din sa kanya ng inosente.

"Umupo ka rito Nami," Natigilan ako sa sinabi niya, Nami? Magkapangalan ang kaibigan ni My labss na si  sa kasamang bata ni Bea na si Nami rin? Huh? Ang gulo!

Pinaupo niya ito sa kaharap kong upuan, Base sa itsura ng batang 'to parang anak mayaman.
"Hi Nami!" Masiglang bati ko rito.
"I'm Franchisca Veins, you can call me Ate  Veins." Dugtong ko.

Tumitig muna ito sa 'kin bago tumingin kay Bea na ngayon ay katabi niya, "Ate stuwpid." Baling nito.

Nagtaka naman ako. Huh? Stupid??

"What?"

"You..Ate stuwpid.." Nawindang ako dahil tinuro niya pa talaga ako,

"Ako?!" Sabay turo ko sa sarili. Tumango naman ito. My jaw dropped.

Agad akong napabaling ako kay Bea, dahil narinig ko ang pagbungisngis nito. Teka?! Tinuruan niya ba 'tong batang 'to! Aba!

"Bea Monterey! Tinuruan mo ba 'tong batang 'to?!" Inis na tanong ko.

Ang sama talaga ng babaeng 'to!

"Ano?! Hindi 'no! Matabas lang talaga ang dila nitong Nami na 'to!" Tanggi niya.

Pero imbes na maniwala ay mapang-imbestiga ko siyang tinitigan. Tumaas naman ang kaliwang kilay nito, "Hoy, Ugat! Hindi ako bad influence 'no! At saka h'wag mo 'kong matignan-tignan ng ganyan dahil dalawang araw palang 'tong batang 'to sa amin! Tanungin mo na lang ang nagpalaki rito at h'wag ako!" Depensa niya sa sarili niya.

Nagpalaki sa kanya?

"E, sino naman ang nagpalaki sa batang 'yan?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam, hihi." Kamot batok niyang saad.

Iyon naman pala! Pero--Teka! Ano?! Hindi niya alam??

"At bakit hindi mo alam aber??"

"Ganito kasi 'yan---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang nagsalita ang bata.

"Ate stuwpid, I'm hungry," Simangot na saad nito.

At d'on ko lang na-realize na kanina pa pala kaming dalawa ni Bea nag-uusap.
Kaya napabaling ako kay Bea, "She's hungry na raw, bumili ka na ng pagkain,"Utos ko rito.

"Pero--"

"Hepp! No! Bumili ka na!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata, "Ang sama mo friend! Hmp!" Padabog itong tumayo at saka naglakad papuntang counter.

"So, Nami.."

"Naomi, I'm Naomi not Nami." Putol niya sa akin.

Napa- ohh naman ako, Ang sungit nitong batang 'to! Taray!

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko. Tumingin ito sa akin bago tumingin sa kanyang maliliit na kamay, Ang cute!

"I'm 4 years old."

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang cute cute niya talaga.
Kaya naman wala akong sinayang na oras at mabilisang kinurot ang matambok na pisnge nito. Hehe.

"Ouch!" Daing ko ng biglaan niyang tinampal ang kamay ko, "Why did you do that?!"

Sinamaan ako nito nang tingin, "Masakit, Hmp!" Attitude na sabi nito sabay nagcrossed arm,

---------

"Ano?! So, ibig sabihin nanay ka na?" Exaggerated na usal ko,

Napangiwi ako nang bigla niyang suntukin ang kanang braso ko. "No! Hindi ibig sabihin na inampon namin siya, e, Nanay na 'ko! Syempre ate lang," Sagot niya.

Napatango tango naman ako.

"Hindi niyo na ba nahanap ang magulang ni Naomi?" Takang tanong ko. Umiling-iling naman ito.

"Wait--Naomi? Sino 'yon?" Takang tanong niya sa akin, Inikutan ko siya ng mata, "Naomi, iyang batang kasama mo duh," Mataray na sambit ko.

Maang naman itong napatingin kay Naomi na ngayon ay busy sa kanyang lollipop. "Naomi?" Tumingin naman sa kanya si Naomi,

"Yes?"
Oh, 'di ba ang taray ng batang 'to! English siya bes! English!

"Naomi pangalan mo?" Tumango naman ito. "Oh, Akala ko ba Nami---"

"Bingi,"

Napahagalpak ako nang tawa dahil sa sinabi ni Naomi at parang wala lang ito sa kanya, habang si Bea naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Pfft!

"Hey! I'm not Bingi!" Conyong tanggi nito.

Inalbayan ko si Bea dahil inis itong nakatingin kay Naomi. "Chill ka lang friend, bata 'yan."

"Pagsasabihan ko talaga ang magulang ng batang 'to! Nako!" Nagpipigil na saad niya.

------------

PS. Short UD

------------

-edited-

Don't forget to Vote, Comment, and Follow!

Hopelessly InloveWhere stories live. Discover now