"Hoy gago napano ka?" Tanong ni Luke sakaniya. "Bigla bigla ka nalang umiiyak diyan. Para kang tanga."

He wiped his tears and he sat properly. Pulang pula ang mga mata niya pati ang ilong nito. Iba talaga 'pag tisoy. Alagang Kojic 'to e.

"T-tangina mga men." He said at may pakagat kagat pa siya sa labi na siyang ikinatawa ko nanaman. Pinunasan niya ulit ang mga luha niya at tumingala pa siya para pigilan ang mga panibagong luha nito.

"Ano ba? Kinakabahan ako sa'yo." Luke said and I just continued laughing. Mukhang alam ko na kung saan papunta 'to.

"Single ka na ulit no?" Tanong ko atsaka ako humagalpak ng tawa. Ganitong ganito rin siya kay Jenny noon e!

Binatukan ako ni Luke at tumigil ako sa paghagalpak. Nilunok ko na lamang 'yon. Nakakahiya naman sakanilang dalawa.

"Hiniwalayan ako e." He said at napailing na lamang si Luke. Ganon din ako.

"Gago mo. Kasalanan mo. Huwag ka nang magtaka kung iniwan ka. Iiyak iyak ka pa riyan." Luke said and he stood up.

Sinandal ko na lamang ang sarili ko sa sofa at hinintay na makabalik si Luke. When he came back he has a bottle of whiskey and three glasses.

"Inom nalang tayo. Kasalanan mo 'yan. Ulol! Ilang beses ka na naming sinabihan." I said and gave him the glass with alcohol which he drank straight.

I guess we're having a bff goals here. All of us got our own problems. Fuck this life!

We all slept at Luke's house. Natulog kaming tatlo na magkakatabi sa kama niya. Nang magising kami ay naligo kami at kumain ng breakfast na niluto ni Tita Laura.


"Babalik ka ba sa bahay ng Papa mo ngayon, Luke?" Tita Laura asked.

"Yes, Mom."

"Ikaw Raine saan ka pupunta niyan?" I asked.

"Sasama ako sa'yo. I'll go and talk with Rej." Walang gana na sagot niya. Para siyang zombie ngayon. Matamlay ang fafa niyo. Malungkot ang kaniyang puso.

"Okay."

Nang matapos kaming kumain ay nagkahiwa hiwalay na kami. Raine and I drove home and I was feeling nervous while we were on our way. Sigurado na akong gising na siya ngayon at pwedeng pwede ko na siyang kausapin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Wala akong maisip at puro kaba lamang ang nasa utak ko. Damn! This is not so me.

Nang makarating kami ni Raine sa mansion ay bumaba kami agad ng sasakyan. Mas nauna pa siyang pumasok kaysa sa akin. He is probably excited to see Rej after knowing that she knows everything. Sinabi ko na sakaniya kagabi habang nag iinuman. I can clearly remember what he told me last night when I asked for an advice.

"Don't expect too much, Ryoga. Kahit alam na niya ang tungkol sainyo, huwag kang magpakampante na magiging okay na kayo. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sakaniya. Iniwan mo siya noong mga panahong ikaw lang ang kailangan niya. You chose to leave when she was begging for you to stay."

Iwinaglit ko sa isipan ko ang mga salitang 'yon at sinundan siya papunta sa taas. Mas lalo lamang ako pinapakaba ng advice niyang 'yon. Sana pala hindi na lang ako nagtanong. We stopped in front of Rej's room and he looked at me.


"Sige, ikaw na muna ang pumasok. Saka na ako." I said. "Mag usap muna kayong magkapatid."

"Sigurado ka?"

"Oo. Ayusin mo rin 'yang mukha mo. Mukha kang patay."


Sinamaan niya ako ng tingin atsaka siya pumasok sa loob. Naiwan akong mag isa rito at sinandal ko ang sarili ko sa pader. I closed my eyes and I started praying.


His Story To Tell (R-18)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora