"Quira, Ano nga uling middle name mo? Quira Sorrel M. Pineda, Ano yung M?" Tanong ni Frenise habang nagsusulat sakanyang notebook.

"Hindi mo ba alam?" Tanong ni Quira.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?" Ani Frenise. Napatawa si Quira.

"Oo nga noh! Montanier. That's my middle name." Anito.

Nanlaki ang mata ko, What?! Montanier?! Montanier si Quira?

Sa lahat ba naman? nagkaroon pa ako ng kaibigang kamag anak ni Prof? so, taga cebu din si Prof? possible bang muling mag krus ang landas namin? baka hindi naman niya kamag-anak si Quira, madaming mag kakaapelyedo na di naman talaga magkakamag anak. Oo nga, baka hindi.

Hindi pa din nag sisink-in sakin nang may pumitik sa harapan ko. Agad akong napaayos at napatingin sa tumatawang si Quira.

"Anyare sayo, Idalia? ano daw middle name mo?" Natatawang tanong nito.

Napatingin naman ako kay Frenise na nagpipigil din ng tawa.

"Sanchez." Sagot ko.

"May papakilala ako sainyo." Ani Frenise, Naglalakad na kami ngayon papunta sa bakery na palagi kong binibilhan ng Cookies. Patakbo itong lumapit sa grupo ng kalalakihan na makakasalubong namin. Lumapit ito sa lalaking nasa gitna. Moreno ito at gwapo. Kumbaga siya talaga ang matatawag mong Pinoy na Pinoy.

Hinila niya ang lalaki palapit samin, Kita ko pa ang tawanan ng mga kaibigan niya. Nakasimangot naman na nagpahila yung lalaki.

"Ito, Siya si Noel. Pinsan ko!" Nakangiting pakilala ni Frenise. Kaagad namang inilahad ni Noel ang kamay samin.

Ayoko talaga sa mga lalaking mahilig mag da-moves, yung hokage. pero iba ang isang to. Mahiyain. Kitang kita naman sa itsura niya at galawan.

Nakangiting tinanggap ni Quira ang kamay niya. "Quira." Nakangiting pakilala niya. Agad na din naman silang bumitaw.

Nahihiyang tumingin sakin ang lalaki at naglahad ng kamay, Rinig ko ang pagbungisngis ni Frenise sa gilid.

"I'm Idalia." Ani ko at ngumiti ng maliit dito at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

Agad na din naman akong bumitaw.

"Naks naman, Noel!"

"Swerte ni Noel!"

"Mga chix na yan, pare!"

Hiyawan ng mga kaibigan niya, Kumakamot naman ng ulo itong muling lumapit sa mga kaibigan niyang papalapit na samin. Kita ko pang binatukan ito ng isa sa kanila. Lahat namna sila mga good looks. Bale-apat silang lahat kasama na si Noel.

Napatingin ako kay Frenise nang umiling iling ito habang natatawa.

"Mahiyain talaga yang si Noel, lalo na pag nasa harapan ng ibang mga babae. lalo na pag magaganda!" Anito at bumunghalit ng tawa. Napatawa din si Quira.

"Wait! Wait! Akyat ako sa puno ng duhat," ani Quira nang mapadaan kami sa puno ng duhat dito sa tabi ng kalsada. Mapuno sa banda dito at wala masyadong dumadaan na sasakyan at hindi na masyadong mainit.

"Hoy! Baka malaglag ka, ha!" ani Frenise.

"Wag! Baka malaglag ka," sabi ko at hinakawan sa braso si Quira.

Natatawang tinanggal nito ang paghahawak ko.

"Kalma kayo mga, sis! hindi ako malalaglag. Sanay na ako dito." aniya.

"Mula bata pa ako ay umaakyat na ako dito." Aniya at tinuro ang puno.

"Ang babaw lang niyan!" aniya,  napatingala ako sa puno.

Ang babaw? Antaas taas niyan.

"Ang yabang mo!" Ani Frenise na tinawanan lang ni Quira, lumapit ito sa puno ng saging.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Frenise, hindi ko din alam ang gagawin niya. Dahil hindi naman umaakyat dati ng puno si Papa at saka hindi ko alam dahil dati noong nandito ako ay hindi naman ako lumalabas ng bahay. Nakwento din sakin ni Frenise na galing siyang Manila at wala siyang alam dito sa Probinsya.

Napatingin ako kay Quira nang kumuha ito ng dahon ng saging. "Anong gagawin jan?" Tanong ko.

"Lalagyanan ng duhat." Aniya. Tinaas niya ang kwelyo niya at sinimulan ng hubarin ang tsinelas na suot niya.

"Nakakatakot naman yang gagawin mo, Qui!" Ani Frenise.

"Kaya ko 'to!" Ani Quira at kumindat pa samin ni Frenise.

Lumapit ito samin. "Ikaw fren, Bantayan mo mga ihuhulog ko na duhat at ikaw naman, idalia. Hawakan mo muna cellphone ko baka malaglag, e." Ani to.

Nag simula na siyang umakyat ng puno ng duhat, habang si Frenise ay nakaabang sa baba hawak hawak ang dahon ng saging. Seryoso ba siya dito?

Nakatingala ako sa kumukuha ng duhat na si Quira, nasa pinaka tuktok na siya na sanga.

"Woah! Akala niyo di ako marunong," ani to at tumawa pa.

May mga taong naglalakad na napapatingin samin at mga taong mga nakasakay na napapadaan dito.

Napatingin ako sa phone ni Quira na hawak ko nang magsimula itong mag ring.

Kuya Sy...

Kuya Sy? sino naman to? kuya ni Quira?

Napatingin ako kay Quira na kumukuha na ng duhat at kay Frenise na nakatingala dito.

Sagutin ko kaya?

Sabihin ko ba tong ginagawa ni Quira? Ang delikado kasi talaga ng ginagawa niya e. Baka malaglag siya at mapilayan. Sabihin ko na lang.

Agad kong pinindot ang accept at tinapat sa tenga ko.

"Quira, Tell your brother that I need to talk to him right now!" Ani to, Nanlaki ang mata ko.

W-what?

Napatakip ako sa bibig ko at pinatay ang tawag.

P-prof?

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now