Chapter 1 - Mysterious

15.8K 467 32
                                    

"Ate bili na po kayo!"

"Mga suki bilhin nyo na tatlong pilak ang isa"

"Kuya bili ka na. Bago yan at sariwa pa"

Maingay ngayon sa bayan ng Aztec,ang sentro ng bansang Caden,ang pinakamaunlad na bansa sa larangan ng kalakalan.

Maraming tao ang dumadayo ngayon sa bayan dahil ito ang ikalawang linggo ng pagbubukas ng Knight Academy,isang paaralan para sa mga nilalang na nabiyayaan ng kakaibang kakayahan.

"Ate magkano po itong mansanas?" Tanong ng isang babae na nakasuot ng itim na kasuotan. Balot na balot ito ngunit malalaman mong babae ito batay sa pangangatawan at boses nito. Natatabunan ang mukha nito ng saklob kaya tanging ang ibabang parte lang ng mukha ang makikita.

Napatulala naman ang nagtitinda ng prutas sa babae. Bagamat creepy itong tingnan dahil sa suot ay hindi nito mapigilang humanga sa dalaga dahil kahit kalahati lang ng mukha ang kita ay hindi mapapagkailang maganda ito batay na rin sa mapula-pula nitong labi, at makinis at maputing balat. Bukod pa doon ay malamig na medyo malambing ang boses nito na maaakit kang pakinggan.

"Ate magkano po itong mansanas?" Pag-uulit ng babae dahil literal ng nakatitig sa kanya ang babae.

"A-ah l-limang bronse lamang. Pero tatlong bronse nalang sa'yo." Hindi napigilan ng nagtitinda na mautal dahil sa pagkabigla dahil napagtanto niyang nakatulala na nga siya sa babae.

Ngumiti ang babae na nakapagtulala sa kanya muli ngunit ang sumunod na sinabi ang nakapagpatalon sa kanya sa tuwa.

"Sige po. Bibilhin ko po itong lahat"

Binilang ng nagtitinda ang mga mansanas. Hindi naman ito ganoong karami ngunit masyado itong marami upang maubos ng babae.

"Eto,limang daang bronse lahat" sabi ng nagtitinda at ibinigay ang limang supot ng mansanas.

"Ito po ang bayad" inabot ng babae ang isang brown na supot.

"Salamat. Balik ka!" Nakangiting sabi ng nagtitinda dahil makakatulong ito ng malaki sa kanyang anak na may sakit. Kumakaway pa ito sa babae.

Nakangiti itong umupo sa upuan na tapat ng stall niya ng prutas. Binuksan niya ang supot upang bilangin ito. Pagkabukas ng supot ay nanlaki ang mata ng ginang dahil sa gulat dahil ang laman ng supot ay ginto. Sa tantya niya ay nasa isang daan ito. Dali-dali siyang lumabas upang habulin ang babae ngunit hindi na niya ito nakita.

Naglakad na pabalik ang ginang sa kanyang stall. Nanlulumo itong naglakad pabalik. Kahit naman may mga suki siyang nagbibigay ng tip ay hindi naman ganoon kalaki.

Habang naglalakad siya ay may isang lalaking humablot sa dala-dala niyang supot. Dahil sa nanlulumo siya ay madaling nakuha ng lalaki ang supot.

"Magnanakaw! Magnanakaw!" Sigaw niya habang hinahabol ang magnanakaw.

Dahil sa lakas ng sigaw niya ay kaagad nadinig iyon ng mga tao. Sinusubukan nilang pigilan ang lalaki ngunit napaatras sila ng may pumalibot na mga sandata sa lalaki.

"Ahh! Ability user!"

"Hindi ito maaari.Isa s'yang ability user!"

"Wala na tayong laban sa kanya"-nahihintakutang wika ng mga tao. Sino ba namang hindi matatakot kung may kaharap kang isang ability user. Wala silang laban dahil wala silang kapangyarihan. Bukod pa doon ay mukhang hindi mangingimi ang lalaki na pumatay.

"'Wag kayong lalapit! Kung ayaw ninyong mamatay!" Sigaw ng lalaki.

"Dali! Ipaalam mo ito sa nakatataas!" Bulong ng isang babae sa asawa.

Sa isang tabi naman ay nawiwiling nanunuod ang babae kanina habang nakaupo sa sanga ng puno at kumakain ng mansanas. Naubos na nito ang dalawang supot na binili. Bumaba na ito at nagpagpag ng damit.

Inabot niya ang natitirang tatlong supot sa isang batang pulubi. Natuwa naman ang bata. Abot-taynga na ang ngiti nito dahil sa wakas ay may makakain na ito ngunit ito'y napawi ng muling magsalita ang babae.

"Bata,pabantay. Babalikan ko yan mamaya. 'Wag mong babawasan yan ha?" Sabay kuha ng isang mansanas.

~~~

"Mama! Mama!" Iyak ng batang babae ng bigla siyang hablutin ng magnanakaw at tinutukan ng patalin sa may leeg.

"Kung gusto ninyong mabuhay itong batang ito, bigyan ninyo ako ng kabayo at hayaang makaalis!" Sabi ng magnanakaw at diniinan pa ang patalim sa leeg ng bata kaya dumaloy ang sariwang dugo sa patalim na lalong nagpaiyak sa bata.

"Huwag! Pakiusap,pakawalan mo na ang anak ko. Maawa ka!" Sigaw ng ina ng bata habang umiiyak.

"Kung ganoon ay sundin ninyo ang gusto ko!"

"Tumigil ka!"

Shin's P.O.V

Haaay...ano ba yan. Masyado atang madaldal itong lalaking ito para maging magnanakaw. Di ba tahimik ang mga magnanakaw para makapagnakaw sila? Bakit itong isang ito maingay? Haist.. pati bata idinadamay.

Naglakad na ako papalapit sa kumpulan para makinuod habang kinakain 'yung mansanas.

Pfft...kapag naaalala ko 'yung mukha ng bata natatawa ako. Para kasi siyang natatae na naiinis na kung ano. Ang sama ng tingin sa'kin. Ba,wala naman akong sinabing kanya na yun ah. Pinakapit ko lang naman.

Ayun,dahil sa maliit ako hindi ko makita 'yung nasa una. Dapat pala 'di nalang ako bumaba ng puno -.- Jae. Sisingit nalang ako.

'Nung sisingit na ako,may nadinig akong nag-uusap.Hoy, hindi ako chismosa ha. Sadyang nadinig ko lang kasi nasalikuran ko sila.

"Oh,anong planong gagamitin vice?" Tanong nung lalaking blonde.

"'Yung plan A. Sige,pumusisyon na kayo" sabi naman nung lalaking itim ang buhok. Mmmm...may itsura sya ha. Pero not my type.

Umalis na yung blonde. Yung tinatawag niyang vice nalang ang natira. Bumalik na ulit ako sa puno. Parang masaya ang mangyayari ah.

"Ano! Nasaan na ang hinihingi ko! Bakit wala pa,ha?! Papatayin ko 'to!" Sigaw 'nung lalaki. Sasaksakin na sana nung lalaki yung bata nang may magsalita.

"Itigil mo yan!" Sigaw nung babaeng nakauniform. Pansin ko lang, kanina pa sila sigaw ng sigaw. 'Di ba sila napapaos? Geh,balik na sa story.

So, ayun nga. May isang babaeng nakauniform ang bigla nalang lumitaw.

"At sino ka naman?!" Singhal nung magnanakaw.

"Ako lang naman si Joanne Marie Vane. Tagapagtanggol ng kabataan at kababaihan, dyosa ng kagandahan. At sa ngalan ng kabutihan, tatalunin kita!" At itinuro pa niya yung magnanakaw gamit ang hintuturo habang nakapamay-awang.

Wow,hangin mo teh. Pero sa bagay, maganda nga siya.

"Ano ba Joanne. Bakit sinira mo kaagad yung plano? 'Di ba dapat lalapitan na muna natin siya saka susugudin?!" Sabi nung blonde dun sa Joanne.

"Eh sa nakakainip naman yung plano eh. Maghihintay pa. Labanan na lang natin siya. Mahina lang naman yan eh. At saka isa pa,di ka ba naaawa dun sa bata? Nagdudugo na yung leeg oh!" May point naman siya dun. Namumutla na nga yung bata.

"Hahahahaha" bigla nalang tumawa yung lalaki na parang baliw.

"Mga hangal kayo! Sa tingin ninyo ba matatalo ako ng mga batang 'yan?! Kahit taga akademye pa sila, hindi nila ako matatalo! Sayang, kung sinunod ninyo lang ang gusto ko, edi sana mabubuhay pa itong bata. Dahil ginalit ninyo ako, magpaalam na kayo sa kanya!"

Itinaas ng lalaki yung hawak niyang patalim at saka sinaksak yung bata.

~~~

Chiaki's note:

Salamat po sa pagbabasa! Sana po nagustuhan ninyo. Mag vote po kayo kung nagustuhan ninyo at magcomment para malaman ko po ang mga opinyon ninyo. Salamat po^.^

Si Joanne Marie Vane on the pic---》

Knight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon