Chapter Twenty-Three

11 3 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains sensitive contentREADER'S DISCRETION IS ADVICED.

#BumabawiAng
ShyTypeNiyongWriter

~~~

THE NAMOCO MURDER CASE— IS THE REAL CHASE




Nang makapasok ang batang police sa opisina ay agad niyang naabutang inaayos nito ang pisara kung saan nakalagay lahat ng leads nila sa kaso.

The Inspector calls it as the 'Crazy Wall' or the 'Evidence Board' if the young police calls it. It's the catch-all term for the boards on which investigators pin up and plot out all their clues in crime and spy thrillers.

Huminto siya di kalayuan at tinignan ang mga bagong gamit sa mesa. Ang dating plain na puting pisara ay ngayo'y foam board na, kulay pula na din ang mga pins na dati ay iba't iba ang kulay, yarn na kulay dilaw na din ang gamit nila na dati ay rubber bands lang, naka highlights na din ang mga importanteng detalye, at ang mga larawan ay pinaglalagyan ng double sided tape ng Inspektor para madali na lang kung maglalagay ulit sila ng bagong mukha.

Unang nilagay ng Inspektor ang malaking title card sa gitna sa may itaas na parte. May nakalagay itong 'THE NAMOCO MURDER CASE' bold ang pagkakasulat nito at lahat ng letra ay naka-capital. Sunod niyang nilagay ang litrato ng pumanaw na abogado sa pinakagitna. May nilagay siya sa taas na bahagi ng larawan na 'VICTIM (DECEASED)' naka bold din ito at lahat naka-capital letters. Nakapalibot sa litrato ng pumanaw na abogado ang anim na litrato ng mga suspect. Gaya ng nauna ay nakalagay din ang salitang SUSPECT sa itaas ng kani-kanilang larawan at naka bold at capital letters din ang pagkakasulat nito.

Sa ibaba ng litrato nila ay dun nakalagay ang kanilang mga pangalan, profile/traits at mga alibi/connection sa kaso. Lahat ng litrato ay naka print out sa kulay itim at puti. Sa kabilang parte ng detective board ay doon nakalagay ang larawan ng Inspektor kung ano ang kanyang hitsura nung maabutan itong patay na. Mga larawan ng kalmot, pagkatabingi ng leeg, ang kamay na nakapako, at mga larawan na nakakagimbal tignan. Lahat ng mga larawan nay un ay naka print out din sa kulay itim at puti. May land marks na din dun, school map kung saan nilagyan ng bilog ang isang parte ng Universidad kung saan pinatay ang Abogado.

Sa kanan naman nakalagay ang mga larawan ng mga ebidensyang nakuha nila. Mula sa basag na salamin, pregnancy test at ang larawan ng likod ng Abogado kung saan naka-ukit ang pangalan ng anim na suspect. May mga sticky notes na nakalagay na din dun na puno ng mga description at mga tanong. Mga halimbawa nito ay 'Nasaan ang murder weapon?', 'Bakit walang footage ng cctv?', 'Asan ang witness?' at 'Where's the missing organ?'. May mga newspaper cutouts din kung saan nakalagay ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pinaslang na abogado. At mga article na naayon sa mga kasong hinawakan nito noon. At ang pinaka-sentro ng imbestigasyon at ang nasa pinakagitna ng lahat ay ang isang silhouette ng isang tao na may nakalagay na malaking question mark sa gitna. Senyales ng di pagkakakilanlan.

Organisado na tignan ang detective board nila at mas presentable na ito ngayon kesa dati. Mas madali na ang pagtutugpi nila sa mga ebidensyang hawak at ang mga files na paparating pa. Hindi lang naman kasi yun ang mga hawak nila. Hindi pa kasi ipinapasa ng mga Forensic Investigators ang report nila.

Forensic Investigators, also known as criminalistics, is the application of science to criminal and civil laws, mainly—on the criminal side—during criminal investigation, as governed by the legal standards of admissible evidence and criminal procedure. They're the one who examine and analyze evidences from crime scenes and elsewhere to develop objective findings that can assist in the investigation and prosecution of perpetrators of crime or absolve an innocent person from suspicion.

Who's the Killer?Where stories live. Discover now