Ito yung kahinaan naming mga katulad ko hindi namin kayang bigyan ng anak ang lalaking mahal namin, maaring maligaya namin pero hindi pa rin iyun sapat dahil kulang at ito ay ang anak

****

"Wala kang sasabihin wala kang pag sasabihan!" Sigaw niya sa akin

"Mali yun! mali yung ginagawa niyo!" Balik na sigaw ko naman sa kanya akala niya siya lang ang marunong sumigaw pwes! nag kakamali siya kahit kaibigan ko siya ay sisigawan ko siya

"Bakit sa ginagawa ba niyo ni King tama huh?" Sagot naman niya na animoy nandidiri, wala naman kaming ginagawa ni King sadyang mahal namin ang isa't isa

"Pero mali pa rin yung sa inyo makaka sakit kayo, kaya dapat malaman na nila to ng mas aaga kung ayaw mong sabihin ako ang mag sasabi sa kanila" mahaba kung sagot alam ko namang mali yung relasyon namin ni King pero mas mali ata yung sa kanila

Nagulat ako ng bigla ako nito hawakan sa may pulsuhan pinilit kung tangalin yung kamay niya pero di ko nagawa

nasasaktan na rin ako dahil sa haba ng kuku niya

"Wala kang pag sasabihan! at hindi ko hahayaan na makarating ito sa iba!" Galit na sagot niya sa akin

at saka ako bahagayang tinulak

*****

Pawis na pawis akong nag habol ng hininga anong klaseng panaginip iyun hindi ko makilala yung mukha at boses ng kausap ko sa panaginip dahil sa labo

Tumayo ako at saka sinilip yung oras sa Cellphone ko 9 a.m na pala

"9 a.m?" Gulat na sabi ko ng makita yung oras

Agad kung binulsa yung cellphone ko at saka lumabas ng kwarto na ito

pag labas ko tanging mga maid lang ang nakita ko

asan kaya sila

"Ahm! ate asan po kaya yung mga kasama ko?" Tanong ko sa isang maid na busy sa pag wawalis

"Wala na po sir naka uwi na po sila" Sagot nito sa akin kaya tumango naman ako

kakahiya naiwan ako dito sa bahay nila Charles buti wala yung mga magulang niya dito

Nag paalam muna ako sa mga maid bago lumabas

pag labas ko bumungad sa akin si Xyrill na naka sandal sa kanyang kotse halatang bored na bored na ito

lumapit ako sa kanya pero hindi niya naramdaman ang presinsya ko dahil naka tingin ito kung saan

Tulala ang luko

"Oyyy!" Tawag ko sa atensyon niya kaya agad itong napatingin sa akin

"Tagal mo!" Reklamo nito sa akin

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kasi buong akala ko na una na sila at hindi na ako inantay

"Inaantay ka! tagal mong magising!" Sagot niya

"Sino ba kasing nag sabing antayin mo ako?" Pag tataray ko

"Wala!" Sagot niya at saka binuksan yung pintuan sa passanger seat kaya pumasok na lang ako

Tahimik lang kami boung biyahe walang nag salita kung ayaw niyang mag salita edi hindi rin ako mag sasalita baka nakakalimutan niyang may kasalanan pa siya sa akin doon sa pool lalo na't nakita iyun ng ilan sa section A1 may issue pa naman yung mga yun

lumiko yung kotse niya pero hindi ko na lang pinansin alam kung hindi iyun ang daan papunta sa mansyon nila King

Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay namin

Bahay namin?

Taka ko siyang tiningnan

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko

"Dito ka na tumira kesa doon kila King!" Sagot nito

"Nasisiraan ka na ba?" Medyo pasigaw na sagot ko paano ba naman dito ako dinala sa mansyon namin sa dati naming bahay buti kung sa isang bahay niya pa ako inuwi

"Nakaka alaala ka na diba? Bat hindi ka pa umuwi sa inyo!" Sagot naman niya

"Ayaw ko!" Sagot ko bat ba kasi namamaki alam siya sa mga desisyon ko

"Uwi mo na lang ako sa bahay nila tita Juliet" Sagot ko na ang tinutukoy na juliet e yung buong akala kung magulang ko

wala siyang nagawa kung hindi paandarin ulit yung kanyang kotse para maka rating sa bahay namin mas gusto ko muna dito

Nami-miss ko na rin naman sila mom pero ayaw ko munang ipaalam sa kanila na nakaka alaala na ako gusto kung malaman muna kung bakit ako nag ka amnesia alam kung hindi aksindenti iyun alam kung sinandya iyun yung panaginip ko kagabi parang totoong nag yare yun, at kung doon naman ako titira sinong kasama ko diba nasa korea sila mom and dad si kuya Reian naman ay nasa condo nito

"Alam kung hindi ka pa handa para sabihin na naka alala kana!" Ika ni Xy

Hindi ako nag salita bahala siya dyan

Minsan nakaka asar din kasi ang isang to

"Isaac! since nakaka alala ka na rin naman baka pweding...!"

"....Baka!"

"Ano?" tanong ko

"Baka pwedeng" Ika niya

"Pweding ano?" Tanong ko

"Pweding manligaw ulit ako!" Diretsyong sagot niya

Napasinghap naman ako

Hindi ako nag salita at binuksan na lang yung pinto

Nasa tapat na kasi kami ng bahay namin

Baba na sana ako nag hilahin ako ni Xy

taka ko siyang tiningnan ngumiti lang siya at niyakap ako kaya bahagya ko siyang tinulak

ayaw kung umasa na naman siya katulad ng dati ayukong masaktan na naman siya

Hindi ko na nagawang mag salita para mag paalam at sagutin yung tanong niya kasi dumiretso na ako papasok at hindi na siya liningon

bagsak ang balikat kung hininga yung katawan ko sa medyo matigas na higaan ko

Ilang minuto din yung lumipas ng tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo inantay kung mapuno yung tubig sa timba bago ko basain yung katawan ko gamit ang tabo

pag katapos nun agad akong nag tuyo ng katawa at dumiretso sa Kusina

Medyo mabaho ng kunti yung kusina kaya nilinis ko muna bago ako mag luto

Mag isa kung kinain yung pancit canton na niluto ko

Habang kumakain napaisip ako what if? sabibin ko sa kanila na nakaka alala na ako? Ano kayang magiging reaksyon nila?

Gusto ko mang sabihin na nakaka alala na ako pero diko magawa dahil nag tatampo rin ako sa kanila

Dahil binigay nila ako kila tita Juliet yung yaya nila King

Alam ko naman na may pag kamasama rin yung ugali ko noon pero dapat hindi nila ako pinaalaga sa iba pide ko pa rin maman silang maging magulang kahit nag ka amnesia ako diba? hindi yung pinaalaga nila ako sa iba nakaka aaar lang kasi

Hinugasan ko muna yung mga plato bago ako mahiga

mahihiga na lang ako siguro mag hapon para maiwasan ko rin yung pag iisip ng kung ano ano, at para maka iwas sa sakit

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Kde žijí příběhy. Začni objevovat