"Sagutin mo muna," Sabi ko at nginitian ito dahil parang nag aalangan pa itong sagutin ang tawag, Ngumiti siya sakin bago kinapa ang telepono.

"Saglit lang talaga, Idalia!" aniya at lumakad na papunta sa railings at doon sinagot ang tawag.

Muli akong napalingon sa jacket na iyon at muling napangiti, Ewan ko ba pero may nag udyok saking pumasok sa loob ng store, Nginitian naman ako ng gwardya.

"Welcome Ma'am!" Ngumiti ako dito at nag tuloy sa pag pasok, Pumunta agad ako sa jacket kanina na nakaagaw ng atensyon ko. Hindi ko pa naman alam kung buntis ba ako o ano pero may hinala na ako, tapos ganito pa na naaakit ako sa jacket na pambata. ito na ba yon? totoo ba talaga?

Hinakawan ko ang tela nito, Ang lambot! paniguradong masarap sa pakiramdam pag sinuot ito ng isang bata. Napangiti ako siya namang pag lapit ng isang saleslady. Ngumiti ito sakin. "Kukunin niyo po?" Nakangiting tanong nito. "Maganda po ang Tela niyan Ma'am at matibay po ito at masarap sa balat." Nakangiting sabi nito.

Ngumiti ako sakanya at muling tiningnan ang jacket, kukunin ko ba? hindi ko nga alam kung buntis ba talaga ako o kung buntis nga ay hindi ko alam kung ano ang kasarian nito. pero hindi ko pwedeng iwan ang jacket dahil baka may ibang makabili nito. Sayang naman! Ang ganda kaya!

"Oo, Kukunin ko," Sabi ko at ngumiti sakanya at muling sinulyapan ang jacket. Pumalakpak ang saleslady. "Hinding hindi ka magsisisi Ma'am!" Nakangiting sabi nito at iginiya ako sa counter, doon ko na lang daw hintayin at bayadan. Nakangiti kong iginala ang paningin ko sa loob ng store. Puro gamit ng mga bata ang nandito.

May iilang mga batang naglalakad kasama ang kanilang magulang. May iilang mag asawa at may nakita akong buntis na mag isang namimili ng damit. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalapit sa likuran ko. Rinig ko ang pag buntong hininga nito.

"Sana hindi magalit si Fred, Bumili lang naman ako ng damit ng bata." Mahinang sabi nito, Nangunot ang noo ko pero hindi ko na lang pinansin. hindi ko naman ugaling makialam ng buhay ng iba, at hindi naman na siya muling nag salita.

"Ma'am, 350 po. Maraming salamat po! Balik po kayo!" Nakangiting sabi ng cashier, Agad kong inabot ang bayad.

Inilapag sa harapan ko ang paper bag na may nakalagay na Ashmie at may design pa ito ng mga baby clothes. Kukunin ko na sana kaso may tatak e, kitang kita. baka makita ni Frenise at mag tanong kung bakit ako bumili ng damit ng bata. Kinakabahan ako. Ayoko pa sabihin sa kanila dahil hindi ko pa naman kumpirmado.

"A-ah, Miss. Pwede bang palagyan ng plastic?" Sabi ko, Nangunot ang noo nito pero agad ding ngumiti.

"Okay po, Ma'am." Aniya at binalot ng plastic ang paper bag.

Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti sakanya.

"Salamat!"

Maingat akong humarap patalikod dahil may buntis na babae sa likuran ko at baka mabangga ko siya, Nang magsalubong ang paningin namin ay ngumiti siya sakin. Maganda siya, Filipina beauty. She looks like lovi poe. Malaki na din ang tiyan niya pero still maganda pa din siya, Ngumiti din ako at nag simula ng lumakad.

Kinakabahan ako at baka makita ako ni Frenise na lumabas sa store nato. Nakahinga ako ng maluwag nang wala pa pala siya. Nag hintay ako ng ilang seconds bago siya dumating, Hindi maipinta ang mukha nito pero nang makita ako ay agad siyang ngumiti.

"Rest room muna tayo, Pinagpawisan ako sa kausap ko. Nakakabwiset siya!" Aniya nang makalapit.

Napatawa ako at lumakad na kami papuntang restroom. Habang naglalakad ay napatingin si Frenise sa dala ko.

"What's that? Bumili ka?" Tanong nito, Tumango ako.

"O-oo e, Damit lang. May nagustuhan ako e." Ngumiti ako sakanya, Tumango tango ito

"Dapat hinintay mo ako. Gusto ko din bumili ng clothes e," Aniya.

Kumamot ako sa ulo ko.

"Sorry, Hindi ko na sabi,"

Umiling ito. "It's okay, Next time sama mo na ako, ha?" Nakangiting sabi nito, Tumango ako.

Pumasok na kami sa loob ng restroom, Hindi ako nakaramdam ng pagkaihi or ano kaya nang makapasok sa isang cubicle si Frenise ay hinintay ko na lang siya sa labas.

Nag titingin ako sa salamin ng sarili ko nang may maalala ako. Kailangan ko palang bumili ng pregnancy test sa drug store. Naalala ko may drug store pala malapit sa rest room. Agad akong lumabas at pumasok sa drug store. Kinakabahan ako sa magiging resulta pero anong magagawa ko? hindi ko pwedeng i-abort kung meron man hindi naman ako mamamatay ng sariling anak. Tatanggapin ko ito at ipagpapatuloy. Mahirap kahit mag isa pero kakayanin ko kung meron man.

Nanginginig ako at pumikit nagpigil ako ng hininga at dinilat ang mata, at halos malagutan ako ng hininga dahil sa naging resulta.

It's Positive..I'm pregnant with my Professor's child.

Humagulgul ako ng iyak, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, masaya ako pero natatakot ako para sa sarili ko.

Ito ba ang sinasabi ng ginang na dadating?

Hinawakan ko ang tiyan ko at napangiti sa pagitan ng mga hikbi.
Si mama ang bahala sayo, anak.

Tatayo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko, kinapa ko ito sa bulsa ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Raquel. Pero agad napawi iyon nang makaramdam ako ng sobra sobrang kaba, hindi ko alam kung bakit.

Kinakabahan kong tinapat sa tenga ko ang phone ko at lalong lumala ang nararamdam kong kaba nang marinig ko ang hikbi nito.

"I-Idali..."

Napahagulgul ako sa sunod nitong sinabi at muntik ko pang mabitiwan ang cellphone ko.

"W-wala na s-si S-seven.."

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now