"Okay." Marahan na lang siyang tumango. True to his words, hindi na nga siya bumaling sa 'kin kahit pa nag-uusap kami.

Awtomatiko kong hinanap sina Joyce, Ytang, At Lowelyn, pero 'di ko naman sila mahagilap. Nagbaba ako ng tingin sa wristwatch ko. Malapit nang mag alas 8.

Kinawayan ko naman si Charlie nang mapansin namin ang isa't isa. 'Di na siya makalapit sa 'kin dahil kada lakad niya'y may nag-gi-greet sa kaniya.

"Malapit na rin ang first semester niyo. Nakapag-review ka na ba?" I asked him.

Ewan ko na lang kung bakit ko 'yun naitanong. Baka gusto ko lang talaga ng makakausap tutal ay ilang minuto na kaming nandito. Masyado namang rude kung papaalisin ko siya, kaya naghintay na lang ako kung kailan siya titigil.

"Hindi pa," simple niyang tugon, hindi pa rin ako binabalingan. Nalilito na ako sa sarili ngayon. Gusto kong tingnan niya 'ko pero ayaw ko namang makita ang mga mata niya. Huminga ako nang malalim. Delikado na talaga ako ngayon.

"Hindi mo na 'ata kailangang mag-study. Mataas IQ mo, e'," naiwika ko at napatingin sa paligid, tapos balik na naman sa mukha niya. "Pero 'di naman 'ata same date ang exam ng seniors at juniors, 'di ba?"

Tumango naman siya at hindi na talaga ako sinulyapan pa. Humalukipkip ako at pinanood ang ginagawa niya. May bigla namang humila naman sa 'kin, kaya p'wersahan akong napatayo.

"Bakit?" lito kong tanong kay Ytang. "Bakit ka nanghihila—?" Bago pa ako makatapos sa pagsasalita ay tumakbo na siya, kaya nadamay na rin tuloy ako. Binigyan ko ng isang ngiti si Cy, at tumayo na rin ito at nakipag-usap sa iba niyang kakilala.

"Wrong timing mo," usal ko kay Ytang sabay pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Laking pasasalamat ko nga na hindi 'yung braso na may sugat 'yung nahila niya dahil talagang kawawa na 'ko kapag nagkataon. Nagsidatingan naman sina Lowelyn at Joyce.

Hindi ko pa makita-kita si Frency. Marahil ay naroon pa rin sa table nina Hershly.

"Ano'ng meron?" I asked, but I became silent as I saw an odd reaction in their faces. They looked sad and defeated. "Teka. Puntahan muna natin si Frency ro'n." Pilit akong gumawa ng ngiti.

"Wala na si Frency bukas," mahinang sabi ni Joyce. Bagaman hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya, alam ko pa ring malungkot din siya.

"Absent siya bukas?" hula ko. Pero base sa kanilang binibigay na ekspresyon ngayon, higit pa roon ang dahilan. "Naguguluhan na 'ko." Sari-saring ideya ang pumasok sa isipan ko, pero 'di pa rin ako makahanap ng tiyak na dahilan kung bakit sila ganito.

"Pupunta na siya sa New York bukas." Umiling si Ytang at humakbang ng isang beses. Paulit-ulit rin siyang bumuga ng hininga. Parang malapit na siyang maiyak. "Hindi pa sigurado kung bakasyon nga ba ang pupuntahan niya roon o..."

Awtomatiko akong napabuntong-hininga at tahimik na niyakap ang sarili. Wala akong masabi. Parang bomba ang mga narinig ko. 'Di ko matanggap. 'Di ako makapaniwala.

"Baka bakasyon lang naman, 'di ba?" I guessed uncertainly. "Nagkausap kayo?"

Doon lang ako napaayos ng tayo nang dumating na si Frency. Masaya itong nakangiti, pero bigla lang nalukot ang sariling noo nang mapasin ang mukha namin. "Ano'ng nangyari sa inyo?" Wala nang humor ang tawa niya.

"Hindi na pala ako makakapag-exam dito. Napaaga ang vacation," pagpapatuloy niya pa.

Napailing-iling ako. Naging tahimik naman ang paligid. Nagtitigan lang kami sa isa't isa na tila ba naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Lumapit si Frency sa 'kin at may kinuha mula sa bag niya. Nilahad niya ang isang liptint. Lito man ay tinanggap ko 'to. "Pansin kong mahilig ka sa mga dark lipstick. Pero 'yan, medyo light pink na. Try mo. Siguradong bagay 'yan sa 'yo." Nag-iwas siya ng tingin sa 'min.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now