Natigilan ako ng madaanan namin ang bilihan ng cotton candy. I try to stop myself for wanting it pero I really want to try. Ang huling kain ko nuon ay sobrang bata ko pa.

"Eroz, can we buy a cotton candy?" tanong ko sa kanya na may kasamang pagkuhit pa sa kanyang matigas na braso.

Kahit kung ano anong nakikiya ko ay hindi pa din makatakas sa paningin ko ang tingin ng ilan sa kanya. Gwapo ofcourse, pero kasi kalalabas lang namin ng simbahan pero yung face niya and aura para nanamang may sisigurin. I don't know.

"Bata ka pa ba?" masungit na tanong niya sa akin.

"Why? Bata lang ang pwede?" laban ko.

Tiningnan niya ako at inirapan. "Sinabi ko na sayo, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Masyado ka ng...spoiled"

Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Naiintindihan ko naman, pero cotton candy lang naman iyon. I can pay naman for myself. Libre ko pa siya.

Tahimik akong nagpahila sa kanya sa kung saan. Sobrang traffic sa labas ng simbahan and super daming tao. Sabay sabay din kasi ang labas ng mga cars from the parking lot then yung mga papasok naman ng simbahan to attend the next mass.

"Kumain na muna tayo bago umuwi" sabi niya sa akin ng lagpasan namin ang terminal ng tricycle.

Tumango ako. "Date?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Kakain" sagot niya ulit, mas matigas. Ayaw talaga pahuli at patalo. 

"Still a date" sabi ko pa rin. Bahala siya, it's true naman kaya. Hindi naman kami friends just to have a friendly date.

Siya na din ang nagsabi kanina na we're getting married soon. But napaisip din ako, paano kaya maging boyfriend si Eroz. How was it to feel being his girlfriend? Nakita ko nuon how sweet he is kay Tathi. He's soft din pag dating sa kanya. And always smiling. I want to experience that stage also.

Never pa akong naligawan. I want to experience the traditional panliligaw din. Like receieving flowers and chocolates from my suitor. Pupunta siya sa house para ipagpaalam ko kay Papa for a date tapos iuuwi niya ako sa house sa time na napagusapan nila ni Papa.

Tiningnan ko si Eroz. Napanguso na lang ako, hindi ko siya maimagine na gagawin ang lahat ng iyon sa akin. If ever man, bala hindi kayanin ng heart ko. Baka hindi ko din mapigilang tumili if ever, tili kagaya ng kay Yaya Esme everytime na may kissing scene sa pinapanuod niyang drama.

"May gusto kang kainan?" tanong niya.

Nilingon ko ang mga fastfood na nakapaligid sa amin. May Sta. Maria town center din na maraming kainan at mga botiques.

"Sa mura lang, kasi we're nagtitipid" sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya dahil sa narinig. What? I don't want to be called spoild again. I can adjust, I can always adjust.

Hindi ko kinaya ang titig niya sa akin maya naman bumaba ang tingin ko sa sahig, pero parang mas hindi ko kakayaning makita ang magkahawak naming mga kamay.

Sa huli ay nagtake out na lang kami sa KFC dahil puno ang halos lahat ng fastfood.  Karamihan sa mga iyon ay mga nagsimba din.

"Teka, bibili ako ng sampaguita" sabi niya bago kami tuluyang pumara ng tricycle.

"Flowers" sambit ko. Tumango lang siya at sandaling binitawan ang kamay ko para dumukot nanaman ng pera sa bulsa niya. Hawak kasi niya ang plastick ng pagkain namin sa kabilang kamay.

Ramdam ko biglang panlalamig ng aking kamay dahil sa kanyang pagbitaw. It's scary din if ever masanay ako. Baka hanap hanapin ko. But i'm hoping this will last. We will last...sana talaga.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon