"She's already done with her work. I'll fetch her now for a date."

"A date?" Nagtataka ko namang sabi sa kanya. Si Sir Damon naman ay lalong nangunot ang noo. Lalo syang magagalit sakin nito eh.

"Sir Ravanni pasensya na po kayo pero naka-over time po ako ngayon."

"I don't care. I'll take a responsibility for you." Sabi nito sa akin saka nya hinawakan ang braso ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at hihilahin na sana ako ni Sir Ravanni nang biglang humarang sa harapan ko si Sir Damon. Ano bang ginagawa nila? May problema ba sila sa akin? Talaga bang crush nila ako? Shemas naman! Di pa ako ready sa mga ganito.

"You will be the only one who will leave this office. She is my employee."

"Ganito mo ba tratuhin ang mga empleyado mo? Hindi na ako magtataka kung lilipat sa kompanya ko si Bella."

"Sir Ravann-"

"Umalis ka na."

"Aalis ako nang kasama si Bella so get out of our way Damon." Seryosong sabi ni Sir Ravanni. Bakit parang kilala nila ang isa't isa? At kung hindi ako nagkakamali ay mukhang mag-kaaway rin sila?

"Wala kang isasama dito. And don't give me your conditions inside my building. I am the boss here and you are just no one."

"I will take Bella whatever you say. Let's go Bella." Sabi sa akin ni Sir Ravanni at walang ano ano akong hinila pero halos mapasigaw ako sa gulat nang hawakan ni Sir Damon ang coat ko. Muntik na akong matumba dahil doon.

"I said she will not leave this building." Sabi nito kay Sir Ravanni habang mahigpit na nakahawak sa balikat ng coat ko.

"Bitawan mo sya." Tiim bagang na sabi ni Sir Ravanni.

"Ikaw ang bumitaw." Sagot naman ni Sir Damon pero malakas lang akong hinila ni Sir Ravanni papalapit sa kanya kaya nabitawan ako ni Sir Damon at napasubsob ako sa kanya. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong 'to?

"Masyado kang nabubulag ng itsura. Kaya ka nawawalan dahil sa ugali mo." Madiin na sabi ni Sir Ravanni. Bakit ba sila ganito sa isa't isa? At base sa mga sinasabi nila sa isa't isa ay mukhang may malalim silang pinaghuhugutan.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Galit na sabi ni Sir Damon saka nito hinawakan sa kwelyo si Sir Ravanni.

"Sir Damon tama na po!" Pigil ko sa kanya pero wala syang naririnig. Bakit parang galit na galit sya kay Sir Ravanni?

"I didn't know that you like angelic and innocent womans even you are such great kind of evil. Hindi ka ba nagsasawa sa mga anghel?" Nakangising sabi ni Sir Ravanni kaya hindi ko na napigilan si Sir Damon na suntukin sya.

"You don't know anything so don't act like you know everything about me. And don't you dare speak about her!" Galit na galit na sabi ni Sir Damon. Pinunasan lang ni Sir Ravanni ang gilid ng labi nya dahil nagkasugat pala 'yon dahil sa suntok ni Sir Damon.

"I have so many things about you that I'm sure you don't know. While it's still early,stop playing dumb Damon." Sabi ni Sir Ravanni bago ako tuluyang hinila palabas ng office na 'yon. Hindi na rin ako pinigilan ni Sir Damon at nakita ko lang ang madilim na titig nya sa aming dalawa ni Sir Ravanni. Sigurong lalo syang magagalit sa akin nito. Binawi ko ang kamay ko kay Sir Ravanni dahil hindi parin nya ito binibitawan.

"Hindi ako pwedeng sumama sayo Sir Ravanni." Sabi ko agad sa kanya habang nasa elevator parin kami.

"Are you scared of me because of what happened a while ago? Don't worry, I'm harmless." Seryosong sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"Si Sir Damon ang boss ko at hindi tama na umalis ako nang hindi nya ako pinapayagan."

"I told you that I will take the responsibility right? At kahit tanggalin ka pa nya ngayon ay bukas na bukas mabibigyan kita ng trabaho. Kung gusto mo pa ay doblehin ko ang sweldo mo sa kompanyang ito." Napabuntong hininga ako sa kanya. Ganito ba nila ituring ang mga tao sa paligid nila? Parepareho silang pinapainan ako ng malaking halaga ng pera. Pero hindi naman 'yon ang dahilan para sa akin. Hindi ko pwedeng talikuran si Sir Damon ng ganon na lang dahil tinanggap nya ako noong araw na nagmamakaawa ako para sa trabahong binigay nya sa akin ngayon.

"Gusto kong magpasalamat sa alok nyo Sir Ravanni pero hindi ko talaga 'yan matatanggap. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Damon."

"Utang na loob? You know what Bella? I just want to save you from the pain he might cause to you."

"Ano 'pong ibig nyong sabihin?"

"You are too naive and too innocent in this big world full of untrue people. Damon has so many secrets from his past that you don't want to know. Mabait ka at alam kong iba ka sa lahat nang babaeng nakilala ko noon, una pa lang na nakita kita doon sa restaurant katabi ni Damon at ayoko lang na masaktan ka nya."

"Hindi ko kayo maintindihan Sir Ravanni. Bakit ganito ang pakikitungo nyo sa akin? Hindi nyo naman ako lubos na kilala."

"You are Maria Bella Aguire Arkanghel and you are 27 years. Your blood type is A with a height of 5'6. You came from the Province of Batangas and you exactly live in the town of Calatagan. You finished your studies of Architecture at Colegio de Sto. Domingo de Silos. You have four siblings and your Dad left you since you were little. And you came here to Manila to work and help your family. You are staying in a small bed space near the rellocation area. You have your one friend here in Manila named Addison Marquez. Now tell me, is there anything I don't know yet?" Mahabang sabi nya sa akin at halos mapanganga ako sa sinabi nya.

"P-Paano mo nalaman ang lahat nang 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"I have so many ways Bella." Sabi nito sa akin saka nya ako ulit hinawakan sa braso at hinila palabas ng elevator. Wala nang tao doon sa ground floor dahil tapos na ang office hours. Tanging mga naglilinis na lang at mga guards ang nandito.

"Bakit nyo po ba gusto akong isama? May trabaho pa po ako." Pagpigil ko parin sa kanya. Hindi pwedeng sumama ako sa kanya dahil bukod sa magagalit si Sir Damon ay hindi ko sya ganon kakilala. Kabilin bilinan pa naman sa akin ni Addison na wag akong sasama sa kahit na sinong di ko kakilala.

"Bakit ba ang kulit mo? I won't salvage you okay? I will just treat you a dinner."

"Dinner? Sabi mo kanina date?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nahuhuli ko na sya. Kanina ang sabi nya ay date tapos ngayon ay magdidiner lang daw kami? Nagsisinungaling sya baka kung saan nya lang ako dalhin.

"If that's what you call it let's go." Sabi nito sa akin saka nya ako hinila ulit.

"Sandali ayoko! Baka bad ka!sabi ni Addison wag ako sasama sa di ko kilala." Pigil ko parin sa kanya. Nasa labas na kami ng building at papunta na kami sa parking lot.

"I'm Ravanni Onido and you can check my id later so you can be sure that I am not a kidnapper or a rapist." Sabi lang nito sa akin saka nya ako ulit hinila at this time wala na akong nagawa kundi sumama na lang sa kanya. Patay talaga ako nito kay Sir Damon.

Pagkasakay namin ng kotse nya ay hindi na sya umimik pa at tahimik na lang syang nagdrive. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse nya at mukha namang walang kahinahinala.

"Don't be so obvious Bella. Sinabi ko na sayong wala akong gagawing masama sayo." Natatawa na nyang sabi sa akin kaya nahihiya akong napaayos ng tayo sa kotse nya. Mukhang mamahalin rin ang kotse nya katulad ng kay Sir Damon.

"Where do you want to eat?" Rinig kong tanong nya sa akin.

"Wala akong alam dito sa Maynila. Kahit saan mo na lang gusto basta doon sa mura lang dahil wala akong pera." Nahihiyang sagot ko sa kanya kaya lalo syang natawa sa akin.

"You are really amazing Bella." Natatawang sabi nya sa akin lalo kaya mas napahiya ako sa kanya. Bakit ba ako nandito ngayon? Kanina lang ayoko sumama sa kanya ah?


















xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now