Agad akong nagtipa ulit.

Azariah Morales:
Alam mo naman pala, bakit pumunta ka pa?

Jadon Marcus Melgarijo:
I was going to apologize. 
Kahit na ang sungit mo.

Agad ulit akong napasimangot.

Azariah Morales:
Nagso-sorry ka ba o ano?!

Jadon Marcus Melgarijo:
Galit ka na naman hahaha

Azariah Morales:
Aware ka ba na ang sama ng ugali mo?

Jadon Marcus Melgarijo:
Oo.

Napangiwi ako at nagtipa ulit.

Azariah Morales:
Proud ka pa?!

Jadon Marcus Melgarijo:
God, I can hear you even through chat.
Nagtanong ka. Sinagot ko ang tanong mo.
Does that make you upset?

Napanguso ako at napa-isip sa reply n'ya. Totoo namang parating mainit ang ulo ko sa tuwing kausap s'ya. Nakakaramdam tuloy ako ng kaunting konsensya.

He sent a message again because I didn't reply right away.

Jadon Marcus Melgarijo:
Does that make you upset, Azariah?

Agad akong napa-ayos ng upo dahil parang narinig ko ang boses n'ya sa chat n'yang 'yon.

Azariah Morales:
Ano ba 'yung sasabihin mo?

Pag-iiba ko sa usapan.

Jadon Marcus Melgarijo:
Kausapin mo na si Adam.
I told you, I was going to apologize that's why I was there.
Pati no'ng birthday ni Adam, I was supposed to apologize but you were so mad.
Pa'no tayo magkaka-ayos kung parati mo 'kong binabara?

Wow. Talagang magi-initiate s'ya ng apology? Bigla? Bakit naman? Nakunsensya ba s'ya sa ginawa n'ya o pinagsabihan s'ya ni Adam? Parehas na hindi kapani-paniwala.

Azariah Morales:
Eh, 'di mag-sorry ka na ngayon.

Jadon Marcus Melgarijo:
Sa personal.
Ayaw mo ba ng genuine apology?

Personal? Magkikita kami? Napalunok ako at naisip kung pa'no nga kung gano'n ang mangyayari. Sa maka-ilang beses na nagkita kami, parati na lang galit ang bungad ko sa kan'ya.

But he's already approaching me. Nagi-initiate na s'ya ng pag-uusap.

Nakaka-ilang lang na kailangan ko pang makipagkita sa kan'ya. Pero totoo naman ang sinabi n'ya. Mas mararamdaman ko ang pagso-sorry n'ya kung sa personal.

Jadon Marcus Melgarijo:
Shy?

I can even see him smirking kahit na sa chat lang naman!

Pero nakakapag-taka naman kung bigla-bigla na lang s'yang magso-sorry. Hindi bagay sa mayabang na image n'ya sa isipan ko. I stared at his chats more, analyzing everything he said.

Baka naman talagang na-offend ko s'ya dahil sa narinig n'ya ang sinabi ko tungkol sa St. Agatha University? Bakit naman? Gano'n ba kahalaga sa kan'ya ang university n'ya? O baka dahil ang mommy n'ya ang chairwoman ng St. Agatha University?

Jadon Melgarijo is from a wealthy family. His father is known as a business tycoon and his mother, the chairwoman of one of the largest and famous schools in the country. Pero sa pagkaka-alam ko, hiwalay ang mga magulang n'ya--not annulled--but separated. It wasn't a huge issue dahil nagiging normal na ang gano'n sa ngayong panahon.

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon