Bully

0 0 0
                                    

"Ayan -- kasi naman ang agang lumandi," pang-aasar ko sa aking ka-klaseng high school pa lang ay nagka-anak na.

"Hahaha... Akala mo kung sinong matalino, maganda at mayaman, O -- ano ka ngayon, Ms. Valedictorian?" Kasunod na pangpipikon ng kaibigan kong si Jenny.

Sinabayan pa namin ng malakas at nakaka-iritang tawa.

Wala ng nagawa si Grace, ang schoolmate na binu-bully namin

Nakaka-inggit kasi ang babaeng 'yon noong grade school, nasa kanya na yata ang lahat.

Sa kasamaang palad nagka-boyfriend siya noong 2nd-year kami at doon ay nagpadala siya sa tukso. Nabuntis siya ng boyfriend niya at saka iniwan. Lumipat ang boyfriend niya sa ibang eskuwelahan.

Ang sarap mam-bully ng mga kina-i-ingitan dati para bang feeling ko "this is my turn to shine"

Isang araw may sumundo kay Jenny...

"Kuya!?" Gulat na gulat na nasabi ni Jenny ng makita kung sino ang bumaba sa kotse na sumundo sa kanya.

"Surprise!" Tuwang-tuwang wika nang lalaki sabay yakap sa kapatid.

"Kailan ka pa dumating?" nakangiting tanong ni Jenny.

"Kani-kanina lang. Ako na ang sumundo sayo, miss na miss ko na kasi ang baby ko." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ng bestfriend ko.

Ako naman ay tahimik na titig na titig sa dalawa.

"Ay! Kuya, siya nga ang bestfriend ko si Angelica." Pagpakilala ni Bess sa akin.

"Hi." Tipid na sagot ko habang nakatitig pa rin sa kuya niya.

"Nice to meet you, I'm Alfred." Sabi nang lalaki kasabay ng pagbibigay nang nakakatunaw na ngiti.

Napangiti na lang din ako. Tipid na tipid ang mga kilos at salita ko, parang ayaw kong magkamali -- baka ma-turn-off siya.

Mula noong araw na 'yon lagi na niyang sinusundo ang bestfriend ko. Hindi nagtagal napalapit na rin ang loob namin sa isa't isa. Nagbigayan kami ng number. Halos gabi -gabi ay magka-text kami. Hindi nagtagal natanggap ko rin ang message na matagal ko nang pinakahihintay.

"Can you be my girlfriend?" text niya

Wala nang paligoy-ligoy -- nagreply ako agad.
"Yes."

Mabilis ang mga pangyayari. Naging friends lang kami tapos wala ng ligawan.

Tuwing weekend ako mismo ang napunta sa bahay ng bestfriend ko. Kung noon ay para mag-bonding kami, ngayon ay para makasama ang kapatid niya.

Isang araw nang magpunta ako sa bahay nila. Wala raw sila Grace at mga mga gulang nila tanging si Alfred lang ang nasa bahay. At dahil may relas'yon,  magkatabi kaming nanood ng TV hanggang sa hindi ko namalayan -- gumagapang na pala ang kamay niya sa aking katawan. Nadala ako ng init -- may nangyari sa amin.

Makalipas ang dalawang-buwan lumabas ang resulta ng unang pagkakamali -- nabuntis ako.

Sasabihin ko na sana ang katotohanan sa boyfriend ko. Ngunit nalaman kong na bumalik na siya sa Amerika. Mula noon ay nawalan na kami ng kontak. Ang bestfriend ko na lang ang humingi ng pasens'ya. Magalit man ako ay wala rin akong magagawa.

Ang dating nambu-bully ay siya na ngayong binu-bully.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon