My Last Dance

0 0 0
                                    

"Wow! Nica next month debut mo na. I'm afraid, isang buwan na lang ang nalalabi. After that puwede ka nang ligawan." Malungkot na wika ni Daddy habang nag-uusap kami sa loob ng kuwarto ko.

Dinalhan niya ako ng breakfast nagkunwari kasi ako na masama ang pakiramdam. Nakakatamad kasing tumayo.

"Ano bang gusto mong regalo para sa debut mo?" tanong niya habang hawak-hawak ang baso ng tubig, upang ipainom sa 'kin.

"Wala naman po, Dad. Kahit naman po hindi bongga ay ayos lang." Pagpaparinig ko. Dahil ang totoo bonggang debut ang panggarap ko. Upang makasayaw sa last dance ang bestfriend ko.

"Asus, nagparinig pa. Kilala kita sa mga ganiyang pasaring mo. O, sige na. Male-late na ako sa office. Inumin mo iyang gamot mo after ng breakfast. Ipapakuha ko na lang kay Yaya mo ang tray." Walang tigil at dire-diretsong bilin ni Daddy.

Araw-araw ganoon para akong baby. Kaya ako na-spoiled nang sobra. Naghiwalay sila ni Mommy, dahil sa pagsama nito sa ibang lalaki. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy kaya lang ganoon talaga ang buhay.

Nang makita kong umalis na si Daddy, palihim kong itinapon ang gamot. Kinain ang breakfast at pagkatapos ay iniabot ko kay Yaya ang pinaglagyan nito. Kinuntsaba ko rin siya. Palihim akong tumakas, upang makasama ang barkada ko at siyempre ang crush kong bestfriend.

Pagdating ko sa tambayan...

"Ang tagal mo naman kanina pa kami rito." Bungad ni Jane kasama ang boyfriend niyang si Manny na kabilang din sa barkada namin.

"Oo nga. Mahirap bang takasan si Tito?" pang-aasar ni Kathlyn. Sinabayan pa ng simpleng pagngiti ng boyfriend niyang si Ginno.

"Tigilan n'yo na nga ang pagsesermon sa bestfriend ko. Sinipot naman tayo." Pagtatanggol ng one and only saviour ko na si Janno. Kahit kailan hindi niya ako pinabayaan.

"Sorry na." Sagot ko habang simpleng pangiti-ngiti sa bestfriend ko.

Dahil doon hindi ko napansin...
"Oh!"

"Aray!" sigaw ko pagkatapos ihagis sa 'kin ni Jane ang isang raketa.

"Ay! So-sorry. Akala ko nakita mo." Palusot niya. Alam kong sinadya niya iyon, upang matinag ako sa pagsulyap-suyap ko kay Janno.

"Tama na 'yan! Laro na tayo." Yaya ni Manny na parang kating-kati na sa paglalaro ng badminton.

Sa tambayan namin ay gumawa kami ng private court para sa mga sports na hilig naming laruin katulad ng volleyball, badminton at basketball. Balak ng barkada na mag-hiking, biking at camping, ngunit hindi matuloy-tuloy ng dahil sa 'kin. Bagay na labis na ikinalulungkot ko. Sinabihan ko naman sila na gawin iyon kahit wala ako. Pero ayaw nila. Mahirap nga namang mang-iwan ng isa, habang nag-e-enjoy ang lahat. Ang strict kasi ni Daddy. Pero naiintindihan ko naman siya. Alam ko naman na para sa kaligtasan ko ang mga paghihigpit niya.

"Sige, kayo muna. Tinatamad pa ako." Pagtanggi ko.

"Heto Jane, salo!" Pagbabalik ko ng raketa sa kaniya.

Naunang naglaro ang magkakapares kong mga kaibigan. Nagpaiwan din sa personal hand-made bench si Janno.

"Best, may problema ka ba?" Tanong niya na parang nahahabag sa lungkot ko.
Hindi ko naman magawang magsinungaling sa kaniya. Lahat ay sinasabi ko.
"Kasi best, debut ko na next month. Kaya lang hindi ko alam kung sinong magiging last dance ko. Ang gusto ko kasi, iyong taong may tatak sa puso ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagsimula na akong magdasal sa pamamagitan ng isip ko. "Sabihin mo, ako na lang, please... please..."

"I will find a date for you!" nagulat ako nang sabihin niya iyon.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon