CHEATer CHAter

0 0 0
                                    

"Tok... tok... tok... tok..." Makulit na wika, noong taong nasa likod ng pintuan ng aking maliit na apartment.

"Wait lang Lary!" Sigaw ko, habang isinasara ang laptop na katatapos ko lang ding gamitin.

Si Lary talaga, hindi marunong kumatok. Salita ang ginagamit niya, upang pagbuksan ko siya ng pinto. Kababata ko siya at bestfriend mula pa noong nasa probinsya kami. Lumipat kami rito sa Manila, para mag-aral.

"Tok... tok..." Pangungulit pa niya.

"Haist... talaga naman, oo! Sinabi nang sandali lang." Bulong ko sa aking sarili.

Nagsuklay ako nang mabilis at tiningnan ang itsura sa salamin. Pagkatapos ay pinagbuksan ko na siya ng pinto.

Tulad ng dati niyang ginagawa pumasok siya agad sa kuwarto, at humiga sa kama na parang pagod na pagod.

Napahalukipkip ako.
"Ano na naman bang nangyari? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?"

"Wala naman, si Almy kasi parang nakakahalata na." Malungkot na wika niya.

Umupo ako sa kama, sa gilid kung saan siya nakahiga.
"Hmmn... Mahal mo pa ba siya?"

Kumabog ang dibdib ko, natatakot ako sa magiging sagot niya. Gusto ko kasing sabihin niya na hindi na.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon siya at tumabi sa akin. Napatingin siya sa iisang direksyon lang. Naramdaman ko sa bawat kilos niya ang lungkot.

"Haist... S-siguro, kasi ayaw kong mawala siya. Pero ang tanong bakit nagagawa ko siyang pagtaksilan?"

Litong-litong ang bestfriend ko. Hindi ko rin alam kung anong maipapayo ko sa kaniya. Naaawa ako sa girlfriend niya, dahil sa ginagawa ng bestfriend ko.

Rakista kasi si Lary, isa siyang napakagaling na lead singer ng banda. At napakahusay niya sa paggigitara.

"Siya nga pala, bakit ang tagal bago mo ako napagbuksan ng pinto?" Tanong ni Lary, habang nakasalubong ang dalawang kilay.

Hindi ko alam kung anong idadahilan ko. "A-Ano kasi..."

Napailing-iling siya.
"Tsss... Don't tell me nag-chat ka na naman doon sa ka-fling mo sa messenger?"

Napatungo ako. Tama kasi siya, nag-chat ako sa lalaking nakilala ko sa facebook. Ang cute-cute kasi niya. Nakita ko 'yong account niya sa facebook noong classmate ko. Kaya naman gumawa ako nang bagong account. Binago ko ang picture ko. Nagpanggap akong mayaman at susyal na babae.

Napabuntong-hininga siya.
"Hay... naku, kailan mo ba titigilan 'yan? Be yourself 'yon lang naman ang secret, para magustuhan ka ng lalaki."

"P--pero! Ayoko sa lalaking 'yon, okay?" Pagkontra niya sa kaniyang payo.

"Hmmp... Nagsalita ang totoo sa sarili, ikaw nga niloloko mo si Almy."

Nang mabanggit ko na naman ang pangalan na 'yon. Napakagat-labi siya at napahugot nang malalim na hangin sa kaniyang dibdib. Nagsisi ako, dahil naibalik ko na naman ang issue niya at ng kaniyang girlfriend. Malaki talaga ang concern ko pagdating sa kaibigan ko, ayokong nasasaktan siya. Ayokong naguguluhan siya. Ayokong nalulungkot siya. Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

"Tsk! sige na, I only checked kung okay ka. Pupunta na ako sa bar."

I gave him a friendly kiss.
"Ingat."

Pagkalipas nang limang-minuto ay tiningnan kong muli ang messenger ko, umaasang nag-reply na si Rry, ang lalaking ka-fling ko. Nabuksan niya ang messenger, ngunit tulad nang dati nag-seen lang siya.

One Shot CollectionsWhere stories live. Discover now