Power of Trust

1 0 0
                                    

Tulog na tulog pa ang mga Power Rangers sa Greece ng biglang nag-alarm ang clock, hudyat na may nangyayaring masama sa bansa. Unang nagising si Athena na may hawak pang libro, nakatulugan na niya ang pagbabasa.

“ Zues, Aphrodite, Poseidon, Apollo , gising! Umuulan ng wine sa labas.”

Bumangon si Aphrodite at agad kinuha ang salamin upang tingnan kung may muta ang kanyang dalawang mata. Sumunod na rin Zues at Poseidon. Nakita ni Athena na hindi man lang natitinag si Apollo sa kanyang pagkakahiga. Parang walang narinig. Nilapitan niya ito at nakitang may headset palang nasaksak sa tainga. Tinapik niya nang malakas ang tamad na si Apollo.

“Ano ba! Natutulog ang tao, e…”

Hindi na pinatapos ni Athena ang sinasabi ni Apollo, kinaladkad niya ito sa harapan ng malaking salamin kung saan nakikita ang mga nangyayari sa labas.

“Ayan! Nagbabagsakan na ang mga building! Gusto mo pa bang matulog?” Naiinis na tanong ni Athena.

“Siguradong si Dionysus na naman ang may kagagawan nito!” Galit ni sabi ni Zues.

Paalis na sana ang apat na ranger ng makitang naglilipstick pa si Aphrodite.

“Ano ba Aphrodite! Mamaya na 'yan. Maganda ka na sa paningin ko.” Wika ni Apollo sabay kindat sa kikay na ranger.

“Hindi ba natin hihintayin ang hudyat ni Professor Aris?” Tanong ni Aphrodite.

“Hindi na halina kayo.” Pagyaya muli ni Athena.

Paglabas nila sa laboratory, nakita nila kung gaano kalakas ang pag-ulan ng nakalalason na wine. Maraming building na ang nawasak. Nahimatay ang mga tao sa labas ng dahil sa baho ng wine. Mabuti na lang at nakontra ni Zues ang amoy nito sa pamamagitan ng kanyang power of rain. Ilang minuto silang naghintay ngunit walang lumalabas na kalaban.

“Bakit walang nalabas na kalaban?” Nagtatakang tanong ni Apollo.

“Nagkakamali ka. Ito na mismo ang kalaban. Ang nakalalasong pag-ulan ng wine.” Sagot ni Zues.

“Anong gagawin natin?” Tanong ni Aphrodite.

“Hindi ko alam.” Sagot ni Zues.

Tumingin ang apat na ranger kay Athena.
“Ang buong lakas natin at kapangyarihan, 'yon ang makakapagpatigil sa pag-ulan.” Sabi ng matalinong ranger.
“Gawin na natin!” Dagdag pa niya.

“Zues, Red Ranger, power of rain.”
“Poseidon, Blue Ranger, power of the sea.”
“Athena, Yellow Ranger, power of intelligence.”
Aphrodite, Pink Ranger, power of beauty.”
Apollo, Black Ranger, power of music.”

Nag-iba ang kanilang mga anyo, ayon sa mga kulay na kanilang binigkas. Pinagsama-sama ng apat na ranger ang kanilang kapangyarihan at inihalo sa kapangyarihan ni Zues. Lumakas ang enerhiyang taglay ni Power Ranger Red. Kinontra niya ang pag-ulan ng alak sa pamamagitan ng latin words na ang kahulugan ay – “sky peace be with you.”

Tumigil ang pag-ulan ng alak.

****
Pagbalik ng mga rangers sa laboratory, nadatnan nila si Professor Aris na gumagawa ng isang experiment.

“And’yan na pala kayo, magaling ang ginawa n’yo, napaka-talino mo talaga Athena.” Papuri ni Proffessor Aris.

“Ano pong kemikal 'yan?” Curious na tanong ni Poseidon, sabay turo sa bagong imbens’yon ni Professor Aris.

“Ito? Makatutulong ito sa mga powers n’yo.” Sagot ni Professor.

“Talaga po? Ibig sabihin dadami pa ang mga musika na malilikha ko?”Patanong na pagkumpirma ni Apollo.

“Kung ganoon pala mas hahalimuyak ang mga bulaklak na ilalabas ng powers ko at mas tatalino pa si Athena.” Nakangiting pagsingit sa usapan ni Aphrodite.

“Ganoon na nga.” Paglilinaw ni Professor Aris.

Hindi nagtagal ay natapos din ang imbens’yon. Excited ang mga rangers na ipasalin ang kemikal sa kanilang mga shield. Kaya’t ipinagawa nila ito kahit wala pa si Zues. Naramdaman ng mga rangers ang paglakas ng kanilang kapangyarihan. Maliban kay Poseidon na nakaramdam ng kakaiba sa katawan.

“Anong nangyayari sa 'yo?” Concern na tanong ni Apollo.

“Hindi ko alam, pakiramdam ko, nag-iba ang kulay ng tubig sa aking katawan.” Sagot ni Poseidon.

“Kung ganoon, pumunta ka sa dagat. Kausapin ang tubig.” Suhesiyon ni Athena.

Sinunood ni Poseidon ang sinabi ni Athena. Nagpunta siya sa dagat, at doo'y nakita niya si Zues.

“Zues, anong ginagawa mo rito? Tapos ng lagyan ng kemikal ang mga shield namin.” Pagsasaad ni Posiedon.

“Ano? Bakit nagpalagay kayo agad ng wala ako. Tinawag ako kanina ng hangin at dinala ako sa lugar na ito. Nang ipikit ko ang aking mga mata, nakita ko ang kemikal na ginagawa ni Professor Aris. Isa itong pangontra sa ating mga kapangyarihan.” Paglilinaw ni Zues.

Kinausap ni Zues ang kalangitan. Nagpadagdag siya ng kapangyarihan. Sinubukang alisin ni Poseidon ang maitim na kemikal sa kanyang katawan sa tulong ng karagatan.

****
“Magaling Aris, ngayon magiging atin na ang mundo.” Tuwang-tuwang sabi ni Dionysus nang makaratating si Aris sa kanilang maitim na mundo.

“Huwag ka munang magsaya, hindi ko nalagyan ng kemikal ang shield ni Zues, excited ang mga rangers na madagdagan ang kanilang lakas, kaya’t napilit nila akong isalin agad ang kemikal, patawad, Master.” Paghingi ng paumanhin ni Aris kasabay ng pagluhod.

“Waah…Hindi na bali, isang ranger lang naman ang hindi nalagyan.

Pagkatapos ay nagpaulan na muli ng alak si Dionysus. Labis kanyang paghalakhak.

Nang magring muli ang alarm-clock. Naghanda agad ang tatlong rangers na excited gamitin ang kanilang bagong lakas.“Athena, paano 'to, wala si Zues at Poseidon, kailangan natin ng tubig na mapagsasalinan ng ating mga kapangyarihan.” Tanong ni Apollo.

“Subukan nating ihalo sa musika, baka sakaling makontra nito ang pinanggagalingan ng ulan.” Sagot ni Athena.

Kasabay nang paglitaw ng dalawang kalaban.
“Magaling…magaling…matalino ka nga!”

“Traydor ka Professor!” Nasambit ni Aphrodite.

“Huli na ang lahat!” Sabi ni Dionysus habang humalakhak.

“Hindi pa!” Sigaw ni Zues na nasa likuran ng dalawang kalaban.

“Rangers! Ilabas n’yo ang mga shields at kokontrahin ko ang kemikal gamit ang  power of water.” Utos ni Poseidon.

Ginawa ng tatlong rangers ang sinabi ni Poseidon. Pagkatapos kontrahin ang kemikal.

“Tapos na kayo ngayon! Rangers Ready!”
“Zues, Red Ranger, power of rain.”
“Poseidon, Blue Ranger, power of the sea.”
“Athena, Yellow Ranger, power of intelligence.”
Aphrodite, Pink Ranger, power of beauty.”
Apollo, Black Ranger, power of music.”

Isinalin nila muli ang lahat ng mga kapangyarihan sa power of rain….

“Thunder…storm!” Sigaw ni Zues!

At doon natalo ang dalawang kalaban.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon