Batang Ina

0 0 0
                                    

"Bigyan natin sila nang masigabong palakpakan,"
sabi nang mc pagkatapos magsayaw ang isang grupo ng mga kabataan sa Simbahan ng Diyos kay Hesu Kristo, na ginanap sa isang resort sa Brgy. Pook, Pila, Laguna, ang Bilog na Bato.

"Hahaha... nakakapagod! Naku! Alam n'yo ba muntik na akong magkamali," ani ni Jen habang umaarte na pagod na pagod.

"E, paano kasi hindi ka masyadong napunta sa rehersal," sagot ni Patricia sabay ang pag-ikot ng mga mata. Na naging dahilan, upang mapalingon siya sa isang parte ng resort, kung saan may nakita siyang lalaki na halos hindi maalis ang titig sa kaniya.

Mayamaya...

"Sa wakas! Kainan na!" Biro ni Anjie... "Pssst! Tara na Patricia baka maubusan ka," dagdag pa nito.

"O-oo nandiyan na," tugon ni Patricia habang nagdadalawang isip na tumabi sa kaniyang kaibigan. Naiilang siya dahil halos makakatabi niya rin ang lalaking kanina pa tingin nang tingin sa kaniya. Pero wala naman siyang nagawa, hindi na lang siya nagpahalata.

Pagkatapos ng kainan nagulat na lang siya nang bigla itong lumapit sa kaniya.

"Hi, ang galing mong sumayaw kanina, puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong noong lalaki.

Hindi na naitago ni Patricia ang pamumula, at nakakabinge na rin ang pintig ng kaniyang puso. Sinabi niya ang kaniyang pangalan. Ang akala niya ay matatapos na roon ang lahat, ngunit hindi pa pala. Hiningi nang lalaki na nagngangalang Eman ang number niya. Hindi naman niya napigil ang kaniyang sarili, ibinigay niya ang kaniyang numero.

Noong gabi ring iyon, nag-text agad si Eman, "Nasa bahay ka na ba?"

Isang mensahe na nagbigay ng kilig kay Patricia. Halos hindi na siya nakatulog noong gabing iyon. Kinaumagahan, text pa rin ni Eman ang una niyang natanggap.
"Good morning," pambungad na bati nito sa kaniyang mensahe.

Sa tuwing may activity sa church ay sumasama si Eman, upang makita si Patricia. Nanligaw ito at nakamit naman ang matamis na 'Oo' nang dalaga pagkatapos ng isang buwan at kalahati.

Naging masaya at puno ng pagmamahalan ang relasyon ng dalawa, hanggang sa humantong ito sa isang gabi ng pagkakamali.

"Tama ba 'tong ginawa natin? Natatakot ako." Tanong ni Patricia habang nangingid ang kaniyang luha.

"Walang mali, Pat. Nagmamahalan tayo, kung anuman ang maging bunga ng ginawa natin, handa kitang panagutan."

Napangiti si Patricia pero napaisip din, "Pe-pero wala pa ako sa tamang edad, hindi ko pa kaya ang mga responsibilidad. Isa pa natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga magulang natin."

Napansin niya na parang nag-iba ang reaksyon ni Eman, animo'y natauhan at parang gustong bawiin ang mga unang nasabi.

Makalipas ang dalawang buwan nakita na nila ang naging resulta ng kanilang kapusukan. At hindi sila nagkamali, nabuntis si Patricia. Hindi naman siya pinabayaan ni Eman. Nagsama sila at doon muna nakitira sa bahay na tinitirahan ni Patricia.

Isang araw, tumawag ang mama ni Eman, pinauwi siya sa Pampangga kasama si Patricia, upang makilala ang dalaga. Naging maayos ang unang apat na araw ni Patricia sa piling ng pamilya ni Eman.

Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan na nilang umuwi. Ngunit ang dating masaya at puno ng pagmamahalan ay humantong sa laging pagpapaway at pagtatalo.

Isang araw, nagyaya na si Eman na tumira sila sa Calaun Laguna, upang doon ipagpatuloy ang kanilang pagsasama. Akala ni Patricia ay magiging maayos na muli sila, ngunit kabaliktaran ang nangyari, dahil lalo pang lumala ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa.

One Shot CollectionsWhere stories live. Discover now