Day 2

1 1 0
                                    

Day 2- Eventually Leave

*unedited because I wrote this around 11 almost 12 in the evening after I've done answering a part of my Calculus Test. Hope you understand🙆


---

Five palang ng umaga ay nagvolounteer na agad akong magluto. Dimamihan ko ng kanin para sa extrang taong nasa taas. Hindi ko alam kung natutulog pa ba siya pero importante para sa kanyang kumain agad.

Nang matapos akong magluto, kumain muna ako ng madalian bago naghanda ng ipapakain ni Seven at ng aso namin.

Pagkatapos ko sa Aso ay si Seven ahad ang pinuntahan ko. Nahirapan na naman akong umakyat pero keri naman.

"Huy, gising na Seven" marahan kong tinapik ang ulo niya at doon siya nagmulat. Hindi pa ayos ang mga sugat niya pero may good reviews kaya 'yung ginamit kong gamot laya baka magiging okay na 'yan after ng nga ilang araw.

"M-morning" he greeted me, his eyelids hafly open. Tinulungan ko siyang bumangon para malagyan ng karagdagang unan ang kanyang higaan. Kinuha ko rin ang extrang kumot at unan namin ng kapatid ko kagabi para mahimbing ang tulog niya.

"Susubuan kita ulit ha?" tumango siya sa sinabi ko at sinimulan ko na siyang subuan.

"Masarap?" Hindi ako marunong magtimpla ng pagkain. Minsan maraming asin o 'di kaya ay kulang. Malunggay na may kalabasa at pritong isda ang linuto ko.

Ilang minuto bago siya nakasagot at tumingin sa'kin. He smiled, "masarap"

Gusto kong magpafiesta sa sinabi niya. Siya lang ang taong nagsabi na masarap ang luto ko. Kaso naalala ko, wala kong pera para sa pista.

"Talaga?sige, ubusin mo to"

Kaya subo lang ako ng subo sa kanya. Kain lang naman siya ng kain.

Bumaba ako para iligpit ang kanyang pinagkainan at umakyat muli para ayusin na naman ang sugat niya.

"So Seven, bakit ka napadpad dito?" Tanong ko habang linilinis ang sugat niya. Malalim ang sugat pero kaya namang gamutin.

"L-let's just say that...I'm new here" pero hindi doon natatapos ang curiosity ko.

"And?Bakit may sugat ka?" Tanong ko pa habang may naniningkit na mata.

"Uhmm...f-fight?" Parang siyang boyfriend na malapit ng malaman ng jowa niya na may gingawang kababalaghan.

"At dito ka pa talaga dumeretso. E kung sa Police Station kaya?" Sumimangot siya. "Ang layo ng Police Station dito, anong gusto mo, maglakad akong may saksak papunta don?" Sarcastico niyang sabi.

Marunong din naman palang magtagalog may nalalaman pang english2

"Pwede kaya" inikutan ko siya ng mata bago diniinan ang sugat niya.

"A-aray! Don't take advantage of my weakness!"

I rolled my eyes again, "pasarcastic-sarcastic ka pa e ikaw na nga 'yung tinulungan. Akala ko mabait ka"

Isang malaking akala.

"Mabait naman ako" he said na may nakakalokong ngisi.

What the?Diba dapat sobrang weak niya ngayon dahil may sugat siya? Ibang klase.

Iniwan ko siya doon matapos ipasout sakanya 'yung oversized shirt ko na binili ko online.

"Ate! San ka pumunta?" Tanong ng kapatid ko na nagba-bike. Si Kheb.

"Nagpakain ng aso" sagot ko bago pumasok sa kuwarto ko. Kinuha ko 'yung oversized hoodie's ko. Ito nalang muna ipapasout ko sakanya.

Pumasok ako ng school ng maaga. Normal lang naman ang klase pero sobrang bagal ng oras. Nakalimutan kong bilinan ng pagkain si Seven kaya alam kung gutom na iyon ngayon.

Kaya pagkauwian, bumili ako ng madaming isaw sa tindahan ni Ahron, kaklase ng pinsan ko na kaibigan rin namin.

"Libre mo na 'yan samin?" Tanong ni Wels, and again, classmate ng pinsan ko na kaibigan din namin.

"Uhmm, hindi e. Bukas nalang sa inyo" sumimangot sila. Alam ko, ako na pinaka paasa na tao sa mundo.

Pero, nakonsensya ako kaya binigyan ko sila nang tig-iisa.

Sorry guys, may mas nagkakailangan nito e.

"Para!"

Nagmadali ako pauwi ng bahay na halos kaladkarin ko na ang kapatid kong babae. Si Shing.

Para hindi mapagsuspetsyahan ni Mama na may bibigyan ako, I isinet-aside ko 'yung labinlimang sticks ng isaw at 'yung natitirang labindalawa ay para kay seven. Oo na at ginastos ko na pera ko para doon sa sugatan.

Nagdala rin ako ng kanin para ipares at tubig para maibsan ang uhaw.

Nadatnan ko na naman siyang tulog. Siguro itinulog na lamang niya ang gutom. Kawawang Seven.

"Huy, kainin na" yinugyog ko siya sa ulo kaya gumising siya, nakasimangot.

"Where have you been?Wala akong lunch" para siyang spoiled brat.

"Akala ko nga talaga mabait ka!" Singhal ko ulit sa kanya. Pangalawa ko na to pero argh grabe talaga ang epekto ng maling akala.

"Akala ko nga rin e" he retorted.

No choice ulit ako at sinubuan ko muli siya.

"What's this food?It's yummy" halos ibato ko na sa boung pagmumukha niya iyong kinakain niya.

Seriously, isaw at wala siyang alam?! Sa bagay, mga rich kid nga naman.

"It's called Isaw" hindi ko na sasabihin sakanya na bituka to ng manok, baks isuka lang niya lahat.

Ng matapos siyang kumain ay bumaba ako upang magbihis at hugasan ang kanyang pinagkainan.

Wala akong assignments para ngayon kaya umakyat ako sa taas upang hindi maging lonely doon si Pito.

"Hoy Seven, ba't nganga ka riyan?" Tanong ko at umupo sa gilid niya. Nakatanaw siya sa open na pintuan ng aming mini attic( na ako mismo ang nag tawag)

"Kumikirot sugat ko" reklamo niya. Mahina ko siyang hinampas sa ulo.

"Ouch! You want me to get amnesia?!" He yelled, pero mahina lang para ako lang ang makarinig.

"Natural na kumikirot 'yan kasi gumagaling, at anong amnesia ka diyan?Parang ganon lang amnesia agad? Ang OA mo" sabi ko bago pumasok sa loob.

Kinuha ko ang art materials ko bago ulit lumabas. May maliit na parang porch doon na sa ilalim ay ang isang part ng sala namin na lalagyan ng pictures.

Sinimulan kong iguhit ang bahay ng kapitbahay namin sa harap. Medyo malayo siya pero keri naman. Wala, trip ko lang.

"You're drawing, their house?" Seven asked. Nasa gilid ko lang siya, inabante ko pa kanina upang makafeel siya ng fresh air.

"Bakit?Anong problema doon?" Tanong ko pero umiling lang siya. Ang sarap hampasin 'yung ngisi niya. Parang kung sinong walang sugat.

"Hey AZ, why is their a name engraved by a ballpen in the back of your palm?" He asked. Napatingin naman ako doon at namula.

"W-wala" sagot ko.

Alam mo 'yubng wala kang magawa tapos isinusulat mo nalang 'yung pangalan ni crush sa kamay mo? 'Yan 'yung ginawa ko e.

Dali-dali kong pinunasan ang mga letra gamit ang laway ko.

"Yuck" Seven muttered. Ang arte niya, share ko lang.

"'Wag mo akong i-yuckyuck diyan" U rolled my eyes at muling nagguhit.

"Hey, can I borrow your pad and pencil?" He asked kaya absentmindedly kong ibinigay sakanya 'yong akin.

Tumunganga ako ng ilang minuto at nagising sa daydreaming ko ng tapikin niya ako.

"Here" he handed me the Sketchpad and Pencil.

"Don't open that sketchpad until I leave" he said those words that gave me an undescribable feeling.

Oo nga, he'll soon eventually leave.

SevenWhere stories live. Discover now