"Ayaw mo ba akong makita?" nagtatampong tanong niya.

Napahinto ito sa paghaplos sa pisngi niya at bigla siyang tinitigan. Hindi siya umiwas. Gustong gusto niya kung paano siya titigan ni Sir Levi—malalim at puno ng emosyon.

"Gusto ko," sagot nito. "Syempre, gusto ko. Ano na naman ba 'yang iniisip mo, hmm?"

Napangiti siya. Isa iyon sa mga nagustuhan niya sa kanyang Sir Levi. Kayang-kaya siya nitong pakalmahin sa lambing lang ng pananalita nito.

Bigla niya namang naalala 'yong dala niyang carrot cupcakes. Nilabas na niya mula sa likod niya. "Para sa 'yo pala 'to, sir."

"What's this?" Kunot-noo nitong tinanggap ang kahon. "Dalawang linggo pa bago ang Pasko pero may regalo ka na agad sa'kin?"

Natawa siya nang mahina. "Carrot cupcakes 'yan."

"Hmm. Para sa 'kin ba talaga 'to? O baon mo dapat 'to?"

"Hindi, para sa'yo talaga 'yan," she lied. "Masarap 'yan. Homemade."

"Talaga? Ikaw ba gumawa?"

"Hindi, ang mama ko. Pero tumulong ako, ha." Proud pa talaga siya.

Napangiti na lang tuloy si Sir Levi.

Gustong-gusto niya rin kapag ngumingiti ito sa kanya. Mas lalo itong gumagwapo. Bihira niyang makita si Sir Levi na ngumingiti. Palagi kasi itong seryoso, lalo na kapag nagtuturo sa klase at kapag pinaliligiran ng ibang mga estudyante sa campus.

"At ano namang itinulong mo?" sumunod na tanong nito sa kanya. "Mas gusto ko kung ikaw lang talaga ang gumawa, Ms. Perez."

Napasimangot siya. Hindi dahil sa parang hindi nito nagustuhang tumulong lang siya sa paggawa ng mga cupcakes, kung 'di sa pangalang itinawag nito sa kanya.

"Don't call me Ms. Perez," tampo niya kunwari. "'Di ba first name basis tayo after 5PM?"

Ngumisi naman ito sabay ipit ng buhok niya sa likod ng tainga niya. "I know. But we're still in the campus. And that means I'm your Chemistry teacher and you're still my student."

"You mean your favorite student?" In-emphasize niya pa talaga 'yong 'favorite'.

Muli itong napangiti. "Okay then. My favorite student." Binaba ulit nito ang tingin sa hawak na kahon. "Mukhang masarap nga 'tong cupcakes. Kainin natin bago ka magpasundo sa kuya mo. Okay ba 'yon?"

Kumunot ang noo niya. "Magpapasundo kay Jerome? Ayoko. Ang gusto ko, ihatid mo ako sa bahay."

Napa-buntong hininga ito. "You know I can't, Leila."

"Pero gusto ko. Wala naman sina mama at papa sa bahay, hindi sila uuwi ngayon dahil may business trip na naman sila. Hindi rin ako masusundo ni Jerome dahil may klase siya hanggang mamayang 9PM."

"Where's your driver then?"

"Tinaguan ko kanina. Siguro umuwi na 'yon ngayon."

"What?" Tumapang ang mga mata nito. "Leila, why did you do that? Hindi ka dapat nagtago. Paano kapag nagsumbong 'yon sa parents mo? Lalo na sa kuya mo?"

"Ako na'ng bahala. Malulusutan ko naman sila, e. Ayokong umuwi kasama 'yong driver na 'yon. Gusto ko ikaw ang kasama ko. Ayaw mo ba?"

Saglit itong napapikit nang mariin, tapos napahilot sa gilid ng noo na para bang hirap na hirap tumanggi.

"Gusto ko," sagot nito pagkatapos.  "Alam mo namang gusto ko. Pero wag mong gagawin 'yon.  Nag-iingat nga tayo para hindi sila makahalata. Ayokong mapahamak tayo, lalo ka na. Naiintindihan mo ba 'yon?"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon