PROLOGUE

4.8K 70 4
                                    

"Welcome back, Ma'am!"


I smiled at the employees that greeted me while I'm on my way to my office. After a week here in the philippines I decided to go back to the company. Alam kong mahirap para kay Axton na I-manage ang company namin at company nila. Although, katulong naman niya si Hanson. 


"Sherly," I called Sherly, my secretary.


I saw how her eyes widened when she saw me. Well, expected ko naman na 'yon dahil hindi ako nagsabi na uuwi na ako. I wanted it to be a surprise.


"Ma'am!" Napatayo agad siya at hindi makapaniwalang nandito na ako.


Ngumiti lang ako at yinakap siya. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko, pero niyakap niya 'rin ako pabalik. I missed these people so much. Ang tagal ko ring nawala.


"I missed you, Sherly." Sherly has been my secretary for years and kahit wala ako dito sa Pilipinas ay siya 'din ang naging katulong ni Axton. Kaya sobrang na-miss ko siya. She served me for years and she's my first ever secretary.


"Namiss 'din kita, Ma'am! Dapat sinabi niyo po nakauwi na kayo para nasundo ko kayo sa airport!" Natawa naman ako sa sinabi niya.


She has always been so responsible. I liked that in her. 


"How was your first day?"


Napatingin ako kay Axton nang sunduin niya ako dito sa company.Nagpahatid lang kasi ako dito sa company kaya hindi ko dala ang kotse ko. 


"Tiring," I chuckled and sat on the shotgun seat. Hindi na kasi ako sanay sa ganito. Sa pagtr-trabaho.


"Nasanay ka kasi na walang ginagawa," he laughed.


Ang kapal!


"How was it..working with him?" I asked softly. Bumilis ang tibok ng puso ko nang aalala nanaman siya.


He raised a brow. "Now you want to know," he teased.


"Just answer!"


"He's.. very hands-on," he said and looked at me for a second. "And serious."


Serious?


"I think.. he's with Chescka," dahan dahan niyang sabi. "I always see them together, did you know that?"


Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ang sinabi niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at bumigat bigla ang pakiramdam ko. 


So.. sila pa pala.. Wow..


Hindi na lang ako nagsalita at napansin naman niya na ayaw ko na silang pag usapan.


"Thank you, Axton.." I said when we arrived at our house.


Pumasok na ako ng bahay at dumiretso agad ng kwarto, hindi ko alam kung bakit nawalan ako sa mood bigla.


Hindi ako makatulog nung gabing iyon kaya kinabukasan ay nagmamadali akong magbihis dahil late na ako nagising. Hindi man lang ako ginising ni Mommy! Nagsuot na lang ako ng white pantsuit at black heels. Nag messy bun na lang 'din ako at light make up.


"Oh! Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Mommy ng makitang papalabas na ako ng pintuan.


Umiling ako at yumakap sakanya. "Dadaan na lang ako sa coffee shop, Mom. I'm late."


Dumaan muna ako sa coffee shop saglit bago pumunta ng office. Tumatakbo na ako dahil late na ako sa meeting namin. Paniguradong lagot ako kay Axton nito!


"Ma'am! Nagsisimula na po sila," natatarantang sabi ni Sherly.


Kinakabang pumasok ako sa room kung saan sila nag mi-meeting. Agad silang nagsilingunan ng bumukas ang pinto.


Una kong nakita si Axton na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. Napalunok ako.


"I'm sorry, I'm late," I said and walked towards to my seat.


Pagkaupo ko ay nabaling ang tingin ko sa harapan.


And after five damn years,


His brown eyes met mine, again.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz