01

5 2 0
                                    

Day 1- My Name is Seven

Kinikisamehan na ang bahay namin. Plywood amg ginamit nila Papa para daw matibay. Linagyan ng kahoy bilang suporta.

Ayaw nila Mama na gawin itong attic, baka kainin lang daw ng mga daga ang mga gamit. But, I got other plans.

Kung ayaw nila, hmm, baka pwedeng gawin ko tong sarili kong hide out?

Kaya, I made my own door.

Tapos na kong gawin ang mga dapat komg gawin kaya gamit nalang ilalagay ko. Nagpabalikbalik ako sa kuwarto namin ng kapatid ko upang kumuha ng gamit na ilalagay doon.

Para siyang mini house ng natapos ko. May dalawang throw pillow, isang maliit na pink na upuan, mga tsitsirya na nilagay ko sa basket and box na pinatungan ng art materials.

Everyday, kung anong makuha ko ay doon ko inilalagay. Yes, I know, para akong bata kahit seventeen nako pero, who cares right? Ito ang kasiyahan ko.

My parents never knew, hanggang sa magpasukan.

Lagi kong binibisita ang secret hide out ko. Almost everyday.

Pagkatapos ng ICL namin sa school ay deretso na kaming uwi. Kasama ko lagi ang kapatid ko, cousin namin at ang mga kaklase niyang lalake.

It was a fine afternoon kaya hindi ko talaga ienexpect na may mangyayari.

Pagkatapos kung magbihis, pumunta agad ako sa likod ng bahay. Dala ko ang notebook at ballpen para gumawa ng takdang aralin.

Pero parang may mali.

May dugo akong nakita sa rope.

Una kong naisip, may nagpakamatay pero ang kapal naman ng nag suicide at dito pa talaga sa bahay namin.

I don't know what's happening but I raised my guard up.

Pagkaakyat kong tuluyan, binuksan ko agad 'yung plywood door at mas nagulantang ako sa aking nakita.

Pinigilan kong hindi sumigaw sa takot.

Lalaki, na sa tingin ko ay kaedad ko, duguan at nakaitim.

"H-hoy sino ka? W-why are you covered with d-dugo?"

Buti nalang nagpaspeaker sila Mama at hindi masyadong maririnig ang mga sasabihin ko.

"H-help me p-please"

Without a second thought bumaba ako upang kumuha ng mga gagamitin para tulungan siya.

Pagkakakuha ko, agad ko siyang pinuntahan uli upang gamutin.

Ang lalim ng mga sugat niya at hindi ko alam kung makakaya ko bang gamutin siya. Sana sapat na 'yung natutunan ko sa lessons namin tungkol dito. Ilang ulit kaya 'yung binabalikbalik sa elementary.

Gosh!Grade 12 lang ako at walang experience pa dito!

The guy whimpered in pain when I accidentally pressed the wound too hard. Agad akong nagpeace sign.

Pito. Pitong pinagasamang saksak at daplis sa katawan ang natamo ng lalaking to. Dalawang saksak at limang daplis ng kutsilyo.

Nang natapos na ko sa dalawang saksak ay sa daplis naman ang sinunod ko. Sana hindi mawalan ng dugo tong lalaking to.

Para akong nakahinga ng maluwag ng natapos ko. Nakatulog ata ang lalake sa sakit. I made sure na hindi siya malagutan ng hininga habang natutulog.

Nang masiguro kong ok na siya ay bumaba ako para kumuha ng makakain.

"San ka galing nak?" Ang unang sabi ni Mama pagkapasok ko ng bahay. Pasimple kong tinignan ang taas.

"Somewhere" ang tangi kong sabi bago pumasok sa kusina.

Mabilis akong kumain at naghugas ng pinggan. Tumingin nga sa akin ang kapatid ko kasi usually, ako 'yung pinakamatagal kumain.

"Ma!Papakainin ko si Downy!" Downy is the name of our dog. Ang bango niya kasi—noon.

Sinabay ko na sa aso para may reason ako kung bakit ako lumabas.

Dalawang bowl. Bowl para kay Downy at Bowl naman ng soup para sa taong nasaksak sa taas. Nagdala din ako ng bottled water kaya nahirapan talaga ako.

Natatakot akong sabihin kay Mama tungkol doon sa tao. Baka kasi isipin niyang kriminal 'yun tapos papalayasin pa niya eh kawawa naman at may sugat 'yung tao.

Una kong pinakain si Downy bago umakyat sa taas. Grabe ang struggle ko para makapunta sa taas kaya 'wag na nating pag-usapan.

"Uhmm gising na po. Papakainin ko na po kayo" marahang kong niyuyog ang ulo ng lalake. Sa balikat sana kaso doon ang saksak niya eh.

Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata bago humarap sakin.

We only got the moonlight to illuminate this whole room and, gosh, ang guwapo niya. Hindi masyadong maputi at hindi rin siya maitim. Hindi ako sigurado kung itim ba ang mata niya kasi medyo madilim.

"S-stop s-staring" it only came out as a whisper pero sapat na iyong upang mamula ang boung pagmumukha ko.

Nakakahiya.

I smiled nalang bago linagyan ng karagdagang unan ang likod niya upang ma slant ang kanyang higa.

"Susubuan kita ok?Sotanghon lang to. 'Wag kang mag-expect ng iba diyan" tumango lang ito kaya sinimulan ko na siyang subuan.

Feeling ko ang bait ko na talaga.

Nang matapos kami ay tinulungan ko siyang painumin ng tubig. Nabasa ang kanyang sout kaya nataranta ako. Hindi ko siya pwedeng pasuotin ng mga damit ni Papa, makakapansin 'yun.

The guy motioned his hand to one direction and he was pointing at a bag. His bag.

Binuksan ko ito and I saw a pair of clothes. May isang pack ng noodles at isang wallet.

Naglayas ba to?

Kahit mahirap, tinulungan ko siyang soutan ng damit. Ang daming daing nga ang nagawa nitong lalaki kasi nga masakit.

"Ayan!Bihis ka na!" Linigpit ko ang sout niya kanina at inilagay sa plastic, lalabhan ko bukas.

"T-hank you" he whispered which I replied with a nod.

Umupo ako sa gilid niya tsaka tumingin sa labas. Nag-aaway na naman ang kapitbahay namin. Hindi naman bago.

"N-name" napalingon ako sa lalaki, maybe he's asking for my name?

"Ako si AZ, hindi " az" ha? A-Z"  tumango ang lalaki bago muling pumikit.

"Huy, ikaw ano pangalan mo?" Yinugyog ko balikat niya. I totally forgot na may sugat siya doon kaya napadaing ulit siya sa sakit.

"Hala!Sorry!"

Akma akong tatayo ng pigilan niya ako gamit ang kanyang kamay.

He's now holding my hand with his. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Shems, kinikilig ako.

"I-it's okay, please d-don't leave.
M-my n-name is S-seven"

And that's where it all started.

SevenWhere stories live. Discover now