Natawa kami ni Harvey nang makita ang reaction ni daddy. Natigilan ito na parang 'di makapaniwala sa inasta ni mommy.

Humagalpak sa tawa si mommy at pumasok na ng banyo.

Iiling iling na akong umalis habang hila hila si Harvey.

"Maligo ka na." Sabi ko.

"Sige ate." Sagot niya at tumakbo na papasok ng kwarto niya.

Patakbo din akong pumunta sa kwarto ako at nagtumbling pa sa kama at saktong lumanding sa kabilang side kung nasaan ang mga towel ko at pinatugtog ang playlist at iindak indak na pumasok sa banyo.

Pagkatapos ko maligo ay agad na akong bumaba dala ang bag ko.

Daddy is waiting for us, nakasunod naman si Harvey sa akin. Si mommy panigurado ay nauna na, kailangan talaga niyang maaga, minsan late na umuuwi, around 1:00 AM.

"Don't forget to eat your breakfast sa school niyo, okay?" Paalala ni daddy.

"Opo." Magalang na sagot ni Harvey samantalang tumango lang ako.

Harvey opened the door of the car for me kaya pumasok na ako.

Agad na din silang pumasok at inihatid kami ni daddy bago siya pupunta sa kompanya.

"Una na ako sa room ate" paalam niya kaya tumango ako.

As I stepped inside the campus ay nagsitakbo na ang mga estudyante na nagkukumpulan malapit sa may gate.

It's on the rule, kapag pumasok sa campus ay walang estudyanteng nasa malapit sa gate, malilintikan sa akin.

But Sullivan is puffing his cigarette at nakasandal pa sa pader malapit sa bakal ng gate at nakapamulsa pa ang kaliwang kamay at mayabang na ibinubugso ang usok.

Naglakad ako papalapit sa kaniya habang may kinakapkap sa bag ko.

Pagkalapit ko ay inilabas ko na ang gunting at ginunting ang sigarilyo niya.

"To the guidance office, now!" Utos ko.

"Ano na naman?" Inis niyang tanong.

"At bakit mo ginunting ang sigarilyo ko! Walang hiya ka ah!" Sigaw niya.

"Mas walang hiya ka!" Sagot ko naman.

"Pakielamera kang babae kahit kailan ano?!"

"Ah talaga? Amazing. Ngayon ko lang alam." Sarkatika kong sagot at ngumisi pa, tinaliman naman niya ako ng tingin at dinaklot pa sa kwelyo.

"Pwede bang hayaan mo lang ako!" Inis na sabi niya.

I smirked again.

"Sa opisina tayo mag-usap Sullivan" sabi ko.

"No!" Sigaw niya pero mabilis kong siniko ang panga niya dahilan para mabitawan niya ako at hilain ko siya sa tenga papunta sa guidance.

May mga bulong bulungan na naman na sobra na ako, bakit ganito ako trumato.

Sinabi na kasing pumila na sila kung tutol at ipapaliwanag ko kung bakit.

"Ano ba Hivary!" Sigaw ni Zero sa akin ngunit mas hinigpitan ko ang hawak sa tenga niya hanggang makapasok sa opisina.

"Good morning Zero" bati ko sa kaniya nang mabitawan ko.

Matalim ang titig niya habang hinahaplos ang tenga, inayos ko naman ang damit kong nagusot dahil sa pangunguwelyo niya kanina.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Where stories live. Discover now