Nanubig ang mga mata ko. I cannot believe he's reprimanding me!

"Here am I, believing that you've changed. Hindi ako nag-atubiling ibalik sayo ang mga layaw mo kasi ang isip ko natuto ka na. You just made me fall into one of your schemes. Hindi ka na talaga nagbago." Bumuga ng hangin si Papa.

No! Papa was wrong. I am becoming better. Hindi man agaran ang pagbabago pero ang mahalaga napagtanto ko na ang mga maling nagawa ko noon. I spent money over unnecessary things. I was insensitive of my surroundings. I was a brat!

Hindi ba't iyon naman ang mahalaga? You can't be a better version of yourself without first accepting your flaws. You won't learn from the past unless you start acknowledging your mistakes. Walang pagbabago na mangyayari sa sarili mo kung bulag ka pa rin sa mga kamalian.

Bakit niya ako sinisisi sa isang bagay na 'di ko naman sinimulan? "Stephanie was being mean to me. She was being rude to you and your wife. Hindi ko naman talaga siya papatulan kung 'di niya sinabi ang mga 'yun tungkol sa inyo! She bragged how unfair you were for not attending every school meetings. She laughed at my mom for being dead."

Nanlambot ang mukha ni Papa.

"Bakit ako ang sinisisi mo kung ginawa ko lang naman 'yun para sa inyo?" tanong kong kaunti na lang mababasag na ang boses.

Papa may not notice it but I love him so much like I love my mother. Si Papa na lang ang natatanging pamilya ko at gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Mapaaway man ako sa iba. Mapasama man ako sa mga mata nila. Hindi niya. Ganu'n nga lang ang nangyari. He was so unfair to me that it hurt.

"Rhiannon, what you did was wrong. Hindi mo pa rin dapat siya pinatulan. Narinig mo naman sinabi sakin ng nanay niya kanina. I am incompetent because your behavior reflects my image not just your father but also as mayor," sabi niya.

Nadurog ang puso ko sa narinig. I find myself laughing in disbelief. "Hindi ko siya papatulan kahit yurakan niya ang pamilya natin? Unbelievable!"

I heard the gates getting opened. Hindi man ako lumingon pero alam ko kung sino ang pinagbuksan ng mga guwardya nang marinig ang pamilyar na tunog ng motorsiklo.

"Hindi ba't tinuruan na kita noon? Walang lugar sa angkan natin ang ganiyang ugali, Rhiannon. Mapagkumbaba tayo!"

"Family had nothing to do with being humble! Pag minalditahan nila ako, mas mamalditahan ko sila!"

"We are a family of politicians! You belong to clan of politicians! Hindi puwede ang ganiyang kaisipan dahil maraming mata ang nakatingin sayo! Lahat ng maling gagawin mo kokonekta sa pangalang kinabibilangan mo!"

Napasinghal ako. "Hindi ba't 'yan naman talaga ang mahalaga sayo? Politics and that freaking position! Hanggang kailan ko ba sasabihin na wala sa intensyon kong gumaya sa inyo?"

"You really are a disgrace to this family! Wala ka nang ibang dinala sa pamilyang 'to kundi sakit ng ulo at kahihiyan!"

Namilipit ang puso ko sa narinig.

Gino came in. Nakasukbit sa kaliwa niyang balikat ang sling bag ko habang nasa kabila naman niyang balikat ang sariling back pack.

Napatingin sa kaniya si Papa. "Nagtaka ka pa noon ba't mas kinikilingan ko si Gino? He is much more of a son to me than you ever will be!"

"Bakit sa tingin mo ba gusto rin kita maging ama? You were never a father to me! Mas gugustuhin ko pang maging ampon—"

Napasinghap ang mga katulong. Namalayan ko na lang ang sariling napagawi ang paningin sa kanan, sa kanila. Nakita ko kung paano balutin ng gulat ang mga mukha nila nang padapuin sa akin ng sariling ama ang kaniyang palad.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now