Chapter 25: Alex Syndrome

Magsimula sa umpisa
                                    



Napailing-iling lang ako. Wala akong pakialam kahit na maubusan ako ng dugo. Hihintayin kong lumabas ang mga doktor. Kailangan kong malaman ang mga lagay nila. 



Hindi ko inda ang sakit noon. That is... because I couldn't even feel if it really is the pain. All I can feel is the rush beating of my heart, filled with worry and frustration. I can't get to register these things to myself. I just can't help but to break down and let myself have the moment to blame and to hate. 



Ang mga taong iyon... They will pay for this. I'll certainly kill them all. 



"Paanong naaksidente ang kapatid ko? Wala siya sa pinangyarihan. Dinala na lamang siya ng mga tauhan kasabay ng pagtakas." halos wala na sa sariling tanong ko. Unti-unting nilalamon ng hilo ang ulo ko. Unti-unti ring naglalaho ang lakas ng mga binti ko, dahilan upang tuluyan na akong mapaupo sa malamig na sahig ng ospital na ito.



I could feel my hands, my legs, my whole body trembling. 



Hinawakan ako ni Uncle Johan sa magkabilang balikat ko at saka mata sa matang ipinagtapat sa akin ang nangyari sa nag-iisang kapatid ko. "Hinabol niya si Liam. Nang dahil sa malakas na bagyo, naging maputik at madulas ang kalsada. Mahirap din makakita habang tumatakbo."



"She hit her head?" pagdidiretsa ko sa mga binabanggit niya. Napapikit ako nang magsimulang ilarawan ng utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Ganoon ba talaga kagusto ng kapatid kong iyon si Liam? 



Ano bang mayroon sa batang iyon? Katulad lang naman siya ng ibang lalaking anak ng mga kaibigan nina papa at mama. Ano ba ang pinagkaiba niya sa lahat para habulin niya pa iyon? Iniwan siya ng batang iyon at hinayaan pa siyang madisgrasya. Wala akong nakikitang dahilan para maisip pang mapoprotektahan niya si Alexandria. 



He might came from a great family but where is he when all of these happened? They ran away. They left the villa as fast as they can, forgetting that there's also another family suffering. If only I could eliminate that deal. If only I could.



End of Flashback. 



"Even so, you agreed to let her enter Mhorfell Academy, right? Despite of you knowing that she can meet him after almost eleven years." 



Ako naman ang napabuntong hininga sa mga winika niya. Tama siya. Iyon ay dahil hindi ko rin matiis si Alex. Nagtatalo ang isip ko kung ano ang mas pahahalagahan ko. Ang kaligtasan ba niya o ang kasiyahan niya. At para makamit ang dalawang bagay na iyon, ang tanging paraan lamang ay ang planong ito na nabuo ko. Kailangan itong maisakatuparan hangga't hindi dumarating ang nakatakdang petsa sa usapan na iyon. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon