Ng naka pili na ako ng maayos na damit agad ko iyung sinout ng pulbo lang ako ng kunti at nag spray ng pabangon
Pag katapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ko saktong pag bukas ng pintuan ko siya namang pag bukas ng pintuan ng katapat na kwarto
Kwarto ni King
Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi naman niya ako ginantihan ng ngiti sa halip ay naka tingin lang ito sa short ko na pang ibaba medyo maiksi kasi iyun isa yun sa mga binili namin dati sa mall
Nag salubong ang kilay nito at na una ng bumaba sa akin
May lakad din ata si King bihis na bihis kasi ito at saka na aamoy ko pa ang pang lalaki nitong pabango
Bumaba na rin ako sakto namang andun na yung mga tauhan nila mom kaya agad akong sumakay sa kotse
Ilang minuto na rin ang nakalipas at ngayon nga ay andito na kami sa bahay namin nila Mom este Tita Marga, kailangan kung sanayin na hindi sya tawagin mom tita tita tita... paulit ulit na bulong ko
"Sir di pa po kayo baba?" Tanong ng isa sa mga tauhan dito si kuya James ito
Ngumiti lang ako sa kanya at saka ako bumaba
Pag baba ko diretso diretso akong nag lakad katulad ng dati kung ginagawa nung wala pa akong amnesia
Napatingin ako sa mga tauhan na nasa likod ko parang nagulat ito sa inasta ko kilala ko pa naman sila
Ang tanga mo Kint bulong ko naka limutan ko nga palang may amnesia ako Hahahha
Tumigil ako sa pag lalakad at saka sinabayan yung tauhan o sabihin na nating mga body guard
Para di ako mahalata, napaka hirap talagang mag panggap, makakaya ko kayang itago ito e marupok ako? e bakit namin kaya di ko na lang sabihin sa kanila na nakaka alala na ako? Tanong ng isang bahagi ng utak ko na pinigilan naman ng isa dahil gusto kung matuklasan O malaman kung sino ang dahilan kung bat ako may amnesia kung sino ang may kasalanan kaya di ako naging masaya, pakiramdam ko nga ay namatay ako dahil sa pag kawala ng alaala ko, O.a man pero yun yung pakiramdam ko, tanga man dahil hindi ko sasabihin pero dahil iyun ang gusto ko kaya susundin ko
"Siirr...!" Si kuya james isa sa mga body guards dito medyo close ko rin ito dati
"Bakit po? kuya?.." Tanong ko na sinadyang di banggitin ang kanyang pangalan at putulin ito
"...James!" Dagdag nito sa sinabi ko
tumango naman ako sa sagot nito
"Dito po tayo sa kaliwa!" pag guide sa akin ni Kuya james
kaya sumunod na lang ako
Papasok kami sa dining Area
di nga ako nag kamali dahil tumambad sa aking paningin ang pintuan ng dining area namin
pinag buksan ako ng isa ng pintuan kaya pumasok naman ako
pag pasok ko naabutan ko si mom na may hawak na tasa ng kape ng makita ako nito agad itong tumayo at ngumiti sa akin
kaya ngumiti na rin ako gusto ko siyang yakapin at sabihing nakaka alala na ako pero di ko magawa namalayan ko na lang na tumulo na ang aking luha kaya agad na nag tanong si tita Marga kung bat daw ako umiiyak, umiling na lang ako bilang sagot
nakipag beso beso muna ako bago ako maupo sa upuan na kaharap ni Mom
"Bakit nyo po ako pinapunta dito tita?" tanong ko kasi nga may pageant pa ako mamayang 6 am
"Wala gusto ko lang sabihin na baka hindi ako makarating sa pageant mo!" Malungkot nitong sagot
"ahh... okay lang po yun tita" Sagot ko naman na hindi pinahalata na malungkot ako
"pero bakit po di kayo makakapunta?" Gusto kung sampalin ang sarili kung noo dahil sa tanong ko
"nag kaproblema kasi sa trabaho..." Sagot nito
"...kaya susunod ako sa tito Franz mo sa korea, tumawag kasi ito sa akin kahapon kailangan nya daw ng tulong!" pag papatuloy nito
nasa korea pala si dad kaya di ko sya nakikita
"Anong oras po yung alis nyo?" Tanong ko
"Mamayang 1 pm pa naman, kaya may time pa para mag usap usap tayo!" sagot nito bahagya naman akong napatingin sa Cellphone ko at sinipat yung oras
"11:38 am"
Malapit ng mag 1 kailan kaya ang alis niya sa bahay kailan kaya muli ang balik nila
ngayon alam ko na kung bakit ganto na lang ang inasta nito tuwing mag kasama kami kasi nga siya yung tunay kung ina
Nag kwentuhan kami tungkol sa pageant
galingan ko daw para may pasalubong ako kaya naman napangiti ako
maya maya pa napatingin ito sa oras ng cellphone niya kaya ganun din ang ginawa ko
"12:12" nag pilit ito ng ngiti bago nag paalam sa akin pinaasikaso niya ako sa mga tauhan nila para maka balik ulit sa mansyon nila King
gusto ko syang yakapin pero di ko magawa kasi baka mag duda lang sya
Pag balik ko sa bahay nila King wala pa rin doon si King
ang sarap batukan ng lalaking iyun at ni Andrea na iinis ako sa kanilang dalawa nawalan lang ako ng ala ala nag karoon na sila ng relasyon
Eh paano naman kami ni King diba? ang pag kaka tanda ko nawalan lang ako ng ala ala pero di kami nag hiwalay walang hiwalayang naganap? Parang nung isang araw lang nag tapat sa akin si King na may amnesia daw ako at siya ang boyfriend ko pero hindi naman ako naniwala kasi hindi kapanipaniwala
nag gigil ako lalo ng maala ala yung mga ginawa nilang pambubully sa akin
ang tanga ko sa part na yun, hindi manlang ako lumaban ang tanga ko
tapat nakinig ako noon kay Tanya na dapat daw lumaban na ako ang tanga ko subra dati naman ay hindi ako ganito kahit babakla bakla ako e marunong akong ipag tanggol ang sarili ko
inis akong nag tungo sa taas papunta sa kwarto ko
asar kung binagsak ang katawan ko sa malambot na hingaan
napa isip ako paano kung nagawang hindi lumaban? paanong ganung humaba ang pasensya ko na iinis na rin ako sa sarili ko, nawalan lang ako ng ala ala bumait na ako
dahil sa subrang kainisan nag tungo na lang ako sa bathroom at saka doon binasa ang aking katawan para malamigan ng kahit kunti yung ulo ko
gusto ko sa pag harap namin ni Andrea sampalin sya ng malakas yung subrang lakas, para ipalala sa kanya na niluko nila ako ni King
Bakit kaya nag hanap pa ng iba si King bakit naging sila ni Andrea,
"Hindi naman daw talaga sila ni King may amnesia lang si King kaya naging sila ni Andrea"
Bigla na lang nag eco yung boses na yung kung saan
Oo tama narinig ko yan dati sa kung saan pero diko pinansin
dahil diko naman kilala yung King at Andrea natinutukoy nila pero ngayon alam ko na kasalanan to lahat ni Andrea kasalanan nya tong lahat
A/n: Pasensya na po ulit kung walang update wala na po kasi akong wattpad dahil na Full storage ako, tas ngayon inistall ko ulit HAHHAHA
YOU ARE READING
MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.
RomanceAng gusto lamang ni Kint Arnaiz ay tahimik na buhay, makapag aral ng walang nambubully sa kanya at walang ng aapak sa kanyang pag katao, ang tahimik na buhay na kanyang inaasam ay mag yayare pa kaya kapag nalaman ng mga estudyante na nag kakandarapa...
CHAPTER 35
Start from the beginning