"The nerve of you to blackmail me talaga! Wala ka nang ibang ginawa kundi takutin ako," angal ko sabay irap.

The jerk laughed at me. Hindi na naman mapakali ang sistema ko nang marinig ang maaligasgas na tawa niya. Humarap na siya sa akin pagkatapos gawing panangga ang braso sa ginawa kong paghampas kanina.

"Masisisi mo ba ako kung ikaw ang mas pasaway satin? Marami kang ginagawang kalokohan kaya marami rin akong nagagamit na panindak," pagmamalaki niya.

Napasimangot ako.

Paano kaya kung unahan ko siyang isumbong kay Papa? The idea seemed great but that will make me an ingrate. Si Gino na nga ang tumulong sa akin sa kambing na nobyo ni Stephanie tapos siya pa ang itataob ko sa tatay ko.

"Oh, sige na, dali." talunan kong sabi. Tumawa na naman ang damuho. Umalon uli ang higaan ko nang ilapit niya ang sarili.

"Masusunod, prinsesa."

Gino treated my wounds tenderly. Tumitigil siya sa pagdampi ng bulak tuwing napapangiwi ako lalo na nung makarating sa mahabang sugat ko sa leeg. I yelped. Huminto siya at namalagi sa mga mala-uling na mata ang magkahalong inis at pag-alala.

"Sa susunod kasi 'wag ka nang makipag-away." sermon niya.

"I didn't start it. Si Stephanie, 'yung kaibigan mo, ininis ako."

"Hindi ko siya kaibigan."

"Fine, seatmate na lang." I corrected. Nanimbang ang titig niya sa akin bago ko masilayan ang isang ismid sa sulok ng kaniyang labi.

Nang-init ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi ka pa rin dapat nakikipag-away. Tingnan mo nangyari sa'yo."

"Hello, panalo sana ako sa sabunutan namin ni Steph kung 'di lang umeksena 'yung boyfriend niyang bisugo, 'no!"

Tumango siya ng ilang ulit, "Now you're proud, huh?"

I didn't like the sound of his voice. Napabagsak ang noo ko.

"Please, if you're only going to reprimand me, don't bother. Si Stephanie ang nagsimula ng away namin at kung pinapanigan mo rin siya gaya ng iba, puwedeng umalis ka na lang nga!"

Gino didn't flinch. Hindi ko sadyang pagtaasan siya ng boses pero hindi ko talaga napigilan ang sarili nang tila magtampo ang puso ko sa pananalita niya.

"Hindi ko siya kinakampihan."

"Oh, talaga ba?"

"Gusto ko lang sabihing 'wag ka nang makipag-away pag may nang-inis sa'yo o nanghamon. Wag mong abalahin ang sarili mo sa mga ganiyang bagay. Nandito ako."

Natahimik ako. Nawala ang pagtataray nang tila napaka-seryoso ng boses na nagmumula sa kaniya.

Gino held my hand. The familiar feeling of his rough and hard palm from earlier came back. Hindi kumukurap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Pag may nang-away sa'yo, pag may nang-inis, pag may nang-gago, sabihin mo sakin. Pagsasabihan ko sila at kung sakalin mapaaway man ako dahil du'n, ayos lang. Wag lang ikaw."

Napatambol ang puso ko. Hindi ko alam kung nangloloko lamang ba si Gino pero 'di talaga napipigtas ang paninitig niya sa akin. The stare his charcoal-black eyes were giving me was urging me to believe that his words were true.

Nanatili akong tahimik. Nakatanga sa harapan ng morenong binata dahil sa buong tanan ng buhay ko ngayon lamang may nagsabi ng ganito sa akin. Hindi ko narinig ang ganu'n kay Renzo. Noon, parati niya lang akong pinagsasabihan sa mga pagtataray ko na madalas nagiging dahilan ng inis ng ibang tao sa akin, pero higit pa roon ay wala na. Napaaway na rin ako rati kaso nasungitan niya lamang ako nang isumbong ko sa kaniya. Hindi raw tama na dinadawit ko siya sa mga gulo ko at marahil isa rin 'yun sa mga dahilan kaya nasanay akong 'di humihingi ng tulong sa ibang tao.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now