"Hindi ka naman si Eroz to say that" sabi ko. I much as I want to tarayan siya ay hindi ko ginawa. I'm holding that mataray side of me for years now.

Natawa siya, mapanuya pa din. Nagkibit balikat siya at hindi na lang sumagot. Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang puting tshirt. Mas lalong kumunot ang aking noo ng mapatingin din ako duon.

"Isasaoli ko lang sana yung tshirt na pinasuot niya sa akin nung isang araw..." marahang sabi niya, bigla siyang naging nice pero halata namang may laman.

Bayolente akong napalunok. Halos manginig pa ang kamay ko ng itaas ko ito para kuhanin ang tshirt sa kamay niya but naiwan lang sa ere ang kamay ko ng ilayo niya iyon sa akin.

"Ako na lang pala ang magbibigay. Magkikita naman kami sa trabaho..." nakangiting sabi niya sa akin.

Tunagal ang tingin ko sa kanya. I can't smile back. Ano bang gusto niyang iparating sa akin?

"Ok, edi go" sabi ko pa sabay nguso.

Kita ko pa ang pagkurapkurap niya dahil sa pagkabigla. If making me angry or jealous satisfy her, I won't give her the satisfaction.

Galit siyang tumalikod sa akin at nagmartsa palayo sa aming bahay. Madami pa siyang binulong na hindi ko naman naintindihan. Hinayaan ko na lang at muling isinarado ang pintuan.

Sayang, hindi ko man lang nalaman ang name niya. I thought magkakaroon na ako ng kaibigan dito, pero hindi naman pala. Gusto pa nga ata akong awayin eh. Hindi ko naman siya inaano.

"Ganuon talaga, Senyorita. Ang gwapo gwapo naman kasi ni Senyorito Eroz. Kahit naman sinong may gusto sa kanya magugulat pag nalamang ikakasal na siya" si Yaya Esme ng magkausap ulit kami sa phone.

Hindi niya ata talaga hahayaang mamiss ko siya dahil sa araw araw naming paguusap. Mas madami pa nga akong words na nasasabi sa kanya kesa kay Eroz.

"But, that's not right. If someone is in a relationship na, dapat you respect that" pangangatwiran ko pa.

Hindi kaagad nakasagot si Yaya Esme, rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Looks like, just like me nagpreprepare din sila ng lunch.

Nakaramdam ako ng inggit ng itanong ko sa kanila ang iluluto nila. Masasarap ang lahat ng iyon samantalang ako ay magluluto lang ng sunny side up egg, hindi pa sure kung magagawa ko ng maayos.

"Wag mo na lang pansinin. Dapat ngayon pa lang, nabubuo na ang tiwala niyo sa isa't isa. Talagang masisira ang relasyon pag puno ng pagdududa at hindi napaguusapan ang problema" pangaral pa din ni Yaya Esme sa akin.

Kahit hindi naman niya ako kita ay mabili akong napatango. I never been into relationship pero I get her point. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang understandings ko pagdating sa love and relationship, maybe because I'm observant. Obeservant is different from chismosa ha.

Nagpaalam ako kay Yaya Esme na iend muna ang call dahil I need a lot of concentration para sa pagluluto ko ng sunny side up egg. Kabado pa ako ng marinig ko ang tunog ng mantika tanda na mainit na siya. Hindi kaagad nabasag ang shell ng egg kaya naman mas lalo akong nahirapan.

Sa huli ay mangiyak ngiyak akong umupo sa may table. Namumula ang aking kanay dahil sa ilang talsik ng mantika, ang egg ko ay sunog ang gilid at pumutok pa ang yellow sa gitna.

"Ouch..." sambit ko ng sinubukan kong haplusin ang namumulang parte ng aking kamay.

I reserved my failed piritong itlog. May rice na din naman, naisipan kong bumili na lang ng ulam duon sa may kanto, kay Aling bing. Alam ko naman kung saan iyon.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now