14: Official

15 3 0
                                    

🏐 Game 14: Official

Pagkapasok nila Oliver at Hime sa bar and restaurant, they immediately spotted their friends. Joyce and Ryle we're the only one eating their food silently while sitting beside each other. Malaki ang distansiya sa pagitan nila. Para bang takot na takot na magkadikit ang dalawa, ni hindi nagpapansinan. Mabilis na tumungo si Hime sa pagitan nila Keisha at Ullyses na nakapanood lang sa mga kalokohang ginagawa nila Owy, at Clarkson na nasa stage at kumakanta. Panay naman ang pangangantiyaw nila Ria at Cyra sa dalawang lalaki.

Pinili namang tumabi ni Oliver kina Bench at Khairine na halos magkapalit na ng mukha sa pagkakadikit.

Agad na napabaling ang dalawa kay Oliver.

"Kamusta naman? Did it worked?" tanong ni Bench pagkaupong-pagkaupo pa lamang niya.

Oliver could not stopped himself from rolling his eyes upward. "Yup."

Napaayos ng upo sina Khai at Bench sa sagot niya.

"Eh bakit parang hindi ka naman masaya?" Bench asked studying him. Looking for an answer as to why his answer was comtradicting his actions and expressions.

"Right! Aren't you happy that finally girlfriend mo na si Couz?" naguguluhang tanong naman ni Khai sa kaniya.

Napahilamos tuloy ng mukha si Oliver. Feeling so frustrated at what happened. 'Yon kasi talaga 'yong plano eh. Dapat mapapayag niyang maging girlfriend-pretend girlfriend-si Aniehime. That's the original plan but he chickened out nang makaharap na niya si Hime kanina. Lalo na nang mariin na naman nitong itinanggi na nagkagusto ito sa kaniya. He felt scared again. He felt that fear of getting rejected by her again. Nagka-trauma na ata talaga siya sa nangyari dati. Kasalanan ni Hime!

"What do you mean? Hindi pa rin ba kayo? Shocks ka ha! Todo acting na nga ako kay Couz tapos wala pa rin!" Khairine whined. Simangot na simangot ito sa kaniya. Panay haplos naman si Bench sa braso nito para pakalmahin.

Gusto ulit magpaikot ng mata si Oliver. Halata namang gusto lang manantsing ni Bench sa girlfriend.

"Sisihin mo 'yong pinsan mo. Inunahan na naman ako ng bibig niyang machine gun. Napakadaldal."

Napahagikgik naman si Khairine.

"Mana lang 'yan bro!" natatawang sabi ni Bench na nakatanggap ng tampal sa balikat mula kay Khairine. "Ano namang ibig mong sabihin do'n? Na madaldal din ako at machine gun ang bibig ko?" matalas ang titig na sabi ni Khairine. May pagbabanta sa tono.

Nangiti naman si Bench. "Yes, before. But it's a part of you that I like. It's one of your charms sunshine." At hindi pa nakuntento si Bench. He even kissed her on her cheeks making Oliver shivered in disgust.

"You make me puke dude. What the hell." Parehong bumelat ang dalawa sa kaniya.

"Inggit ka lang wala ka kasing jowa. Hina mo kasi." Gusting mapikon ni Oliver nang pagtawanan siya ng dalawa. Pero totoo naman kasi ang sinabi nila. Wala siyang jowa. Sablay siyang ijowa si Hime. Tss.

"Kasalanan kong bungangera siya? Laging inuunang bumulyaw ayaw muna akong pakinggan." Dumampot ng chips si Oliver at frustrated na nginatngat iyon.

Khairine tapped his arm. "Sorry Ver ha. Ganiyan na talaga 'yon since mapahiya mo siya at mabusted mo. Your fault rin naman e." Bumalik sa pagkakadikit kay Bench si Khairine habang bumubungisngis.

"Kung sana kasi inamin na lang niya una palang na she really likes me sana kami na before pa." asar na asar na talaga si Oliver. Lalo na kapag naalala niya 'yong nangyari dati. Kung sana talaga umamin na lang si Hime na kaniya nga 'yung letter at na may gusto nga ito sa kaniya. Balak niya rin namang umamin that time nang malaman niyang may gusto rin pala sa kaniya si Hime. Pero wala eh. Ang tindi tumanggi ni Hime. Nainis tuloy siya at nasabi niyang hindi niya kalian man magugutsuhan si Hime kaya tama lang na hindi nga siya nito gusto.

❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇  𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon