Chapter 23: Paubaya

Start from the beginning
                                    

Biglang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba na maramdaman ko ‘to pero, shit! Bakit ang sakit? Bakit ang sakit na makita siyang busy sa ibang tao kaysa sa’kin? He must be spending his free time with me. Because I’m his bestfriend. Pero bakit kailangang mas pag tuunan niya ng pansin ang bago niyang kakilala?

“Czarina?”

Nabaling ang tingin ko sa biglang nagkalabit sa’kin.

“Are you okay? Bakit ka umiiyak? You know what, kanina pa ako sa‘yo nagwo-worry. Sabihin mo naman sa’kin ang totoo. Are you really okay?”

I wiped my tears. Hindi ko naman napansin na napaluha na pala ako dahil sa mga nangyayari. This is just the first day pero ang dami nang nangyayari. Nakakasakit na kaagad.

Tumango lang ako ulit tapos pumasok na ako sa passenger seat. Inayos ko na ang seatbelt ko tapos tumingin lang diretso sa daan. Pumasok na rin si Dixon sa may driverseat tapos binuhay na ang makina.

He looked at me first but I just took a sideward glance on him. I saw him took a deep sigh before he drove his car right away. Naging tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa labas ng gate ng bahay namin. I flashed a smile on him and he forced to smile at me.

“Ingat sa pag-uwi”

I said and opened the door para makalabas na. Hinintay ko muna siya na makaalis bago ako tumuyang pumasok ng gate.

***

Dahil sa mga nangyari kanina, I really lost my appetite. Hindi na rin ako sumabay sa pagkain kina mom and dad dahil hindi ko trip na kumain ngayon.

Before I forgot, I texted Dixon na sunduin ako rito sa bahay around 7 pm. Gusto kong lumabas at gusto kong makakita ng magandang view para medyo ma-refresh ang utak ko. I want to wipe out all the images I have saved on my memory a while ago. I know that there are more to come kaya hanggat maaari, ma-delete ko na agad ang mga nangyari dahil kapag sunod-sunod na mag-register sa utak ko ang mga imaheng ayaw kong makita, baka mag malfunction ang utak ko.

Nakapagpaalam na rin ako kina dad. Pumayag naman pero tulad ng dati, kailangan kong makauwi on or before 10 pm.

Pasado alas siyete ng gabi nang marinig ko ang pagragubrob ng sasakyan sa labas. Maybe it’s him already. Lumabas na ako ng kuwarto para tingnan kung si Dixon na.

Bago kami umalis, pinaalalahanan muna kami ni dad. The usual thing he does everytime na lalabas ako. Sabay na kaming lumabas ng gate at pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya tumuloy sa driverseat. Naalala ko tuloy bigla ang ginawa ni Ford kanina kay Mikee. Mabuti pa siya pinagbubuksan ng bestfriend ko. Eh ako, isang beses palang niya ginagawa sa’kin ‘yun.

“So where are we going now?”

“Sa dati” I answered without directly looking at him. I know that he knew what I mean. ‘Yun lang din namam ang parati naming pinupuntahan kaya for sure na-gets na rin niya ‘yun kaagad.

Like what happened earlier, naging tahimik lang kami pareho sa loob ng sasakyan. Ewan ko ba, nawawala ang pagiging madaldal ko dahil sa mga nangyayari.

Dixon is about to park his car nang biglang may mahagip ang ilaw ng kaniyang sasakyan. A boy and a girl sitting on a car’s bumper. They don’t look familiar dahil nga nakatalikod but when they turn to us with a hand on their eyebrows (for sure dahil sa nasisilaw sila sa liwanag) biglang nagkaroon ng mukha ang dalawang taong nakaupo sa may bumper.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now