Nagsimula kaming naglakad ngunit maiiging pinakiramdaman ang paligid. Sa aking pakiramdam, wala namang kahina hinala sa paligid. Wala akong naramdamang panganib. Tahimik lang sila at dahil siguro alisto lang ang mga ito. Nakarating kami ng nayon at bumungad sa amin ang katahimikan. Nilibot ko ang paningin at nakikita kong kunti lang ang mga taong nagpagala gala ngunit parang wala sa katinuan ang mga ito. Madumi ang kanilang mga hitsura at nakikita mong nangayayat ang mga ito na parang walang kain ng isang buwan. Di ko akalaing ganito katindi ang nangyayari sa pagbabago ng kalikasan. Nakaramdam ako ng awa at mas lalong bumigat ang dinadala ko sa aking puso.

"Bakit ganito kalala" tanging bulalas nilang Scarllet. Nagpatuloy kami sa paglalakad at napatingin naman sila sa amin. Noon masigla ang nayon na ito pero ngayon parang mas malala pa ito sa pinagdadaanan ko. Dagdagan pa ng katahimikan at makalat na paligid.

"Tulungan niyo kami"

"Maawa kayo, bigyan niyo kami ng makakain"

"Tulungan niyo ang anak ko"

"Parang awa niyo na, tulungan niyo kami"

Parang piniga ang puso ko dahil sa pagmamakaawa ng iilan. Nakita kong unti unting nagsilabasan ang iba pang nakatira dito. Kitang kita ko ang mga malulungkot nilang mga mata at pagmamakaawa. Sabi ni HM na binibigyan din ito ng tulong ng mga maharlikang nakatira sa kaharian pero bakit parang wala man lang iyung naitulong? Naghihirap din ba ang mga ito? Sana may oras kaming mapuntahan ang kaharian ng Firehexous, malakas ang kutod kong nagdadanas din ito ng kahirapan dahil wala namang maharlika kung walang mga commoner. Mga commoner na tanging nagsasaka. Sa madaling salita, kung ang mga commoner o magsasaka ay di nagkakayod para magtrabaho ay mawawalang silbi ang mga maharlika. Paano makakain at mabigyan ng marangyang buhay ang isang tao kung walang naghihirap para pagsilbihan sila. Di mabubuhay ang isang maharlika kung walang nagpakahirap kaya wag nating maliliitin ang mga commoner dahil napakaimportante nila sa mundo. Oo, nagkakayod din ang mahaharlika para panatilihing marangya ang buhay nila pero di mapapantayan ang ginagawa ng mga commoner na nagsasaka para may makakain ang lahat ng tao sa pang araw-araw. Ipagpalagay nalang natin na lahat ng tao ay mga mahaharlika o mayayaman. Sa palagay mo may silbi ang isang salapi, pilak, ginto at mga bagay na nakapagpayaman sa isang tao? Sasabihin ko na, walang silbi ang mga iyun. Sino nalang ang magtatrabaho? Sino nalang ang magsasaka? Mas lalong maghihirap ang isang komunidad kung walang magtatrabaho. Maaaring aabot sa sitwasyon na mas piliin mo nalang maging mahirap at commoner para may makakain at mabuhay. Mayaman nga pero mamamatay ka naman sa gutom.

Muli kong nilibot ang aking paningin at mas lalo akong naawa dahil nakita ko sa mga sulok ang mga nakahilatang bangkay. Nilapitan ko ang isang mama na nakatayo lang sa gilid para magtanong.

"Mama, anong nangyari? Bakit may mga patay?" nag-alala kong tanong. Siguro ito na ang sinasabi ni HM na maraming ng nabiktima ang mga kampon ng kadiliman. Nilapitan din nilang Scarllet ang iilan para kumustahin. Tiningnan lang ako ng mama na may malulungkot na mga mata.

"Yung iba namamatay dahil sa gutom pero yung iba namatay dahil sa tatlong gumagalang demonyo tuwing gabi" malungkot niyang salaysay. Nagngitngit ang paningin ko dahil sa namumuong galit sa aking dibdib. Wala na talagang sinasanto ang mga kampon ng kadiliman.

"Bakit ngayon pa kayo? Alam niyo ba kung gaano kami naghihirap?" napalingon ako sa kanan nang may nagsalita at nakita ko ang isang kaidarang babae na may mga nangingilid na luha. Napayuko nalang ako dahil ramdam ko ang hirap ng pinagdaanan nila.

"Patawad kung ngayon lang kami" magpakumbaba kong sabi. Bumuntong hininga ako saka nag-angat ng tingin.

"Ngunit sinisiguro kong maibalik namin ang iilang nawawala sa inyo" determinado kong dugtong.

"Bakit, maibabalik niyo paba ang mga namamatay na mahal namin sa buhay?" napatanga ako dahil sa tanong ng isa pang babae pero pilit kong palakasin ang loob.

"Kahit hindi namin sila maibalik ngunit gawin namin ang lahat para mapatay ang mga nilalang na pumapatay sa mga mahal niyo sa buhay" seryoso kong sabi. Tumahimik naman sila.

"Sumunod kayong lahat sa akin!" seryosong sigaw ni Four kaya naagaw ang lahat ng atensyon namin sa kanya. Naglakad siya sa unahan at huminto sa kalagitnaan ng nayong ito.

Naghukay siya at may nilagay siya doon ng kung anong bagay. Agad namang nilagyan iyun ng tubig ni Miles. Nagsilapitan kaming lahat. Siguro'y iyun ang binhing binigay ni HM. Nakatutok lang ang aking atensyon sa lupang tinaniman ni Four. Maya maya ay may tumubo doon. Namangha nalang kaming lahat dahil mabilis iyung lumaki. Napaatras kami nang lumaki ito ng lumaki. Nakanganga ko itong pinagmasdan. Mahiwaga nga ang binhing iyun. Tuluyang lumaki ang punong prutas at nagbubunga ito ng tatlong klaseng prutas. Mga mansanas, dalandan at mga ubas.

Nagkagulo ang lahat dahil sa saya. Walang pasisidlan ang kanilang tuwa dahil sa wakas ay muli silang makakain. Lumambot ang puso ko habang nakatingin sa kanila. Tumingala ako sa punong prutas at isang kumpas ng aking kamay ay nagsihulog ang mga bunga kaya agad naman nila iyung pinulot. Ngunit mas namangha ako dahil napalitan kaagad ang mga prutas na natanggal.

Masayang kumain ang lahat pati kami nakikain narin dahil hindi naman kami nag agahan. Naramdaman ko ang pagbalik ng mga lakas nila.

Malugod nila kaming pinasalamatan kaya bilang kabayaran sa aming pamamalasakit ay isa sa kanila ang nagpatuloy sa amin para magpalipas ng gabi at masulusyonan ang isa pang problema, ang harapin ang mga masasamang nilalang na pumapatay. Dahil maaga pa ay nagtulong tulong ang lahat para linisin ang mga kalat sa paligid. Inilibing din ang mga iilang nagkalat na patay. Tumulong narin kami para mas mapadali ang gawain at hindi maabutan ng takipsilim.

Gabi ngayon at nasa hapag kaming lahat. Lahat ng nakalapag na pagkain sa lamesa ay tanging mga prutas dahil wala namang ibang pwede naming makain. Panaka-nakang tumingin ako kay Four na ngayon ay sinusubuan ni Divine ng mansanas. Sana ako nalang ang gumawa nun. Bumuntong hininga ako saka kumagat ng mansanas. Yung iba ko namang kaibigan ay masayang nagkwentuhan. Napatigil ako sa pagkagat nang may naramdaman akong masasamang presensya. Mukhang napansin din nila iyun kaya tumahimik sila at maingat kaming nagsitayuan. Agad akong nagteleport sa labas at nilibot ang tingin. Nakita kong lumabas nadin sila.

Agad akong napatingala sa kalangitan at naging alisto ako nang nakita ko ang tatlong maitim na usok na lumilipad sa era. Mga Demon.

@Missloorh

Gusto ko talagang iabot ng 3k words ang mga susunod na chapter pero parang nakakatamad ata yung basahin eh hahahahaha

Alam niyo? Na boring ako sa chapter nato. Di ko kasi feel eh dahil punta doon, punta dito habang sinusulat ko to kaya nawala ako sa konsentrasyon. Mas prefer kasi akong magsulat sa mga madilim na lugar din walang istorbo hahahahaha

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now