"Sige, aalis na ako. Mag-ingat ka sa lakad niyo" paalam niya at kinuha ang pinagkainan ko, pagkatapos naglaho. Buti hindi na ito nagtanong kung ano ang magiging lakad namin.

Bumuntong hininga ako saka humiga muli. Sana maging okay ang misyon namin. Di ko namalayan na unti unti ng pumikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

NAGISING ako at iksaktong mag alas-kwatro ng umaga. Mabilis kong ginawa ang ritwal at nagsuot ng puting damit na walang manggas at hapit na hapit ang katawan ko. Nagsuot din ako ng katad na maong itim. Sinuot ko din ang katad kong bota na itim. Sinuot ko naman ang katad kong jacket na itim at pagkatapos ipinusod ko ang aking lilang buhok. Nang nakuntento na ako ay lumabas na ako ng aking silid at naabutan ko naman ang mga kaibigan ko sa sala. Di ko nakita si Divine, siguro nasa klinika pa ito.

"Good morning Blaire!"

"Good morning Snow! Ganda mo talaga"

"Morning Blaire, ang cool ng suot mo"

Bati nila sa akin maliban kay Four na seryoso lang nakatayo sa bakuna ng pintuan at nakatalikod.

"Let's go" malamig niyang sabi at nauna na itong lumabas. Naglabas ako ng mabibigat na hininga. Sumunod sila palabas kaya sumunod naman ako.

Agad naman kaming nakarating sa labas ng tarangkahan at tamang tama ang pagdating din ni HM. Binati naman nilang Scarllet ito at binati din sila pabalik.

"Magandang umaga din sa inyo. Gusto kong sabihin sa inyo na si Chaos lang ang bahala para makarating kayo sa iba't ibang kaharian dahil siya lang naman ang may kakayahang gumawa ng portal. Sana matagumpayan niyo ito, maaring matatagalan kayo sa misyong ito pero umaasa akong magawa niyo ito ng madali" mahabang litanya niya at tumango tango lang kami.

"Osige, humayo na kayo at sana'y mag iingat kayong lahat" dugtong niya. Sabay kaming yumuko at tatalikod na sana kami nang may sumigaw.

"Sandali! Sasama ako!" humihingal pahabol ni Divine. Nangunot lahat ang mga noo namin. Agad siyang lumapit kay Four sabay halik dito kaya agad akong nagiwas ng tingin dahil parang piniga ang puso ko. Kinalma ko ang sarili, dapat hindi ako magpapadala sa nararamdaman ko ngayon. Tumingin ako muli kay HM na walang pinapakitang emosyon.

"Mabuti naba ang pakiramdam mo Divine?" nag-alalang tanong ni HM. Humiwalay naman siya kay Four at nakangiting tumango.

"Ayaw ko namang maiwang mag-isa, mas gusto kong sumama para makatulong" nakangiti niyang sabi. Napatango nalang si HM bago ngumiti.

"Tss, makatulong? Baka gusto mo lang makipaglandian" narinig kong bulong ni Aubrey sa sarili. Gusto ko namang matawa dahil mas ito pa ata ang apektado sa dalawa.

"Osige, magingat kayo. Mas nakampante na ako ngayon dahil kasama niyo ang itinakda" nakangiting saad ni HM. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Divine habang nakatitig kay Four. Gusto ko namang umirap, pakiramdam ko nang iinsulto si HM. Kaya naman naming magawa ang misyon nato kahit di makasama si Divine. Lahat naman ng naging misyon namin ay napagtagumpayan naming lahat.

Nagpaalam na kami ni HM at ang una naming puntahan ang sinasakupan nilang Four, ang Firehexous village. Agad gumawa ng portal si Four kaya nagsipasok na kami.

Nakatayo kaming lahat sa isang gubat ngunit ang kaibahan nga lang dahil patay nga lahat ng damo at puno, pati nadin ang lupa ay tuyong tuyo. Siguro nakarating na ako dito nong tumakas kami ni Four. Naaalala kong gumamit pa ako ng portal para makalayo agad sa kanya at dumeretso ako noon sa Forbidden forest. Oo, may abilidad akong gumawa ng portal ngunit mas pinili kong ilihim iyun sa kanila. Itinuro kasi iyun ni Auntie Calypso nong nasa pangangalaga pa niya ako.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now