Saktong pag-iling ko ang pag-ring ng bell kaya wala siyang ibang na-reak kundi ang tumango at ganoon din ako. Patakbo akong pumasok sa room sa kabilang building kahit alam kong 50/50 na may papasok na teacher sa klase namin.

"Hoy, blooming na blooming, ah!"
Pagpasok ko sa room, ang mga bati nila ang bumungad sa 'kin.

See? Maingay kaya ang ibig sabihin, walang subject teacher. Hanggang tenga ang ngiti ko habang papalabas nang room. Tutal naman ay may balak akong uminom ng tea sa canteen namin. Hindi rin naman ako nag-iisa na naglalakad sa hallway kase marami namang ibang students.

Napansin ko si Tessa na nakaupo sa kaliwang side ng court at parang may pinipicturan. Patakbo ko siyang nilapitan saka siya tinanong kung ano'ng ginagawa niya.

"Para sa diyaryo ng school na 'tin," sagot niya.

Napatango nalang ako.

Siya kase ang journalist ng eskwelahan namin. Siya ang madalas na ginagawang pambato kapag may event kagaya ng Journalism. Umupo siya nang kaunti pagkatapos ay tatayo na naman. Pinanood ko siyang ganoon ang eksena nang makatanggap na naman ako ng tawag galing kay Auntie.

Inayos ko ang hanggang-balikat kong buhok pagkatapos ay umurong patungo sa isa pang upuan.

"Nald..." pauna niyang salita. Naghintay naman ako sa idurugtong niya kase may hinala akong masyadong seryoso ang topic namin ngayon kompara sa nakaraan naming pinag-usapan.

"Do you have a plan of visiting here? We're all missing you."

Kaagad kong nakuha ang ibig niyang sabihin dahil minsan niya na ring na-mention sa 'kin na bumisita sa probinsya kung nasaan sila -- naroon ang mansyon at ang ilang negosyo ng pamilya namin.

"Pag-iisipan ko na muna," naibulong ko at napahawak sa sariling pisngi. Natapos na kaka-take ng pictures si Tessa, kaya sinenyasan ko siyang hintayin muna ako. Pinag-isipan ko pa kung ano'ng isasagot kay Auntie.

I didn't want to disappoint her since she had been treating me nicely, but living in the province was not part of my plan. Nag-isip ako ng magandang idadahilan para hindi siya magtampo sa 'kin. Nagtaka na nga lang ako nang namatay bigla ang phone, at naalala kong low battery pala 'to kanina palang.

Mahina akong nanalangin na nadala ko ang charger ko sa bag. Ngayon na bigla nalang namatay ang phone ko, baka akalain ni Auntie na binabaan ko siya! Problemado tuloy akong napatayo sabay kamot sa ulo.

Natatawa na tinapik ni Tessa ang likod ko, at sabay kaming pumunta sa canteen para makakain tutal ay tinapay lang ang almusal namin kanina.

"Ano'ng sabi ng Auntie mo?" pag-uusisa ni Tessa bago humigop ng strawberry shake. Napabuntong-hininga na naman ako at hiniga ang likod sa upuan.

"Province."

Napatigil siya sa pag-inom matapos kong sumagot. Nagulat nalang ako nang tuwang-tuwa niya na hinawakan nang mahigpit ang magkabila kong braso at inalog-alog kaya medyo nahilo ako, pero si Auntie pa rin at ang pagtigil ng pag-uusap namin kanina ang nasa isipan ko.

"Maybe it's time to help your father there," imik niya na nagpairap sa 'kin.

"Ano ba'ng gusto nila? Do they want me to become a farmer?"

Napangiti nalang ako nang pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante dahil sa biglaan kong pagtayo at pagsigaw. Nang-aasar akong tinawanan ni Tessa habang ako naman ay napahiya sa maliit kong pag-eeskandalo.

Iniwan ko na siya at pumunta sa harap at nilagyan ng kanin at ulam ang sariling plato. Pagbalik ko sa table ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Napaisip din ako sa sinabi ko kanina.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now